Nandito na lang din naman ako sa bayan kaya minabuti kong bumili na lang ng pasalubong sa parents ko at sa iba. Nauna na kasing umuwi sina mommy dahil may gagawin pa silang importante. ‘Di na rin kami namilit na mag-stay longer pa sila dahil alam naming ginagawa nila iyon ‘di para sa amin kundi para na rin sa mga taong umaasa rin sa success nila at sa company. "Miss ganda!" Narinig kong sigaw ng maliit na bata. 'Di na ako lumingon pa baka masabihan pa akong feeling. Madami pa namang nagkakalat na magaganda ring dilag dito. Mukhang bumibilidin sila ng pasalubong. Napagitla na lang ako nang may kumalabit sa pwet ko. Sisigaw sana ako nang makita kong bata pala ang gumawa noon. Bungal pa habang nakangiti ng malapad sa akin. "Hi?" Alanganing bati ko. "Hi po, ate ganda. Ba’t po p

