CHAPTER 1: BEST FRIEND

1844 Words
May kinalikot ako sa aking laptop na may makita akong repleksyon ng isang tao ang naaninag ko bigla sa screen. Halatang gugulatin niya pa ako, but unfortunately ay hindi niya magawa-gawa dahil nahuhuli ko siya lagi bago niya magawa ang kaniyang planong panggugulat sa akin.   "Boooo!" Agad na sigaw niya pero lumingon lang ako sabay binalik ang tingin sa aking laptop.   As if naman na magugulat niya ako. Mahilig kasi talaga siyang manggulat kaya sanay na ako. Masyado rin kasi siyang halata kaya hindi na effective ang panggugulat niya sa akin.   "Aish! Ang daya mo naman! Bakit hindi ka nagulat o nagugulat man lang? Nakita mo na naman ba ako riyan? May hidden camera ba ‘yang laptop mo, ha? Dali! Bakit hindi na effective sa iyo ha? Hindi ko naman napansin na napansin mo eh." Pamimilit niya habang inaalog pa ang balikat ko kaya hindi ko napigilang matawa sa pinaggagawa niya sa akin.   Nagmumukha naman kasi siyang bata sa pinaggagawa niya. She's my best friend Madisson. Since high school hanggang college ay mag-best friend na kami. Siya kasi ang unang nag-push sa akin na ipagpatuloy ang hobby ko sa pagkuha ng mga litrato. Makulit kasi siya noon at lumala pa ngayon, pero hindi ko naman pinagsisihan ang mga panahon na nangyari ‘yun sa aming dalawa. Siya kasi ang isa sa dahilan bakit ko nahanap agad ang gusto kong gawin sa aking buhay dahil nga rin sa hilig niyang maging modelo. Ginagawa niya kasi ako minsan na personal photographer para sa upcoming posts niya sa social media kaya na-discove rin niya na may talent ako.   Kumuha ako nang course sa college na business at the same time ay nag-pa-part time ako bilang isang freelance photographer sa mga kakilala ko. Dahil may potensyal naman ako ay pinapayagan naman nila ako na makuha ang project hanggang sa naging suki na every time may event. Ako talaga ang una nilang tatawagan pero minsan natatanggihan ko ‘yun dahil sa studies ko pero okay lang naman sa mga naging kleyenta ko at sa aking magiging kleyente pa. Ikinasasaya pa nga nila na makitang mas pina-priority ko ang studies ko over sa part-time ko bilang isang freelance photographer sa events. Dahil sa marunong ako sa salitang ‘time-management’ ay naka-graduate na rin ako noong nakaraang buwan. I mean kaming dalawa pala ni Maddie.   Pinilit pa ako nina daddy na hawakan ang kompanya namin agad dahil naka-graduate na nga ako with flying colors sa ATENS kaya bago masayang ang pinag-aralan ko ay kailangan na raw niyang ma-i-turn over sa akin ang business namin. Ngunit, humingi ako nang isang taon na palugit kay daddy na gawin ko muna ang gusto ko bago ko siya palitan as CEO sa company namin. Buti na lang talaga ay pumayag siya. That's why I love my daddy so much as well as my mommy. Nakakatuwa lang sila and cool parents din. They let me do the things that I want for the meantime because they do believe also na ayaw nilang ipagkait sa akin ang gusto ko. Which is a good thing as parents talaga. That’s why, habang pinagkakasya ko ang mga gusto ko sa isang taon ay unti-unti na rin akong nagpapaalam sa mga kleyente ko na I will leave my job for good. Biniro ko pa nga sila na next time na magkikita na kami ay hindi na ako ang isang freelance photographer na kilala nila kundi isa sa kasosyo na nila sa business. O kasama sa business conference and what so ever na pinupuntahan ng mga business minded person.   "Natapos mo na agad ang trabaho mo?" Bilib na tanong ng best friend ko nang makita ang aking ginagawa.   Umunat muna ako bago ko siya sagutin. Masakit na rin kasi ang katawan ko dahil sa haba ng oras na nakatutok sa aking ginagawa sa harapan ng laptop ko. Isa ako sa klaseng tao na hindi mapakali o makatulog pag hindi natatapos ang aking dapat tapusin na trabaho. Mas madali sa akin gawin ang mga bagay na mabilisan kaysa bagalan. Mas hindi ako natatapos pag ganoon ang ginagawa ko, mas lalo akong tinatamad. Nawawalan din ako ng gana na tapusin kung anong nasimulan ko na trabaho pag hindi ko binibilisan tapusin ang mga trabaho ko.   "Oo, hindi nga ako natulog para matapos ito," sagot ko naman habang sini-save na ang natapos kong video na kakatapos ko lang gawin.   I checked my clock, kaya pala narito siya dahil 8:00 na nang umaga, kaya nag-shrug na lang ako dahil doon. Hindi ko namalayan na inumaga na naman ako sa pagtapos nang aking trabaho. I started doing my work right after kong makauwi galing sa isang event kagabi. Hindi rin kasi ako dinadalaw ng antok kaya ginawa ko na lang ang dapat kong gawin. At least may natatapos ako.   May wedding kasing nangyari kahapon at ako ang kinuha nilang photographer. Himingi rin ng pabor ang newlywed na gawan nang video ang wedding nila gamit ang mga nakunan ko kaya pumayag na rin ako. Pumayag ako hindi dahil sa bayad na ibibigay nila kundi para na ring gift para sa dalawa. Gusto ko kasi ang ginagawa ko kahit kunti lang ang ibibigay nila sa akin ay okay lang talaga. Ginagawa ko naman ito para libangan ko sarili ko. Kumikita pa ako, diba? That’s what you call reach mindset.   Hindi naman ibig sabihin na photographer ako ay nangangailangan ako ng pera para sa pang-araw-araw na buhay. Ito lang ang pinili kong daan dahil alam ko na ito ang magpapasaya sa akin. Ayaw ko kasing matali sa isang bagay na ayaw ko. Ang gusto ko talaga, bago ko gawin ang gusto ni daddy ay magawa ko muna ang mga pinapangarap kong gawin lalo na ang maging isang freelance photographer. Iyon bang pag ma-i-turn over na ni daddy ang pagiging CEO ng kompanya sa akin ay may ipagmamalaki rin ako pag dating sa ibang bagay. Kumbaga pag mangyari iyon ay may iilan ang nakakakilala sa akin dahil sa nagawa kong achievement. Hindi lang ako naging CEO kundi naging sikat din akong freelance photographer sa pamamagitan ng pagsisikap at ng aking passion. Not just because of the power of my dad and our name.   Maniwala man kayo o hindi, simula noong pinanganak ako ay namuhay ako sa marangyang pamumuhay pero pinalaki ako ng magulang ko na maging mapagkumbaba. Pinalaki rin nila ako na huwag i-look down ang ibang tao dahil nakakaangat kami sa kanila. Sumama nga ako minsan pag nag-vi-vacation ‘yung nanang ko sa province nila. Kasama namin syempre ‘yung parents ko at doon ko pa lalo naramdaman ang pamumuhay ng isang ordinaryong tao. Marami akong napagtanto noon, ilang ulit ko na nga ring kinompara ang province sa city. Masasabi ko na hinding-hindi ako matatakot na magsimula sa pinakaibaba dahil handa akong harapin iyon ng buong puso at may tatag na loob. In case, diba? Wala naman kasing permanente sa buhay, kaya proud sa akin ang parents ko dahil tumitingin ako sa positive at negative na mangyayari sa bawat desisyon na ginagawa ko o sinasabi. Kaya may full trust sila sa akin na ikinatutuwa ko naman.   Without the trust of your parents, hindi mo na i-enjoy kasi ang buhay mo dahil nag-wo-worry ka na baka mahuli ka ta's pagalitan ka pagkatapos dahil sa mga actions mo. Pagbibigyan ka ng trust ng magulang mo, make sure not to break it. It is hard to win their trust again because once you break it siguradong mas masasaktan mo ng sobra ang mga magulang mo dahil sa mga actions na hindi mo pinag-isipang mabuti bago gawin. Kaya kailangan na sa bawat ginagawa mo ay pinag-iisipan muna, huwag magpadala sa bugso ng damdamin mo dahil nauuwi lahat iyon sa pagsisisi.   "Galing mo talaga, bebs. Oo nga pala, bago ko makalimutan kung ano talaga pinunta ko rito. Opening na ng Full of Dreams mamaya. Huwag kang mawawala, ha?" Namewang pa itong nakaharap sa akin.   Ngumiti na lang ako sa ginawa niya kaya agad kong ginulo ang kaniyang buhok, nginitian niya lang din ako. Paano ako mawawala roon, halos lahat ng gusto ng babaeng ‘to at gusto sa buhay ay nakasuporta lang ako lagi sa kaniya dahil ganoon din ang ginagawa niya sa akin. After all, she's my best friend and my sister in heart.   Kaya nga nag-click kami because we know the saying ‘give and take’ kaya nagkaroon kami ng matatag na friendship dalawa. Hindi sa obligado mo na gawin 'yun sa isang tao pero 'yun kasi talaga ang isang bagay na importante para mag-last ang relationship ng bawat isa. Besides, magtatagal ba ‘yung friendships namin at ma-uuwi sa ganito kung hindi? Of course not. Though, wala namang perpektong relationship pero at least magkasama pa rin kayo through thick and thin. 'Yun ang mas importante roon. Relationship plus accepting the flaws of each other makes it stronger.   "Ako pa ba? Malakas ka kaya sa akin." Pag-aassure ko.   Sinunggaban naman niya agad ako niya ako ng yakap at nagtatalon-talon pa ang gaga, parang bata talaga umasta. Kamuntikan pa kaming matumba dahil nakaupo ako ta's siya ay nakayuko at nakayakap sa akin. Idagdag pa na nagtatalon siya kaya natural na mawalan ako ng balanse. Buti na lang talaga ay mabilis ang galaw ko kaya naiwasan naming dalawa na mangyari ‘yun.   "Ang kulit mo talaga! So? Anong gagawin natin ngayon? Tapos na rin naman ako rito. Ipapadala ko na lang 'to maya-maya sa kleyente ko," tanong ko rito ng matapos kong iligpit ang aking mga gamit.   "Matulog ka muna, bebs. Gigisingin na lang kita pag-lunch na. Sa labas na lang tayong kumain. Wala naman dito sina tita. Pinagpaalam na rin naman kita kay tita, kaya no worries." Sabay tulak sa akin pero umiling lang ako dahil kinukutuban ako sa ginagawa niya.   Mukha kasing may balak na naman siya kaya nag-i-insist siya ngayon na matulog ako.   "Ano namang gagawin mo pagnatulog ako?" Sabay arko ng kilay ko.   Halata kasing may trip na naman ang isang 'to. Knowing Madie, ginagawa niya lahat ng gusto niyang kalokohan sa buhay niya. 'Di matatahimik kaluluwa niya pag 'di niya nagagawa ang mga iyon. Kung wala naman siyang gagawin sigurado akong may himalang nangyari sa kaniya. Mapapa-party talaga ako ng bonggang-bongga.   "Wala. Ano ka ba? Paranoid ka na. Matulog ka na nga. Ang kulit mo." Defensive na sabi niya sa akin kaya napapailing na lang ako.   Hinayaan ko na lang siya dahil 'di naman ako mananalo sa babaeng ‘yan. Bumibigat din naman kasi ang talukap ko kaya bakit ko pa pipigilan ang sarili kong matulog, diba? Namiss ko na rin kasi ang kama ko dahil sa busy lately, ito na rin ang time para makasama ko ito.   Pagkahiga ko palang sa kama ay agad na akong napapapikit. Bago pa ako tuluyang mapunta sa dreamland ay narinig ko ang mumunting hagikhik ng bruha kong best friend. Mamaya na lang paggising ko ay roon ko lang siya tatanungin kung ano na naman ba ginawa niya. Mahirap pigilan ang antok katulad kung gaano mo 'di napigilan ang sarili mo na mahulog sa maling tao. Choss!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD