"You look shocked! Ginulpi ba kita rati kaya gulat na gulat ka riyan ngayon? Ang epic ng mukha mo, sa totoo lang. Are you okay?” Ngiting malokong saad nito sa akin kaya parang isang kidlat na dumaan sa mata ko ang sinabi niya. Agad kong ki-nompose ang aking sarili at bumuntong hininga. Hays Bakit ganito na lang ang reaction ko? Baka ano pa isipin niya sa akin. Baka sabihin niyang stalker ako or what. "I'm sorry for that. Nabigla lang ako dahil ngayon ulit kita nakita," saad ko sa kaniya habang nakatingin na ako sa mga batang naglalaro rito sa park. Ayokong tumingin pa sa kaniya. Nawawala ako sa wisyo na hindi ko naman alam kung bakit. She’s just a girl that I barely known. Baka sabihin din niya na pa-feeling close ako. I don’t want pa naman na ma-misinterpret ng iba. Ang hirap

