CHAPTER 2: FULL OF DREAMS

2907 Words
Naalimpungatan ako dahil sa bigat na nararamdaman ko. Ang bigat kasi, parang malalagutan na ako ng hininga kaya agad kong dinilat ang aking mga mata. Ang bumungad sa akin ay ang mukha ng aking best friend na naka-half open ang kaniyang bibig. Ang cute lang, kaya agad kong inabot ang phone ko na nasa bed side table at agad na nag-take nang litrato kasama siya. Agad ko itong in-upload sa ** ko with the caption of 'Sleepy head #FullOfDreamsLater.   For sure, maraming netizen na naman ang mag-iingay sa comment box ng post ko. Sapagkat, minsanan lang talaga ako mag-post nang pictures na may kasama akong iba or picture ko mismo. Madalas kasi ay lahat ng mga kuha ko lang ang nilalagay ko. Plus, may shippers kaming dalawa kaya maggugulo ko na naman ang account ko. Hindi naman kasi talaga lingid sa kaalaman namin ni Maddie na may nag-shi-ship sa amin kahit alam naman nila na mag-best friend lang kami. Sadyang gusto lang talaga nila lalo na’t bagay raw kami tapos parehas na single. Though, hinahayaan lang naman namin ni Maddie kasi roon naman sila masaya. As long as hindi kami nila ginagawan ng masa o hindi sila nagbibigay ng harm sa buhay namin ni Maddie. Sadyang they know their limits naman na siyang pinagpapasalamat namin ni Maddie.   Agad kong ni-log out ang aking account nang maramdamang gumalaw siya. Sumalubong sa akin ang mga mata niyang halatang inaantok pa. Sarap ng tulog ng isang ito, dumagan pa ng kunti sa akin kahit alam naman niyang ang bigat niya kahit katawan niya ay katawang modelo. Kasi modelo nga rin naman siya. Matangkad din kasi, kaya plus na iyon sa kaniya. Kahit naman ganoon katawan niya ay siksik lusog naman kasi siya kaya mabigat. Masiba rin kasi kumain minsan. Hindi naman kasi siya natatakot minsan na kumain nang marami dahil hindi naman siya nataba agad. Though, lately napapadalas na hindi na siya gaanong kumakain nang marami dahil baka pagalitan na naman siya ng kaniyang manager. Sinusunod na niya ito dahil nakakarindi na raw pakinggan, kawawa na rin naman daw iyong manager niya dahil sa tigas daw ng bungo niya.   "Bumangon ka na riyan. Ang bigat mo," reklamo ko na sa kaniya na ikina-angal nito agad.   Nararamdaman ko na kasi ang pamamanhid ng ibang parte ng aking katawan dahil sa kaniya eh. Sinamaan niya agad ako nang tingin, halatang hindi niya talaga nagustuhan ang aking sinabi. Hinampas niya agad ako nang unan bago siya gumulong sa kabilang parte ng kama. Humikab pa ito nang sobrang lakas. Ibang klaseng babae. Kampante kasi dahil kami lang ang magkasama, kung nasa public places kami o kasama pamilya namin ay hindi siya ganiyan. Prim and proper kasi siya kung minsan eh. Kaya nga minsan inaasar ko siya na plastic. Naiinis naman siya pero alam naman niyang hindi naman iyon totoo. Pang-asar ko lang talaga sa kaniya eh. Sadyang, alam niya lang kung ano iyong dapat i-akto sa harap ng lahat, unlike sa akin na kahit anong gawin ko ay wala naman akong pakialam. Though, hindi naman ako umabot sa point na nasangkot ako sa isang eskandalo dahil sa pagiging totoo ko sa aking sarili.   "Tara na? Maligo ka na para makapag-lunch na tayo. Kaka-12:00 o'clock na rin kasi. Nagugutom na rin kasi ako," sabi niya nang makita ang orasan sa gilid niya.   Tumayo naman agad ako para sundin ang utos niya dahil nakaramdam na rin ako ng gutom. Nakalimutan ko kasing mag-breakfast na 'di naman ni-remind ng magaling kong best friend. Pinatulog lang agad ako, bastos na babae. Babawiin ko na lang mamaya sa lunch ‘yung breakfast ko. Alam ko namang libre niya kaya grab the chance na. Pag ganito kasi na sinasadya niya ako it means siya na ang manglilibre at siya na ang bahala sa lahat. Salitan lang naman kasi kaming dalawa. Nakasanayan na rin kaya ganoon. Which is okay lang din naman sa akin. Hindi sa tag-hirap ako, sadyang siya lang ang may gusto. Tinatanggap ko lang with open arms ang mga biyayang binibigay sa akin.    "Let's go?" tanong ko sa kaniya nang makalabas ako ng banyo.   Nagtaka naman ako nang makita ko siyang aligaga na sa kaniyang kinauupuan kaya muntikan nang mahulog ‘yung camera ko. Buti na lang talaga ay nasalo niya agad iyon kung hindi? Magwawala talaga ako dahil masisira talaga ang camera ko. It's my precious camera kasi bigay iyon ni daddy sa akin noong nag-debut ako. Tapos iyon din ang kauna-unahang mamahaling camera ko.   "Maddie! Ano ba naman ‘yan? Paboritong camera ko ‘yan. Ano na naman bang kalokohan ang ginawa mo at ganiyan ka? Dinadamay mo pa ang camera ko." Pagalit na sabi ko at hinigit ang aking camera galing sa kaniya.   Baka kasi masira nang tuluyan eh. Marami pa naman akong memories na kasama ang camerang hawak ko ngayon. Isa ito sa mga baby collections ko.   "Ginulat mo kasi ako! " Defensive na sabi niya kaya umarko na naman ang aking kilay.   Halata kasi talagang may ginawang kasalanan kaya ganiyan. Nenenerbyos talaga siya which is iyon naman lagi. As If naman na hindi ko siya kilala para umakto nang ganiyan sa aking harapan ngayon.   "Halatang guilty ka! Don't me, Maddie! Ano ba kasi ginagawa mo sa harap ng aking latop? May kalokohan ka na naman bang ginagawa kaya ganiyan ka?" Sabay namewang ako sa harapan niya.   Lumabi naman agad siya kaya napapailing na lang ako. Dinadaan na naman niya ako sa ka-cute-tan niya para 'di ko siya pagalitan at pilitin na umamin. Ngunit sanay na ako sa ginagawa niya kaya 'di na ume-epekto sa akin. Masyado kasing mahilig sa kalokohan kaya nasasanay na ako. Kung katulad lang ako rati baka ngayon hinahayaan ko na siya pero ngayon hindi na. Hindi na rin pwede, ano? Lalo na’t camera na talaga ang pinag-uusapan.   “Ano ba kasing nangyayari sa’yo at aligaga ka, ha? 'Di naman kita ginulat. Malalaman mo naman na lalabas ako sa banyo dahil tutunog naman kasi ang aking pinto unless na lang kung may ginawa kang hindi maganda.” Tumaas na ang isang kilay ko sabay lapit sa kaniya.   Mabilis ko na ring tinago ang aking camera. Baka kasi matuluyan mahirap na, bigay pa naman sa akin kaya dapat kailangan ingatan. Hindi porket na bigay lang ay hindi ko na iingatan. Kahit dumami pa ang mga regalong binibigay sa akin ay never ko itong tinapon o binenta man lang. Tinatago ko lang sila sa isang kwarto sa bahay. Parang collection room ko na rin iyon kumbaga.   "Oo na. Ikaw na ang 'di naku-cute-tan sa akin. Ginamit ko lang kasi ‘yung twitter mo para alam mo na! Para makakuha ng costumer mamaya. Sikat ka naman kasi eh. Marami kang mahahatak na costumers mamaya." Sabay peace-sign niya kaya napa-iling na naman ako.   "Ikaw talaga. Pwede mo namang sabihin sa akin hindi ‘yung ganiyan pa ang ginagawa mo. Muntikan nang mahulog ‘yung camera ko dahil sa’yo. Pwede ko naman kasing gawin mismo. Mapapakiusapan mo naman kasi ako."   "Eh kasi, bebs, hindi lang kasi ganoon lang ang ginawa ko. More than pa po." Sabay kamot sa batok niya, kaya umakyat ang kaba sa aking puso.   Tinitigan ko siya ng mabuti dahil sa aking narinig sa kaniya. May kutob na ako kung ano na namang ginawa niya. Pero nagbabakasakali ako o hinihiling ko na sana 'di tama ang iniisip ko sa kung ano man ang kaniyang ginawa sa aking account.   "No Maddie, 'wag mong sabihin sa akin na pi-nost mo iyon?! Hindi, diba?"   Agad namilog ang aking mga mata dahil sa tanong ko matapos itong ngumiwi na waring um-oo sa kung anong nasa aking isipan. Agad namang tumango ito kaya napatakbo na ako sa harapan ng laptop ko na ginamit niya kani-kanina lang. Nanlumo ako nang makitang pinagpepyestahan na nila ang picture ko sa twitter at IG!   "Maddie!" Malakas kong sigaw.   Nakarinig na lang ako ng malakas na kalabog sa pinto at mabilis na yabag papalayo sa kwarto ko. I-post ba naman niya ang wacky pictures ko na may dalang malaking chupon at niyayakap ito na waring teddy bear. Naka-pampers pa ako niyan! Nakakahiya kasi talaga. Hindi ko nga pi-nost dati kasi nahihiya ako pero tinago ko kasi cute para sa akin. Tapos, memorable ang moment na iyon kaya naka-access siya. Mukhang iyon talaga ang napag-trip-pan niyang i-post. Marami naman akong pictures sa laptop ko pero iyon talaga ang umagaw sa atensyon niya. Halloween kasi nang mga time na iyon! Padabog na lang akong lumabas sa kwarto ko dahil kahit burahin ko paniguradong may copy na ang sa post na iyon lalo na ang taga-hanga ko.   Oo! May taga-hanga ako na sobrang stalker pero hindi naman sila ‘yung mga taong creepy talaga. Nakakatuwa nga dahil minsan gumagawa sila ng fans day para sa akin. Sumupunta naman ako kasama si Maddie dahil feel na feel naman ng bruha ang moment. May puso naman ako kaya pinapa-unlakan ko na. Nag-enjoy rin kaya ako sa mga nangyayari sa fans day eh. Masarap nga sa pakiramdam na makasama 'yong mga taong humahanga sa’yo, sa mga pinaghirapan mo. Sila kasi 'yong mga taong nakikita kung ano ba talaga gusto mong maipakita sa mundo at sa sarili mo. Sila rin 'yong sumusuporta sa kung anong meron ka. Ang pinaka-importante sa lahat, ang mga fans ang nagbibigay energy sa bawat araw na ginagawa ko dahil alam ko, in the end, may mapapasaya ako at may magpapasaya rin sa akin aside sa ginagawa ko.   ***    The whole afternoon ay gumala lang kami ni Maddie sa mall. May kunting nagpapa-picture lalo na't sikat din namang modelo si Maddie pero pag magkasama kami hindi siya masyadong nilalapitan ng mga fans niya dahil nag-post kami once sa social media na bigyan nila kami ng space. May mga fans day naman, so roon na lang nila sulitin ang pagpapa-picture at pagpapa-autograph. Pero ‘yung iba masyadong na-o-overwhelmed kaya 'di na makatiis na lumapit talaga sa amin. May mga bouncer naman sa 'di kalayuan sa amin kaya safe naman kahit papaano. At hinahayaan na rin naman kasi mukhang sila talaga ang mga taong hindi nakakasama minsan sa fans day na sini-set ng iba.   "So, let's go na? 'Wag kang himatayin pagmakarating na tayo sa bar mo, ha?" Biro kong sabi sa kaniya nang makarating na kami sa parking lot dahil mag-se-seven na rin nang gabi.   Around 8:00 na rin kasi nang gabi pa naman ang grand opening ng bar niya na pinangalanan niyang Full of Dreams. Pangalan pa lang, catchy na talaga siya kaya kampante ako na maraming pupunta talaga. Sorry na lang talaga sa hindi na makakapasok, baka kasi punuan eh.   "Ang sama mo grabe! Bakit ako hihimatayin, ha? Nakakasira ka ng poise ko eh. Sapakin kita riyan makita mo!" Inis na sabi niya na halata namang kinakabahan baka palpak ang opening na magaganap mamaya.   Tinawanan ko na lang siya kaya nakatanggap ako nang irap sa kaniya habang binabaybay namin ang papunta sa bar na bubuksan niya ngayon. Bumungad naman sa amin ang manager niya na nakangiti lang talaga nang makita kaming makababa sa kotseng gamit naming dalawa.   "Okay na ba ang lahat? Baka magkaproblema tayo niyan kalagitnan ng event, ha?" Sunod-sunod na tanong ni Maddie sa kaniya.   Natawa na lang ako sa reaksyon ng manager niya. Parang 'yong nag-viral na amerikanong bata na nakalabas 'yong ipin. Ginaya nga 'yon ng isang sikat na isang member ng K-pop group na Blackpink ata 'yon. Kung tama ba pagkaka-alala ko. Kaya naalala ko na lang bigla dahil sa ginawa niya. Nakakatawa at the same time ay cute tignan talaga.   "Chill lang po kayo, Ms. Maddie. Marami nga pong taong nag-aabang sa grand opening eh. Nakatulong talaga ‘yung publicity. Nakita kasi namin iyong pi-nost ni Ms. Breanna sa social media account niya," sagot naman agad niya kay Maddie.   Nakahinga naman siya ng maluwag dahil sa narinig niyang sagot galing sa manager niya. Pero napangiwi naman ako tungkol doon sa pi-nost ko raw mismo which is hindi naman talaga.   "I told you. Hindi ka talaga papalpak. Pagpumalpak talaga 'to sisigaw ako na 'di kita kilala. Aba, nakakahiya ka!" Pagbibiro ko pa sa kaniya para maibsan 'yong kaba na nararamdaman niya right now.   It's normal na maramdaman ang kaba but it cannot help you. Baka pumalpak pa paghinayaan niya 'yong kaba niya na manaig kaysa sa kung ano dapat niyang gagawin. Agad naman niya akong kinurot dahil sa aking sinabi. Niyakap ko na lang siya at binulong na ko sa kaniyang taenga na ang baho na niya kaya nakurot niya lalo ako. Tawang-tawa naman ang manager niya sa amin dahil puro raw kami kalokohan, lalo na raw ako.   "Kailan ba kayo magtitino, Ms. Brea?" Biglang tanong niya nang magsimula na kaming maglakad papalapit sa entrance ng bar.   "Pag naging matino na rin niyang boss mo, pero never ata mangyayari iyon. ‘Yan pa? Naku! Guguho na ang lahat pero never ‘yan magbabago. I tell you," sagot ko sa kaniya at dinamay pa ang aking best friend na ikinatawa na lang ng manager niya.   "Ang sama mo! Parang wala ako rito ah! Pasalamat kayo kaibigan ko kayong dalawa. Stop saying miss, Marga, hindi bagay sa’yo! Pektusan kita eh. Nakaka-cringy pakinggan ang kaka-miss mo. Maddi and Breanna will do." Napakamot na lang si Marga sa kaniyang kilay dahil sa sinabi ni Maddie.   Marga is our schoolmate and batchmate na rin kaya 'di ako magtataka na siya ang ginawang manager ni Maddie. Mapagkakatiwalaan kasi siya at may potensyal din sa bagay na ganito. May share rin siya sa bar kaya sigurado akong lalago pa at kikilalanin ito sa buong Pilipinas.   Sinimulan na namin ang event at napa-wow na lang kami nang makita ang loob ng bar. Hindi siya ‘yung typical na bar talaga. Kaya pala pinangalanan niya itong Full of Dreams dahil iyon na iyon talaga ang nasa loob nitong bar. May tatlong palapag ang meron ang bar. Ang sa baba ay may DJ na area, meron din ‘yung para sa banda. May freedom wall pero 'di basta-bastang freedom wall dahil imbes na word ang gamit mo pang-express sa feelings mo ay paint talaga o drawing ng kung sinong gusto. May stage rin para sa gustong i-showcase ang talent nila sa spoken poetry. May dance battle arena rin sa gitna ng bar. Sa taas naman ay VIP area. May mga games doon at kung ano-ano pa na ginagawa na laro sa gabi lalo na sa bar. Pero ang nakaagaw ng atensyon ko ay ang malaking screen sa taas ng VIP Area. Nasa gitna rin ito ng bar.   "Para ‘yan sa mga katulad mo na mahilig sa pagkuha nang larawan or video. Nakikita riyan sa taas at sa kanang bahagi ito ng VIP Area ang visual section," paliwanag niya kaya agad akong nagtungo roon at tama nga siya.   This bar is so cool talaga. I love it! For sure everyone na dadayo rito ay matutuwa at mag-i-enjoy rin.   “Ang tatlong palapag ng bar na ito ay exclusive for us only. So, no one is allowed their unless you have a permission from me and from these two girls beside me.” Dugtong pa niya kaya tumango-tango kami.   Kaya naman pala ganoon ang ikatlong palapag. Glass wall siya pero nahaharangan ang malalaking kurtina para 'di makita kung anong meron sa loob. Kung nasa loob ka naman ng area na iyon ay makikita talaga kung anong nangyayari sa baba nitong bar. Which is malaking plus points para sa akin. Cool bar it is.   "I made this bar because I want na ma-fulfil ninyo ang dreams ninyo na inaakala na hanggang panaginip na lang ang lahat. Kung 'di niyo magawa sa labas at dinadaan na lang lahat ng frustration niyo sa pag-inom ng alak sa kahit anong bar, why not here? Walang manghuhusga sa’yo rito. Kung anong gusto mo sa buhay susuportahan namin. Kaya nga tinawag na Full of Dreams, diba? Mahilig akong magpinta kaya nagpagawa ako ng freedom wall, may visual section din para sa taong importante sa buhay ko and that's Breanna at Dance Battle Arena for my manager friend, Marga. She loves dancing even though hindi naman halata," speech niya kaya nagsipalakpakan kami.   Na-touch din ako sa sinabi niya dahil kahit bar niya 'to ay naisip niya pa rin kami. She's really a good friend and best friend too. Iniisip din niya ang kaligayahan ng taong nasa paligid niya kahit may pagkaloka-loka siya. That’s why I love my best friend so much.   "At kung trip niyong maging DJ. Go ahead! Hindi ka namin pipigilan as long as 'wag mo lang sirain, masyado kasing mahal mga kagamitan dito. Hahaha, kidding aside. Ikaw ang gagawa nang magical moment mo at dito sa Full of Dreams? Kaya mong gawin at kaya mong makamtan lahat na walang iniisip na baka may pumigil sa inyo. Enjoy fellas!" Sabay taas niya sa kaniyang baso na hawak-hawak kanina pa.   "Wow! Nakaka-touch grabe! Thanks, Mads!" Sabay na sabi namin dito at agad siyang niyakap.   "I hope marami kang maging suki rito at maging okay rin ang takbo ng bar." Sabay ngiti sa dalawa.   Sinimulan ko na ang pag-mix nang video sa gabing iyon. Tuwang-tuwa nga sina Marga dahil lahat nang nakikita ko o nakuha ng camera na minamanipula ko ay nakakatawa. Lalo na ang isang guy na para-paraan lang sa katabi niya. Dahil sa screen na nasa taas nahuli siya at agad na naging dahilan para mapingot siya ng katabi.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD