Pagkatapos ng ilang minuto ng masiglang kuwentuhan sa balkonahe, tumayo si Justino. “Sige tita, Reina… mauna na ako. Babalik na lang ako mamayang gabi kung sakaling tuloy si Reina sa alumni.” Tumango ang mama ni Reina, habang si Reina ay pilit pinanatili ang mahinhing ngiti kahit ramdam niyang may nakatitig sa kanilang dalawa mula sa loob ng bahay. “Salamat sa pagdaan, Justino,” tugon ng mama niya. “Ingat ka, iho.” Pagkaalis ni Justino, pumasok na si Reina sa loob para tumulong sa pagligpit ng pinagkainan. Samantala, si Clyde ay naroon lang sa gilid ng kusina, tila walang narinig, pero sa bawat hakbang ni Justino palayo sa bahay, pakiramdam niya ay unti-unti siyang nilulunod ng hindi niya maintindihang damdamin. Hindi niya gusto ang nararamdaman niya… pero hindi rin niya kayang ipagsawa

