Ngayon ko lang din kasi naalala na nagpapasama si mommy sa boutique para sa susuotin niya sa isang party na dadaluhan niya bukas. Buti na lang talaga ay hindi na muna ako kailangan ni Xian doon para mag-asikaso sa big event dahil siguradong makakalimutan ko talaga ang bagay na’to. Thanks talaga to my best friend Maddie for reminding me.
"Thanks! Bukas na ako magpapakita sa iyo! Isasama kita roon!" Sigaw ko bago tuluyang umalis sa kwarto at iwan siya roon sa loob.
“Brea! Bumalik ka nga rito! Ang baboy mo! Kahit mag-toothbrush ka muna!” Rinig kong sigaw niya nang papalabas na ako ng opisina habang papalabas palang siya ng kwarto.
Napangiwi na lang ako sa narinig ko sa kaniya. I will remind myself not to talk to someone not unless nakaligo at nakapag-toothbrush na ako. O lalayo ako bago ako magsalita. Much better na takpan na lang din ang bibig ko. For sure may morning breath ako. Yekeeees!
Binati muna ako ng ibang staff ng Full of Dreams nang makita nila akong nagmamadaling bumaba galing sa tatlong palapag. Dahil wala akong ligo at toothbrush ay tango at ngiti lang ang naisagot ko. Agad kong tinapon sa back seat ang aking bitbit at pinaharurot na ang aking sasakyan papunta sa aming bahay.
Sinalubong naman ako ni manang at sinabing nasa library si mommy at halatang nagtatampo na sa akin dahil noon kasi ang usapan naming dalawa.
Mabilis akong nagtungo sa kwarto ko para maligo. Nakakahiyang humarap kay mommy ng hindi naliligo, ano. Baka mahimatay pa iyon.
"Mommmy?! I'm home!" Malakas na sigaw ko habang tumatakbo papasok sa library.
Agad ko siyang nakita na nakaupo sa isang swivel chair kaharap ang lamesa niya. May librong hawak pa ito at sigurado akong ‘yung paborito niyang vampire na book ang binabasa na naman niya. Adik kasi si mommy sa mga vampire na stories at iyon ang librong hawak niya ngayon. Iyon kasi ang paborito niya at lahat ata ng volume ng stories ay meron siya. Mahilig lang talaga siya sa supernatural and sa mga ‘di kapani-paniwalang bagay lalo na sa paranormal. Nahahanap naman niya iyon sa mga librong binabasa niya kaya halos mapuno na ang library namin dahil doon. Though, okay lang naman din kasi nagbabasa rin naman kami ni daddy minsan lalo na pag-trip namin.
"Why are you late, Young Lady?" tanong niya gamit ang malamig na tono.
Here we go again. Kailangan talagang suyuin ang reyna ng Gabriel dahil sigurado akong nagtatampo talaga siya sa aking ginawa. Ilang oras ko ba naman siyang pinaghintay. Buti na lang ‘di niya naisip na hindi ko siya sisiputin ngayong araw. Alam kasi niya lahat ng whereabouts ko, though late na ang iba lalo na pagnakakalimutan at late nang gising. Nakalimutan ko kasi talagang mag-alarm nang madaling araw dahil sa kakamadali kong matulog talaga.
"I'm sorry, mommy. I'll make it up to you. Kung hindi lang kasi ako ginising ni Maddie baka mamayang gabi pa ako magigising. May event kasi si Xian at bukas ng gabi na iyon. Tinutulungan ko kasi siya and as his friends ay palagi akong nandoon to monitor na rin dahil photographer din ako sa araw na iyon. It's better to be late than never, diba?" Masuyong sabi ko sabay lahad sa kaniya ng paborito niyang bulaklak.
Pinasuyo ko lang sa guard noong on the way na ako papunta rito sa bahay. May lapit kasi na flower shop sa labas ng subdivision namin kaya pinabili ko. Inabot lang sa akin ni manang noong paglabas ko sa kwarto para puntahan si mommy. Inabangan na kasi niya ako. Mukhang nasabi ni manong guard kay manang kaya ginawa niya siguro iyon. Good naman kasi hindi ako mahihirapan na puntahan ulit ‘yung guard sa labas ng bahay para kunin ‘yung flower na pinasuyo ko.
Paglalambing and to show how I love my mommy dahil hindi ko nakakalimutang bilhan siya ng flowers lalo na ngayong may kasalanan ako sa kaniya. Si daddy naman ay ‘yung paborito niyang food pag-umuuwi siya galing office. Iyon kasi ang gusto ni mommy at ayaw niya na flowers din dahil ako raw ang nakakuta roon. Ang bad lang niya. Though, okay lang naman talaga sa amin ni daddy. Maliit na bagay lang naman ang gusto niya kumpara sa sacrifices na ginawa ni mommy for us.
"Che! At dahil sobrang late kang dumating, ikaw ang magluluto ng dinner mamaya." Seryosong sabi niya sa akin.
Tumango na lang ako. Hindi na umangal pa dahil halatang ayaw magpatalo ni mommy tapos may kasalanan pa naman ako sa kaniya. Kahit ayaw kong gawin ang gusto niya dahil sa masakit ang ulo ko. Ayoko rin sana, kasi gusto kong matikman ulit luto nina mommy at daddy pero mukhang hindi mangyayari iyon for now. Tulog pa kasi ng late, Breanna. Iyan napapala mo. Sige na lang. Malapit na rin naman matapos eh. Magkakaroon din naman ako ng break after my work kaya makakabawi rin ako sa lahat ng pagod at puyat na nagawa ko. Makakabawi rin ako kina mommy.
"Bihis muna ako ha? Kakain na rin tapos aalis na rin tayo." Paalam ko kay mommy.
Hinalikan siya sa pisngi at noo bago ako umalis at pumunta sa kwarto ko.
Nang matapos ko lahat ng gagawin ko ay ako’y bumaba na agad. Naabutan ko sina mommy at manang na busy sa kusina at nakita ko rin na may kausap si mommy sa telepono. ‘Di ko na rin inalam kung sino dahil mas inuna ko pang pagtuonan ng pansin ang pagkain na inihanda nila para sa akin. Gutom na kasi talaga ako.
"Napuyat ka na naman? Tignan mo nga iyang mata mo, Brea. Lumalalim na." Puna ni mommy habang worried na nakatingin sa akin.
Nginitian ko lang siya, sinabing okay lang ako. Ganito lang talaga ang nangyayari pag may big event at sanay na ako sa ganitong bagay. But mommy always reminding me na alagaan pa rin ang health ko dahil minsanan pa naman akong umuwi rito sa bahay kaya um-oo na ako.
Nagwo-worry kasi siya na baka sooner or later mabalitaan nila ni daddy na nasa ospital na naman ako dahil sa over fatigue. Minsan na kasing nangyari iyon when I was college kaya ayaw nilang maulit iyon. Katakot-takot pa naman na sermon ang inabot ko. Muntikan na nga rin na ‘di pumayag ulit si daddy na bumalik ako sa ginagawa ko. Pinapabayaan ko na raw kasi sarili ko kaya better na iwan ko na iyon at mag-focus sa studies ko. Ngunit, dahil sa ayaw ko at determinado ako sa ginagawa ko that time ay napapayag ko rin sila sa pamamagitan din ni Maddie. Siya kasi ‘yung pumilit din sa parents ko. Sabi pa nga niya na siya na raw bahala na pagalitan ako pag nakakalimot na naman ako na matulog o pinapabayaan ko ang sarili ko. That’s why ganoon din umasta si Maddie kasi nasanay rin siyang gawin iyon noong college days until now. Wala namang kaso sa akin iyon kasi para naman kasi sa sarili ko iyon. Hindi rin kasi ako katulad ni Maddie na kapag alam niyang hindi na oras ng work ay magsa-stop talaga siya. Me? Hindi talaga. Kung hindi ko mapapansin ang oras hindi ako titigil talaga. Masyado talaga akong dedicated sa ginagawa ko.
***
Her POV
“Uuwi ka na ba talaga? Sure, ka na?” Ilang ulit na tanong ng kaibigan ko sa akin.
‘Di ko naman siya masisisi kung bakit ganiyan siya towards me. Sa pagkakataon kasi nito, kailangan ko munang lumayo pansamantala o for good sa lugar na’to particularly sa bansang ito.
Dumating lang talaga ako sa point na I need to give up everything, leave everything in order for me to grow. Pero ‘di ko magagawa ‘yon kung ‘di ko lilinisanin ang bansang ‘to. Masyadong mapait ang nangyari sa akin dito kaya it’s time to think about myself again. Nakakapagod na umunawa at umintindi kung paulit-ulit na lang ang nangyayari. Mahirap din maging masaya if you know na it is not worthy to be happy. Nakakatakot umabot sa puntong mas gugustuhin mong maging malungkot kaysa sumaya, kaya habang hindi pa huli ang lahat kailangan ko ng umalis.
“Pero, diba? Naroon siya sa pupuntahan mo? How can you escape on the things na gusto mong takasan at iwasan? Mukhang ikaw pa nga ‘tong naghahabol. Umamin ka nga sa akin.” Nagdududang sabi niya sa akin.
“Paranoid ka lang. Hindi ah. Nandoon ang pamilya ko kaya kailangan ko na ring bumalik. Kaya lang naman ako narito ay dahil sa mga nangyari rati na pinagsisihan ko na ngayon. Hindi ko alam kung tama ba ang rason na may rason ang Diyos bakit nangyari ang mga ‘to. Kasi kung titignan, parang hindi eh. Nakakamatay ng pagkatao.” Pag-aamin ko na ikinasinghap niya.
Never kasi ako nag-share ng mga ganoong bagay sa kaniya. I always acted na okay lang sa akin ang lahat. Na normal na mangyari ang mga bagay-bagay pero lately ‘di ko na mapigilan na maglabas ng totoo kong nararamdaman. I’m just tired of hiding everything sa kaniya.
Siya na kasi ang isa sa taong laging nandiyan para sa akin. Kaya it’s time na pagkatiwalaan ko siya ng lubusan. It is up to her anong gagawin niya sa tiwalang pinagkaloob ko sa kaniya. Though, I know na she won’t break my trust. They won’t break my trust.
“Kung ‘yan ang gusto mo, sige. Suportahan kita. Basta update mo ako time to time kasi pag hindi, hinding-hindi ako magdadalawang isip na puntahan ka saang lupalop ka ng mundo naroroon. Ayokong makita ka ulit ng ganoon. Just please, take care of yourself, okay. One call away lang kami. Basta pagdating mo roon sa pupuntahan mo, let it go. Move on ka na para maging masaya ka na rin. Huwag mong ikulong ang sarili mo dahil sa mga napagdaanan mo. Hindi nagtatapos ang lahat sa ganoon. Iparanas mo rin sa sarili mo ang sayang pinagkait nila for you. Narito lang kami lagi for you. Always remember that.” Pagsuko niya at hahayan na ako sa kung ano man ang plano ko.
Mabilis naman niya ako niyakap ng mahigpit.
“I am always here for you. Talikuran ka ng lahat, dito parin ako sa tabi mo. Nandito pa rin kami sa tabi mo. Huwag mong kakalimutan iyon. Lalo na’t may lucky charm ka ngayon.”
Hindi ko alam pero naiiyak ako sa mga salitang binitawan niya. Narinig ko na iyon minsan sa taong inalayan ko ng mundo ko pero anong nangyari sa akin? Hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako pero hinayaan ko ang sarili ko na panghawakan ang mga salitang sinabi niya sa akin dahil baka masira ko lang sa huli tulad ng ginawa ko sa kaniya.
Tutulungan ko na lang ang sarili ko na maging handa in the near future. Hindi naman masamang maging ganito, diba? Lalo na kung minsan ka na ring nakaranas ng masalimoot na pangyayari sa buhay mo na magbibigay ng pighati at pagkagunaw ng mundo mo. Kaya sa mga naranasan ko may mga bagay akong napatunayan at natutunanan. Masyado akong duwag para hindi ipaglaban ang dati kaya nangyayari ito sa akin ngayon.
Minsan ‘di lahat ng pinapakita na tao sa iyo ay totoo na, mahal ka man o hindi. Minsan kasi ginagawang cover niya lang iyon para mapagtakpan ang kaniyang nararamdaman. Minsan sa bawat ngiti na nakikita ng iba, sa kaloob-looban niya ay sakit at pighati na pilit nilalabanan pero ‘di kaya ipagsabi kahit kanino man. Nakakatakot. Nakakatakot na kasing magtiwala pagkatapon ng ‘yung naranasan. Kasi iyon ang ginagawa ko for how many years and months of staying here. I’m trying to survive and fight my own battle not just for me but also for them.
Pero darating talaga sa punto na mapapagod ka, bibigay ka. Ang pinagpapasalamat ko na lang ay ‘di pa sumasagi sa aking isipan na magpakamatay para matapos na lahat ng aking nararamdaman. Gusto ko lang maramdaman ulit paano mabuhay ng totoo. ‘Yong may saya at walang takot.
That’s why napagdesisyonan ko na bumalik na sa pamilya ko. Gusto ko silang makasama. Nagbabakasali na gumaling lahat ng sugat sa puso ko sa tulong nila. Nagbabakasakali rin ako na makikita ko rin siya.
After naming mag-usap ay naisipan ko ng ayusin ang mga gamit ko. Nasa makalawa na kasi flight ko.
“Ma? Uuwi na po ako. Sunduin niyo po ako sa makalawa.” Bungad ko nang sagutin ni mama ang tawag ko.
“Talaga, anak? Uuwi ka na talaga? Nagpapasalamat ako sa Diyos at nagbago ang isip mo.”
Tumulo ang luha ko sa pisngi dahil sa sinabi ni mama.
“Mama, sino ‘yang kausap mo? Si ate ba ‘yan?”
“Oo, nak. Ang ate mo. Uuwi na raw siya rito.”
“Talaga, mama? Hoy, ate! Pasalubong ko ha?”
“Hoy! Mahiya ka naman sa ate mo! ‘Di siya pumunta roon para magtrabaho at lalong-lalo na ‘di para sa mga luho mo. Bastos na batang ‘to.”
Mas lalo akong naiyak nang marinig ko ang masayang tinig ng kapatid ko at ang usapan nilang dalawa.
“Tumigil ka na nga riyan bata ka. Hello, anak. Nandiyan ka pa ba?” Sita niya sa kapatid ko bago binaling ang atensyon niya sa akin.
“Opo, mama. Masaya po ako na uuwi na po ako. Miss ko na po kayo.” Pinasaya ko ang boses ko para hindi mahalata nina mama na umiiyak ako.
Ayoko lang mag-alala sila. As much as possible na kaya kong magsinungaling na okay lang ako gagawin ko. Alam ko kasi na mas masasaktin si mama pagmalaman niya kaya ginagawa ko ang mga ito.
“Okay ka lang ba, ate? May sakit ka po ba?” Takang tanong niya.
“Wala, malamig lang kasi rito kasi winter season na. Basta ha? Sunduin niyo ako.” Pagsisinungaling ko.
“Oo naman, ate. I-re-remind ko lagi si mama lalo na’t may katandaan na. Nakakalimot lagi.” Pagbibiro niya kaya for sure nakurot ito ni mama dahil dumaing ito.
“Sige na, anak. Magpahinga ka na riyan. Gabi na rin naman diyan. I love you, anak.”
“I love you too mama at sa’yo rin kapatid.”
Pagkamatay ng linya ay dumaosdos ako sa kama at umiyak ng malakas. Pinapangako ko. Ito na ang huling iyak ko sa lugar na’to.