CHAPTER 3: WORK

2135 Words
Wala namang nangyaring gulo dahil lahat ng pumunta ngayong gabi ay mga katulad namin. Katulad namin na punong-puno ng mga pangarap sa buhay at mga taong gustong magkaramdam ng kalayaan. Sa mata ng iba non-sense lahat ng mga iyon at hindi ikakaunlad ng bawat isa. Pero hindi nila alam na ito ang magpapasaya sa tulad nila. Inaakalang walang patutunguhan sa buhay pero ang totoo, sila ang mga taong punong-puno ng pag-asa sa buhay. Ang mga taong kailangang palayain sa mundong masalimuot at mapanghusga. Sa Full of Dreams talaga ang magiging takbuhan nila, for sure.   ***   Sumalampak ako sa aking upuan nang makarating ako sa aking opisina. Ang dami kasing pinagawa sa akin ‘yung kakilala ko for the upcoming big event niya. Hindi ko naman ito matanggihan dahil isa siya sa naging dahilan bakit kilala na ako kahit papaano sa mundong ginagalawan ko ngayon. Binabalik ko lang din lahat ng ginawa niya sa akin. Hindi rin naman din ako nakakalimot at marunong ako sa salitang ‘utang na loob’. Hindi sa obligadon na gawin ko siya pero 'yon ang tama para sa akin. Plus, nakakabastos din kung hindi, diba? Besides, he’s my friend too.   "Buti naman at nahagilap na kita rito. Hindi ba uso sa’yo ang text at phone call?" Inis na sabi ng isang babaeng kakapasok lang sa office ko rito 3rd floor ng Full of Dreams niya.   May office ako rito na ibinigay niya kaya tinanggap ko na rin. Mahilig din naman kasi ako sa party and she said, why not na rito na lang magkaroon ng office para kahit papaano ay magkakitaan kami rito. But unfortunately, hindi nangyari ang gusto niya this week not until today. Dahil nga sa big event na pinaghahandaan ko at ng mga kasama ko sa big event na mangyayari sa susunod na araw. Hindi kasi pwedeng pa chill-chill lang. Tinitignan ko rin kasi ang place kung saan magaganap ang event.  Para mapag-isipan kung saan magandang ilagay ang ibang cameras for the videos and etc. That’s why, hindi na ako masyadong nakakapaggala or party man lang. Naisipan ko lang ngayon na magpahinga muna sa work ko kaya ngayon lang din niya ako nakita. Hindi rin kasi masyadong gumagamit ng phone lately lalo na pag nasa work ako.   "I'm sorry, Mads! Nakalimutan ko kasi tapos palaging tumatawag si Xian sa akin para i-inform ako sa magaganap sa upcoming na big event na pinapagawa niya." Paliwanag ko naman sa kaniya.   Kumunot naman ang kaniyang noo at namewang na tumingin sa akin matapos kong sabihin iyon sa kaniya. Halata talaga na hindi niya nagustuhan ang naging sagot ko.   "Sino? Ang apat na matang iyon? Bakit? Inaabuso ka na naman ata ng lalaking iyon. Brea, naman! Kahit nga ang girl’s night out natin na nakaplano na talaga, nakalimutan mo para lang doon? Kahit isang araw lang hindi mo maibigay and on that day pa talaga? Pwede mo naman na sabihin sa kaniya eh. Bakit ganiyan?"    And this time ay maluha-luha na siyang nakatingin sa akin kaya nagkandaugaga akong lumapit sa kaniya. Niyakap ko agad si Maddie at paulit-ulit na nag-sorry sa kaniya. Ayaw ko naman kasing makita siyang umiiyak lalo na pag ako ang dahilan. Hindi ako sanay at ayaw kong masanay. She's like my sister and I promised to her na nkahit anong mangyari ay papasayahin ko siya. As much as possible, I won’t do anything na ikakasama ng loob niya ngunit nabigo ako this time dahil napaiyak ko siya. Kahit na mababaw lang pakinggan pero sanay na kasi siya every time na nagyayaya siya ay on the go ako kahit busy ako. Nagkataon lang talaga kaya hindi ako nakasipot.  Am I that bad? Nakalimutan ko lang talaga dahil sa naging busy ako lately. Hindi naman din intentional na kalimutan 'yon.   "Babawi ako promise. Just after this event, Mads. Please? Kahit one-week pa, pwede tayong mag-girl’s night out just forgive me?" Masuyong sabi ko na ikinangiti naman niya kinalaunan.   Hays. Buti na lang at madali lang suyuin ang isang ito pero mukhang may patutunguhan ang makukuha ko sa upcoming event dahil sa nangyari ngayon. But it’s okay naman for me. Hindi ko naman ikakahirap iyon. Madali lang din naman kitain ulit ang pera pero ang saya kasama ang mga taong importante sa buhay mo ay hindi. It depends sa memories na ginagawa at tini-treasure niyo. I do believe na happiness is greater than money kasi talaga.   "Okay. Just do it this time, okay?" Paninigurado pa niya habang sumisinghot-singhot pa.   Kinurot ko na lang ang kaniyang pisngi pati ang kaniyang ilong na namumula na dahil sa panay iyak niya kanina lang. Halata naman dahil maputi siya. Lalo ring naningkit ang kaniya mga mata na singkit na since birth. Ang cute lang talaga ng best friend ko. Iyakin nga lang pag dating sa mga taong mahal niya at importante rin sa kaniya pero kung sa iba? Asa ka naman iiyakan ka. Ikaw pa ata ang paiiyakin ng isang ‘yan. I tell you, ganiyan siya. Ilang beses ko na rin kasing nasaksihan ang mga bagay na iyon. May lahing amazona si Maddie eh kaya shut-up na lang ako. I can’t wait nga na darating ang araw na may makakapgtiklop sa kaniya. Pag mangyari iyon ay aasarin ko talaga siya ng bongga-bongga.   "Huwag ka nang umiyak. Ang pangit mo na oh! Hindi ka na cute niyan, Mads." I joked at her.   Automatic naman akong nakatanggap ng kurot dahil sa pagbibiro ko sa kaniya. Pero alam naman niya na hindi naman totoo ang sinasabi ko. Wala na nga atang kapintasan ang isang 'to physically, sa totoo lang. Ngunit bilang babae, napakahirap masabihan ng negative about sa physical aspects. Masyadong big deal talaga iyon lalo na sa panahon ngayon. Baka mabalatan ka pa ng buhay, for sure. Pero kung iisipin, masasabi ko na lang sa sarili ko kung saan na ako lulugar sa mundo kung katulad ni Maddie ay may insecure pa rin sa sarili kahit wala namang kapintasan sa kaniya. Ako na ito lang? Si Brea lang sa mundong ibabaw. Baka dust na lang siguro ako sa mundong ito. Kawawa naman ako kung ganoon.   "Ang sama mo! Ikaw kaya ang dahilan ng pagluha ko! Hudas ka kasi!" Pabirong sabi niya sa akin at sabay ginulo ang buhok ko kaya natawa na kaming dalawa.   "Ang drama naman ng dadatnan ko ngayon! Pasali ako! Nakaka-inggit kasi! Hindi niyo pa ako napansin, kanina pa ako panay katok sa pinto! Masyado na kayong nawiwili sa dramahan ninyong dalawa eh!" Sigaw naman ni Marga na sumugod na lang bigla sa aming dalawa ng aking best friend.   Niyakap naman agad niya kami ng mahipit at ginulo ang buhok ni Maddie, which is I find it cute. Natutuwa lang ako na tignan silang dalawa. I’m just happy na kahit papaano may isang taong titingin sa best friend ko lalo na pagwala ako. I treat Marga as my best friend too dahil nagiging close pa kami simula ng maitayo ang bar ni Maddie last 2 months. Still, Maddie is my original best friend and my sister in heart.   "Epal!" Reklamo naman ng isa kaya nakatanggap agad siya ng kurot kalaunan kay Maddie.   Ayaw pa naman niyang ginugulo ang buhok niya plus ayaw rin niyang may sumisingit bigla pag nag-i-emote siya. Sira lang kasi minsan utak ni Mads. Hindi mo maintindihan minsan pero dahil best friend ko siya ay shut-up na lang ako ulit. Buti nga hindi ako ang mas napagdidiskatahan ng kurot niya lagi. Si Marga na ang pumapalit. Masakit naman din kasi talaga, ang haba rin kasi ng kaniyang kuko eh.   "Ang sama mo sa akin ah! Pasalamat ka nga sinabi ko sa’yo na narito ang kapreng kaibigan natin. Edi sana, nahihirapan ka kung saan mahahagilap ‘yan. Dapat hindi moa ko ginaganiyan, Maddisson." Nakalabing sabi pa niya kaya natawa kami.   Nagdabog pa ang gaga at nag-cross-arm pa. Sumama rin ang tingin niya sa katabi ko kaya natawa kami lalo. Hindi kasi sa kaniya bagay kahit anong pilit niya. Ang cringy niya talaga tignan kahit kailan.   "Hindi bagay, Marga." Tawang-tawang sabi ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.   "Ang sama naman ng ugali mo sa akin! Anyways, let's eat? May food na kasi sa baba and anytime by now ay mag-o-open na ang Full of Dreams." Pagsuko niya sa pagdadrama niya sa harapan namin ni Maddie at nag-aya na lang siya na kumain na.   Tumango na lang kami ni Mads bilang sagot dahil halatang ramdam na namin ang gutom sa mga oras na'to. Agad naming nilantakan ang food nang makita namin ito pagbaba palang namin galing sa opisina ko. Muntikan pa ngang mahulog ang isa sa amin. Kung hindi lang nahawakan for sure gumulong na pababa sa hagdan. Ang hirap talaga pag gutom na gutom eh. Natawa nga ang ibang nagwo-work dito dahil sa inasal namin dahil para kaming bata kung umasta na first time nilutuan ng nanay. Inalok na rin namin ang iba, bonding na rin kumbaga at pasasalamat din. Isa sila sa naging dahilan kung bakit mas nagiging sikat o binalik-balikan ang bar ni Mads. Dahil din iyon sa magandang service ng mga staff at pakikitungo nila sa mga costumer kahit minsan ang sarap ibalibag ang mga costumer na kaharap nila. Pero hinahabaan lang nila ang pasensya nila dahil baka magkagulo pa. Hindi rin kasi maiwasan na makaharap ka ng costumer na may attitude talaga. Plus, points na nila iyon bilang isang good worker. Minsan nga nabibigyan sila ni Mads ng bonus sa bawat gabing nag-i-increase ng sobra ang kita ng Full of Dreams. Kaya nga swerte talaga ng mga ito sa boss nila.   "I have to go back to my office. May aasikasuhin lang tapos tatawag din si Xian for any updates. 2 days from now kasi gaganapin ang big event niya." Paalam ko sa dalawa matapos kong kumain na. Ngumiti naman sila at sinabing huwag daw akong magpuyat dahil kawawa na raw ‘yung katawan ko baka mangayayat daw ako. Ako na raw ang kauna-unahang babaeng naglalakad na buto't balat sa Pilipinas.    Tinawanan ko na lang sila sa pinagsasabi nila sa akin at nagtungo na sa aking opisina na nasa 3rd floor lang naman ng Full of Dreams. Dito na rin ako matutulog dahil may extension room naman 'to para sa naging kwarto ko. Sinadya kasi ni Mads na ipagawa para hindi ko na maisipang umuwi sa condo o bahay lalo na pag ginagabi na ako masyado.    ***   Nagsimula na akong magpaka-ermitanyo sa opisina habang nakikinig sa plano ni Xian na paulit-ulit na lang pero may iba naman na pinadagdag niya at tinanggal. Buti na lang kaya kong mag-adjust kasi kung hindi baka nainis na ako sa kaniya. Time to time kasi my changes kaya minsan ginagawa ko, tinatago ko ‘yung na unang plans niya para if in case maisipan niya na ibalik iyon ay easy na lang for me lalo na sa mga kasama ko.   "Ayaw mo ba talagang kumuha ng video habang ginagawa ang event?" tanong ko ulit sa kaniya.   Baka lang kasi magsisi siya dahil pinatanggal na naman niya iyon. At least nakailang ulit na alok na ako sa kaniya na ibalik ‘yung na unang plano namin habang nagsa-start ang event kasi sayang din naman kasi ang na-set-up noong nakaraang araw. It’s up to him if yes or no pero para sure gagawin ko na lang. Para handa na rin kasi ako sa mangyayari sa susunod eh.   "Oo, ayaw ko. Picture is enough. May press naman doon kaya sila na ang bahala. Basta ‘yung picture na nakunan mo ang gusto ko after that event. Basta, Brea, kuha mol ang ang kailangan ko." Paulit-ulit na sagot niya.   Nagkibit balikat na lang ako sa sagot niya. Desidido na siya pero stick pa rin ako sa plans ko. Para hindi mahirapan after. Isang malaking event din ang magaganap kaya as much as possible ay may maraming plans kaming gawin lalo na ako. Ayaw kong mag-messed up dito.   "Xian! Bakit naman kasi? Para saan ba ‘to?" Pamimilit ko.   Naalala ko kasi ang hindi niya pagsagot sa tanong ko para saan itong pinapagawa niya noong isang araw. Buti na lang ay naisipan kong itanong ulit sa kaniya kaya gin-rab ko na ang tsansya ngayon. Nagtataka rin kasi ako ba’t may press na involve. Big event talaga ang mangyayari kung ganoon.   "Fine! Para sa mama ko. Gusto niya kasi na lahat ng pictures sa anniversary nila ni papa ay ikaw ang kumuha. She’s a big fan of yours. Isa rin siya sa followers mo sa lahat ng social media account mo. About that big event ay wedding anniversary nila ni papa at na kwento ko naman sa’yo na mahilig sila sa art work kaya pinagawan ko rin iyon para gift na rin. Though, hindi naman niya alam na may gagawin akong party for them. Ang original plan ng family ay kami-kami lang. Kaya, Brea, chill ka lang. Lahat ng ginagawa mo at ng iba ay mag-wo-work ng maayos. Kayo pa ba? Ikaw pa ba?" Pag-amin niya.   Bumigay rin sa wakas ang loko. Akala niya siguro hindi ko siya titigilan pero kinabahan tuloy ako ng malaman ang totoong dahilan. The hell! Sikat ‘yung parents niya pati rin siya. Kaya pala may press kasi anniversary ng parents niya pala.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD