CHAPTER 6: COOL TITA

2242 Words
“Are you done eating na ba?” tanong na lang niya.   Mukhang ayaw na ni mommy na gisahin ako sa pinaggagawa ko.   “Yes po, mommy. Thanks sa food po pala. Msarap po talaga.” Ngiti ko namang sagot.   “Kay manang ka mag-thank you. Tumulong lang ako mag-prepare pero hindi ako ang nagluto. May utang ka pang luto mamayang dinner, ha? Huwag mong kalimutan baka umalis ka na naman mamaya.” Sabay irap niya after niyang ipaalala ang gusto niyang ipagawa sa akin at iniwan na ako.   Tinignan ko muna if nakalayo na sa kusina si mommy bago lumapit kay manang para makitsismis sa kaniya. Minsan kasi ay sa kaniya ako nakikisagap ng balita patungkol sa nangyayari rito sa bahay.   “Manang, kulang ba iyon sa lambing kay daddy at bat ang sungit-sungit ni mommy?” Pabirong bulong ko rito na ikinagulat ni manang.   Hindi talaga siya makapaniwala sa ginawa ko kaya bakas sa mukha niya ang gulat na ikinatawa ko. Ang cute ni manang. Hahaha.   “Hoy, Breanna! Magtigil ka. Ikaw bata ka.” Sermon niya sa akin kaya napakamot na lang ako sa kaliwang kilay ko.   “Parang ikaw rin ata, manang. Kulang din sa lambing kaya ganiyan ka.” Natatawang pansin ko.   Bago pa ako mahampas ng hawak niya ay tumakbo na ako palayo rito. Susundan ko si mommy baka madagdagan pa ang kasalanan ko. Mahirap na baka ano pa ang ipagawa sa akin eh.   “Thank you manang, sa masarap na pagkain.” Habol ko bago tuluyang makalayo.   Diritso na agad ako sa garahe at saktong nakita ko naman si mommy na nakatayo na sa gilid ng sasakyan ko.   "So? Saan tayo na boutique pupunta, mommy?" tanong ko kay mommy nang matapos ko siyang alalayan makapasok sa kotse ko.   “Pumasok ka kaya muna bago ka magtanong.” Pagsusungit pa niya.   Napangiwi na lang ako dahil doon.   “Sabi ko nga.”   Mabilis akong umikot sa kabilang side ng kotse para makaalis na kami. Baka bugahan na ako ng apoy pagpasok ko.   "Sa tita mo tayo pupunta. Gusto ka rin niyang makita," sagot niya habang may kinakalikot na naman siya sa phone niya.   Buti na lang sumagot din. Akala ko kasi tatanungin ko pa ulit siya eh. Masyado talaga siyang busy sa phone niya which is napaka-rare na mangyari talaga lalo na pag-aalis kami. Mukhang importante siguro.   "Kanina ka pa riyan, mommy. Sino ba iyan?" Usisa ko.   Hindi ko kasi matiis na magtanong. Kanina pa kasi niya kinakalikot ang phone niya.   "Ahh ito ba? Anak ng tita mo. Binobola na naman ako. Nasa boutique siya ng tita mo ngayon, sana ‘di siya umalis. Kakauwi kasi niya galing Paris kaya nangungulit na naman. Na-miss kasi raw niya ang luto ko." Ngiting sagot niya.   Tumango na lang ako sa sinabi niya dahil ‘di ko alam na may anak pala si tita na nasa Paris. Si Ja kasi ang alam ko na anak niya at inakala ko rin na nag-iisang anak niya lang iyon. Nagkamali pala ako.   Nang makarating kami sa pupuntahan namin ay agad kong niyaya si mommy na bumaba na nang nakapunta na ako sa side niya. Of course, people, you need to be ganoon kasi paggalang na rin iyon sa parents mo. Sa mumunting bagay lang sasaya na sila. They felt special sa mumunting gesture na ginagawa mo for them. Isa iyon sa love languages ng isang tao eh.   "Let's go?" Ngiting tanong ko kay mommy nang makababa na kami sa kotse at inalalayan siyang pumasok sa boutique.   "Mare!" Sigaw ng isang ka-edaran ni mommy nang makita niya si mommy na papasok sa botique.   Agad akong yumakap at hinalikan siya sa pisngi ng mabaling ang atensyon niya sa akin. Close kasi kami ni tita dahil minsan ako ang tumutulong sa kaniya para i-deliver ang damit sa mga client niya. Minsan naman ay tumutulong ako sa paged-design niya by giving her an idea or suggestions when it comes doon. Minsan naman ay ako ang kumukuha ng litrato sa mga models niya habang suot ang damit na gawa niya. Isa rin siya sa naging dahilan bakit ako na-discover nina Xian noon. Minsan na kasi niyang naging costumer ang lalaki kaya nagkakilala kami. Small world ikanga pero wala na tayong magagawa. Ganoon ang nangyari sa amin eh.   "Long time no see, iha. Sabi sa akin ng ‘yung ina ay masyado kang busy ngayon sa career mo. Humingi ka pa ng palugit," sabi niya sa akin habang ginagayak niya kami sa kaniyang opisina para roon na lang mag-usap. May nakita rin kasi akong iilan na costumers ni tita. ‘Yong iba pa ay kumaway sa akin nang makita ako. Ngumiti na lang ako bilang ganti sa ginawa nila. Ayoko naman maging bastos baka ma-issue na naman ako.   "Yeah. Ngayon lang din ako nagka-time para samahan si mommy and thanks to Maddie dahil ginising niya ako and remind me about this." Sabay wink ko sa kaniya na ikinatawa ni tita.   Automatic na nakinurot naman ako ni mommy. Napangiwi na lang ako dahil sa ginawa niya.   Minsan naiisip ko na baka ang mag-ina talaga ay si Maddie at si mommy. Ang hilig mangurot eh. Parang nakakalimutan na mahahaba ng kunti ang nails nila. Ramdam mo minsan ang baon depende sa gigil nila sa iyo. Good luck na lang kung feel nilang balatan ka kasi mababalatan ka talaga. Masakit pa naman talaga.   "Sige na! Nahiya naman ako sa iyo anak! Humayo ka na!" Sarcastic na saad ni mommy at nag-roll eyes pa kaya natawa na lang kami ni tita sa inasta ni mommy.   Pikunin talaga ito minsan ni mommy. Kaya love na love ko si tita kasi minsan sumasakay sa trip eh. Sabi nga niya rati, noong college pa sila, siya raw ang taga-asar kay mom buti na lang nagmana raw ako sa kaniya kasi dalawa na kaming gagawa. Cool tita, right? Kaso naiinis si mommy pag magkasama kami ni tita kasi alam niya ang kalalabasan. Hahaha.   "Ipadala ko na lang ang damit bukas nang hapon. I know you will be happy sa susuotin mo pero less attraction na rin dahil baka ikaw pa ang pagkamalang na asawa ng mag-a-anniversary bukas. Baka ma-issue ka pa, mare." Nakakalokong sabi ni tita kay mommy na nakanguso na ngayon.   Oo nga naman. Minsan kasi sa media lalo na pag hindi alam ng iba sino partner mo. Kung sino ang nag-stand-out sa crowd iyon na minsan napagkakalaman nilang partner mo kahit wala naman. Kaya minsan nagkakaroon ng issue plus minsan ang iba pag hindi kinaya ay naghihiwalay na lang. Nakakatawa pero at the same time nakakalungkot na nakakainis.   "Sige lang! Pagtulungan niyo ako! Darating din dito ang kakampi ko lagot kayo!" Sabay smirk ni mommy at nag-shrug lang kami.   Who cares? Basta best tandem kami ni tita. Hindi ko rin naman kilala iyon eh.   "Ay oo nga pala, tita. Akala ko ba si Ja ang nag-iisang anak niyo? Bakit hindi ko alam na may anak pala kayo sa Paris? Importated pa." Natatawang sabi ko.   Nagbiro na rin ako. Sakto kasi na itanong ko na iyon kasi narito na rin kami. Naalala ko lang din na itanong talaga about doon sa anak niya pang-isa na mukhang proud na proud pa si mommy at excited sa pag-uwi nang isang iyon. Hindi naman sa nagseselos pero nagtataka lang kasi ako.   "Loka-loka kang bata ka. Hindi ko anak sa labas iyon o ni tito mo. Doon niya lang talaga gustong magtapos ng college at dahil matagal na siya roon ‘di ko na rin naikwento sa iyo dahil iyon din ang gusto niya. Ewan ko ba anong nangyari sa batang iyon," pagkukwento pa niya.   Halata ring may lungkot sa boses niya nang sumagot ito. Now, mas lalo akong na curious sa isa pang anak ni tita. Mukha kasing may iba talaga eh. Mukhang gumagana na naman ang pagiging curious kong tao.   "Make sure na maganda siya, tita. Because I will court her if makita ko siya if ganoon nga." Malokong sabi ko na ikinatawa naman ng isa.   Binato naman ako ng unan ni mommy dahil sa sinabi ko at nag-apir naman kami ni tita dahil doon. Halata namang buto naman siya sa akin at alam niya ano talagang gusto ko dahil aside kay mommy ay siya na ang nakakausap ko tungkol sa mga bagay-bagay lalo na sa kung ano ako. I treat her as my second mother.   Hindi rin naman siya tutol sa mga ganoong bagay eh. That’s the love works daw ikanga niya. Ba’t mo pa pipigilan kung makakasakit ka lang naman ng damdamin ng iba. Kung iyon ang mangyari, edi go. Basta raw know my limits lang talaga. Nakakasama raw kasi talaga pag napapasobra sa mga bagay-bagay na hindi naman daw dapat gawin.   “As if naman. Pihikan ka nga kung pag-uusapan iyang magiging girlfriend mo eh. Daig mo pa ang daddy mo rati.” Irap naman ni mommy.   “Alam mo mommy, kung may away kayo ni daddy ‘wag mo akong isali ha? Napaghahalataan ka eh.” Pabiro ko kaya napatayo na ako palayo sa kaniya.   Bag na kasi niya ang ihahampas niya. Nagtago agada ko sa likod ni tita na sobrang lakas makatawa dahil sa mga nangyayari. Tuwang-tuwa kasi talaga siya.   “Karma is a b***h, ma-friend.” Tawang-tawang sabi ni tita kay mama.   Bumusangot na lang ito dahil sa aming dalawa.   “Ewan ko sa inyong dalawa. Karmahin din sana kayo.” Irap ulit siya.   “Kasi naman, mommy. Saan ba naman ako magmamana? Syempre kay daddy. ‘Di naman ako katulad mo na kung saan ang mga gwapo roon ka eh. ‘Yong akin kasi, kung saan titibok ang puso ko roon ako.”   “So, sinasabi mong itsura lang gusto ko ha? Halika nga rito Breanna ng mabalatan kitang bata ka.” Napikong tumayo na ito at lalapit na sana sa akin nang umawat na si tita sa aming dalawa.   “Hayaan muna, mare. Totoo naman din kasi ang sinabi ng anak mo. Pero hep! Tika! Chill ka lang. Mag-usap tayo tungkol sa ibang bagay. Stop na ‘yan, okay?” Awat niya kaya umupo na lang si mommy sa sofa ulit at umirap sa akin.   Umopo na lang din ako katabi ni tita for safety lang. Hahaha.   “Walang totoo roon. Sila lang ang lumalapit sa akin. Nagmamagandang loob lang ako kasi maganda ako.” Depensa pa niya sa kaniyang sarili na kina-giggle ko.   “Shut-up na lang ako sa kung anong totoo. Yes, na lang din ako.” Pang-aasar pa lalo ni tita.   “Naku! Pag si Breanna maniwala sa’yo lagot ‘yang singit mo. Makikita mo.” Seryosong sambit ni mommy kaya tumigil na kami ni tita.   ‘Di na kami gagawa ng ikakapahamak namin. Iba pa naman magalit pag mabait. Nasa loob ang kulo. Pero sa case ni mommy. ‘Di siya ‘yung iba na nakikipagplastikan na mabait. Siya kasi mabait siya talaga pero pag magalit, nako. Magtago ka na. Ikakamatay mo siguro pag nahabol ka niya for sure.   Nag-usap na lang silang dalawa ng kung ano-ano, masaya akong makitang ganito na kalayo ang friendship nila at katatag. Minsan na rin sumasabay na ako sa trip ng dalawang matandang kasama ko. Marami rin akong natutunang kalokohan kay tita na ayaw minsan ni mommy dahil baka lumaki raw akong abno. ‘Di alam ni mommy na malaki na ako at huli na ang lahat kasi nakalatay na sa dugo ko ang mga natutunan kong kalokohan kay tita.   Masaya ako sa araw na’to, hindi ko rin maipagkakaila sa sarili ko na ma-excite na makita ang anak ni tita na dalaga. She must be beautiful dahil maganda rin si tita and I hope it will be easy na maging girlfriend ko siya. Matagal na rin kasi akong single at ito na ata ang tamang panahon para roon. Pero biro lang. Friends will do. Ayokong magka-girlfriend without feelings involve. Ayokong lumandi kung kailan adult na ako. It’s time for a serious relationship no. Nakakapagod na rin kasing makipaglaro and the more I played someone the more na masisira hindi lang ako kundi ang pangalan ng pamilya ko. So, better na ‘wag na lang at maghintay na lang talaga sa tamang tao para sa akin. Hindi naman din kasi ako nagmamadali. Baka sa kakamadali ko baka maling tao pa mahanap ko. So, chill lang ako. Hindi naman din ako pini-pressure nina mommy na magkaroon nang girlfriend. They know naman na alam ko ano ang dapat kong gawin. Hindi ko rin kasi feel. Parang may something sa akin na kulang na hindi ko alam. Hindi ko talaga matukoy kung ano. Kaya nga minsan nasasabi ko na lang sa sarili ko na mukhang I need to find myself in order na mawala ‘yung ganitong feeling ko. Though, sa ibang bagay ay alam ko anong gusto ko, when it comes sa future partner ko wala talaga. May lacking kumbaga.   Sa totoo lang, hindi ko sinasabi kay Maddie ang tungkol dito. May nag-uudyok sa akin na sabihin pero hindi ko alam saan ako magsisimula. Anong unang sasabihin ko sa kaniya if I tell her kung anong nararamdaman ko? That’s why sinasarilin ko na lang. Okay pa naman ako. Hindi pa naman ako umabot sa point na madi-depress dahil sa feeling na nararamdaman ko. Basta kakaiba na hindi ko matukoy kung ano. Long story short, may missing piece na hindi ko alam when it comes sa love. That’s all.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD