"Dianne!" Sigaw ko nang buhusan na naman niya ako ng malamig na tubig. "Ano? Kanina pa kita ginigising!" Sabay irap niya sa akin. Muntikan pang ibato iyong timbang gamit niya sa inis niya sa akin kaya napabangon na ako sa kama. Mabilis rin akong napayakap sa sarili ko dahil sobrang lamig talaga. Isama mo pa na nakatodo ang aircon sa kwarto. "Oo na, ito na." Nagmamadaling saad ko sabay tayo sa harapan niya. Sinamaan niya ako ng tingin sabay bigay ng timbang hawak niya. Alanganing kinuha ko ‘yun kaya inarapan na naman niya ako. Ano bang problema ng babaeng ito? "Oh, saan ka pupunta?" Lutang na tanong ko ng makitang papalabas na siya habang iniwan sa akin ang timba. Nag-freeze ata utak ko sa lamig ng tubig na binuhos niya. Ice bucket challenge ata ang gusto. Sh*t! Ang

