"Hell, no!" Pagtanggi ko. "Hell, yes!" Natatawang saad ng dalawa sa akin. "Tsk! Pinagtitripan niyo lang ako. Nililihis niyo lang iyong topic eh. So, ano na?" ’Di pa rin ako naniniwala. Nagtawanan naman ang kambal at halatang tuwang-tuwa sa pinaggagawa ng mga ito kaya napasimangot tuloy ako. Agad naman nairita dahil kinunan ako ng picture ng dalawa at nagtitili pa. "My gosh! Ang cute!" Sabay na sabi nila kaya napatingin na ang ibang costumer sa amin kaya napayuko na lang ako dahil sa hiyang ginagawa ng dalawa. ‘Di talaga ako sanay na pini-picturan ako lalo na’t sobrang lapit pa. Hindi rin kasi ako mahilig na ako ang kinukunan. Mas okay sa akin na ako ang kumukuha ng pictures. "Fine! Kung ayaw niyong magsalita at nakikipagbiruan lang kayo sa akin aalis na lang ako. Ma

