CHAPTER THREE
Masakit isipin pero naalala kona lahat. Naalala ko na lahat na ako si Duzell Vrozana Prinsesa nang Heal Kingdom.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko,pag kapasok ko palang ay agad konang sinarado ang pintuan at napaupo nalang sa sahig habang naka sandal ang likod sa pintuan.
Iyak nang iyak at hinang hina na ako. Hindi kinaya nang utak ko ang mga nalaman at nakita ko kani-kanina lang.
Nalaman kona,ginagamit lang ako nang mga Mahal na Reyna at Hari para bumago ang tadhana nila. Nalaman kodin sa Reyna nang Araw na ako nga daw ang nawawalang anak nang Heal Kingdom dahil sa balat kong nasa likod na dalawang paro-paro na nag papatunay na ako nga ang long lost Princess. Nang nalaman koyon ay bigla nalang nag flash sa utak ko ang mga pang yayari fifteen years ago.
Limang taon lang ako noon na lumubog ang Kaharian namin. Nawala ang ina at ama ko,naging ulila ako.
Mas lalo pa akong nang hina at humagulgol na naalala ko sila Zeil at Quelladin na nag hahalikan. Sarap na sarap sila sa pag hahalikan nila. Tipong ayaw bitawan ang labi nang isa't isa. Nakita ko sa kanilang mga mata ang saya kapag kasama nila ang isa't isa.
Bakit pa kasi ako ang pinakasalan niya? Yan ang unang tanong na sumagi sa isip ko nung mag pakasal kami.
At ang sagot pala ay para mabago ang kanilang tadhana.
Bakit ako pa kung pwede naman ang iba? Dyan sa tanong nayan ang tinutukoy kona iba ay ang Prinsesa.
At ang sagot pala ay dahil ako...ako...ako talaga dapat. Papakasalan nya ako para sa sarili nilang kapakanan.
Bakit ako na ordinaryo ang pinakasalan niya kung pwede naman na kapwa maharlika ang pakasalan niya. Ang kapwa maharlika na tinutukoy ko ay sila Quelladin,Zoraya o kaya si Nanami.
Nung unang taon nang pag sasama namin bilang asawa hindi kopa siya minahal non. Hindi kopa siya sinusubukang mahalin. Bakit? Dahil natatakot ako na posibleng baka hindi niya ako mahal,pinakasalan lang niya ako dahil gusto nya. Hindi nya ako mahal dahil iba ang mahal nya. Then yung kinatatakot ko bigla nalang nawala nang parang bula dahil sa mga sweet line na binibitawan nya sakin,after non natutunan kong mahalin siya hanggang sa mamahal ko na nga siya. Yung kinatatakot ko nawala dahil parang napatunayan ko sa sarili ko na ako yung mahal niya dahil ako ang pinakasalan niya.
Pero yung kinakatakot ko ay muling nabuhay nang bakita ko si Hunter tuwing kasama si Quelladin. Una pinalis kopa sa isip koyon pero nang sumunod na araw. Wala na. Suko na ako. Kung hindi kopa nakita ang pag hahalikan nilang dalawa kanina,gindi kopa mapapatunayan sa sarili kona hindi ako ang mahal niya kundi iba. Nakaka tawa lang isipin na sa loob nang limang taon na pag sasama namin Apat na taon ko siyang minahal samantalang siya...ilang taon o buwan kaya niya ako minahal?
Minahal nga ba niya ako o hinde? Kakatwa.
Kahit hinang hina ang tuhod ko ay pinilit ko paring itinayo ang sarili ko. Wala si mommy dahil nasa business pa siya nang gantong oras. Ang mga kaibigan ko naman ay alam kong nasa Germany,U.S or whatever. Wala akong masasandalan ngayon,tanging ang sarili kolang ang karamay ko.
Nang naka upo na ako at naka sandal sa headboard ay napahagulgol ulit ako. Pilit inaalis ang sakit na dinulot nang magical na buhay ko.
Isang bagay na gusto kong hlingin ngayon. Ngayon na mismo ay Time Machine. Baket? Para baguhin ang desisyon ko na..pakasalan siya,mahalin siya at higit sa lahat ay......napa hagulgol pa ako sa huling naisip ko. Para baguhin ang desisyon kona...manatili sa tabi niya sa loob nang limang taon na....hindi naman niya ako minahal o minahal?
Habang sapo-sapo ko ang mukha ko at doon humahagulgol may tila ba may naramdaman akong may taong naka tingin sakin. Unti-unti kong tinanggal ang pag kakasapo sa mukha ko at saka tumingin nang diretso. Nagulat ako sa nakita ko.
"Tit-tita Luiciana."gulantang na sabi ko at saka pinahid ang mga luha
"Samahan mo kaming mapabagsak ang Apat na Elemento Kaharian."Sabi niya,nakikiusap.
"Patawad pero ayok------"napa iwas ako nang tingin at napa tulo na naman ang luha ko dahil sa ginawa nya.
Diko na natapos ang sasabihin kadahilan ay bigla siyang lumuhod sa harapan ko at saka umiyak na umiyak,nag mamakaawa.
"A-alam kong masakit...pero Mahal na Prinsesa samahan niyo kaming mapabagsak ang Apat na Elemento Kaharian."iyak at pag mamakaawa niyang Sabi.
Napa tingin ako sa kanya na lumuluha.
"Bakit noong kailangan namin kayo tinulungan niyo ba kami? Hinde!!"Sabi ko sa kanya at saka umiwas muli nang paningin. Ang sakit sakit. "Ni isang kawal wala kayong pinadala para samin. Hindi niyo tinulungan ang aking ama sa pag laban sa Apat na Elemento Kaharian. Tapos ngayon? Ano? Pupunta ka dito para humingi nang tulong? Nakakatawa."Sabi ko na patuloy parin ang pag iyak.
Napa tingin ako sa pintuan dahil iniluwa non si mommy na may pag aalala ang mukha. Agad kong pinunasan ang luha sa aking pisnge at saka tinawag siya.
"Mommy."Tawag ko sa kanya. Umupo siya sa tabi ko at saka tumingin saglit Kay Tita Luiciana na nanatiling naka luhod sa harapan ko at iyak nang iyak. Tumingin sakin si mommy sa mata ganun din ako.
Bumuntong hininga siya. "Anak."Sabi niya saka hinaplos ang buhok ko,nag sisimula na naman paligiran nang luha ang aking mga mata. "Tulungan mo silang mapabagsak ang aking sariling Kaharian."Sabi niya,ramdam ko ang panlalaki nang mga mata ko ramdam kodin na tumulo na ang mga ilang-ilang luha ko.
"Nakakapagod. Buwan buwan,taon taon nag kakaroon nang digmaan sa pagitan nang lahat at nang aking Kaharian."Sabi niya habang hinahaplos ang aking buhok. Pinag aaralan pa niya ang aking mukha samantalang ako naka titig lang sa mga mata niya.
"Binuhay kita kadahilan...ay alam kong ikaw ang mag papabagsak. Ikaw ang mag tatapos sa pag hihirap nang mga Kaharian. Kaya sana,anak. Tulungan mo sila,dahil alam kong ikaw ang mag papabagsak sa aking Kaharian."sabi niya at saka tumulo ang luha.
Napa yakap ako sa kanya at saka doon umiyak nang umiyak. Ang totoo nga ay gusto ko talagang tumulong sa kanila para maipag higanti ko ang aking nawalay na Ama at Kaharian. Ang aking Ina naman ay dito inilibing,naging maganda ang huling hantungan niya kaya naman ay masaya na ako para doon. Pero kapag pinag uusapan ang Ama ko...doon ako...doon ako naiilang,nararamdaman ang pangungulila at higit sa lahat galit sa kanila.
Tumayo na ako at saka dumiretso sa banyo upang maligo,pag katapos maligo ay nag suot muna ako nang roba at saka lumabas na sa banyo. Tinignan ko ang kama ko at nandon na ang susuotin ko. Isa siyang fit green dress sando na kkta Ang likod,hanggang hita lamang ito. Pag katapos,pinag suot din nila ako nang black glove na lampas siko. Pinag suot nila ako nang high knee plat boots. Pinuyod nila nalang nang mataas ang aking buhok. Pag katapos kong pag masdan ang aking sarili sa whole body mirror na nasa kwarto ko ay humarap na ako sa kanila.
Isang kumpas nandito na ulit ako sa Kaharian nang Buwan. Nasa sala kami ngayon nang Palasyo. Nasa sala din ang mga Prinsepe at Prinsesa na halatang na mo-mroblema kaya naman ay nagulat sila nang makita nila ulit ako lalo na si Hunter.
"Dhalia."Sabi ni Hunter.
"Nasaaan sila? Tita Luiciana."tanong ko Kay Tita Luiciana na nasa tabi ko parin.
"Nasa labas sila."ngiting sabi niya. Hindi halata ang pag-iyak kanina.
Tumango nalang ako at saka tumungo sa pinto. Ramdam ko parin ang mga mata na naka tingin sakin.
Pipihitin kona sana ang doorknob na may humawak sa braso ko.
"Anong kailangan mo?"tanong ko sa kanya at saka hinigit pabalik ang braso ko at saka hinarap siya.
"Dhalia."Sabi niya.
"Duzell Vrozana ang pangalan ko."Sabi ko sa kanya.
"Mahal na Prinsesa,eto po ang inyong palaso at pana,galing pa po ito sa inyong Ina."lumampas ang tingin ko sa kaharap ko upang tignan si Tita Luiciana na di mag kandaugaga. Nilampasan ko si Hunter at saka pumunta kay Tita Luiciana.
Kinuha ko ang pana na kalahati nang katawan ko ang taas at ang palaso na ganun din ang sukat. Silver ang pana samantalang ang mga palaso ay itim. Sinabit ko na nga sa balikat ko ang mga palaso at ang pana naman ay binitbit ko. Saan nya ito nakuha ay diko alam.
"Salamat."Sabi ko nalang sa kanya at saka tumalikod sa kanya pero mag lalakad na sana ako na may nag salita sa likuran ko.
"Anak."tinig iyon ni mommy. Napa tingin ako at nakita ko siya na katabi ni Tita Luiciana.
"Mommy."Sabi ko saka niyakap siya.
"Ipangako mo sakin na papabagsakin mo ang Apat na Elemento Kaharian."
"Pangako."Sabi ko sabay kalas sa yakap.
Tumingin siya sakin sa mata ganun din ako. May kung anong kinuha siya sa bewang nya at nagulat ako na espada to. Espadang katamtaman ang haba at laki.
"Eto ang espada nang iyong ama."Sabi niya. Cross na silver ang hawakan tapos nangingintab ang tulis nito. Kung saan nya nakuha ay diko ulit alam. Letse!
Kinuha ko ito at saka inaangat sa ere. Napaka gandang gawa. Ibinaba kona ito at saka niyakap muli ang nag-palaki sa akin.
Pag katapos non ay tumalikod na ako sa kanila at saka nag lakad papunta sa mga Prinsesa at Prinsepe na ngayon ay naiilang na may pag-kagulantang.
"Sinong gustong sumama sa digmaan?"tanong ko sa kanila.
"Ako."agarang saad ni Shun kaya naman ay napatingin ako dito at saka ngumite. Tumayo siya at saka lumapit sakin.
"Me too. Aba! Mag papakitang gilas din ako,hindi lang naman kayo ang dapat bida. Psh."papayag nalang ang daming pang sat-sat,Zoraya. Tumayo siya at saka lumapit samin.
"Siguro masaya to. Hahahaha. Ako den."tapos dali daling pumunta si Nanami sa tabi namin.
"Mga wala! Ako na nga den."napa ngiti ako dahil naka simangot si Zamiel na pumunta dito.
"Parang ayaw mo,ah."ngiting sabi ko sa kanya sininghalan lang niya ako kaya napa tawa ako.
"Kakambal ko kasali...Syempre ako den."Sabi ni Seyu at saka tumayo at lumapit samin.
"Tara na?"Sabi ko sa kanila.
"Sasama ako."tinig ni Quelladin.
Tumingin ako sa kanya at saka ngumite na siyang ikinagulat niya. "Sige."Sabi ko.
"Sasama din ako."sabi ni Hunter. Tumango nalang ako.
Lumabas na kami sa pintuan. Ako ang nangunguna,nasa likod ko silang lahat. Pag-labas namin ay nagulat ang mga Reyna at Hari.
"Sasama kami at wala nang makakabawi doon. Ako ang tatayong pinuno nila at walang makakabawi doon."Sabi ko sa kanila.
Inunahan ko na!
Tumingin ako sa kalangitan at saka,madilim,napaka dilim. Tumingin ako kay Shun na katabi ko na ngayon.
"Shun. Kaya mobang paliwanagin kahit konti?"Sabi ko sa kanya.
"Mahirap pero sige. Susubukan ko."Sabi niya kaya ngumite ako sa kanya.
Naging yellow ang nag-kabila nyang mata. Tumingin sa kalangitan. At saka nag apoy ang buong katawan. Itinaas niya ang kamay niya na animo'y sinasalubong ang hangin,unti-unti siyang umaangat.
Tinignan ko ang kalangitan at unti-unti itong lumiliwanag. Tinignan ko si Shun at nakita ko na nahihirapan na Ito. No choice kundi maging green na may pag kapula ang aking mata at saka tinignan siya para mabigyan nang lakas.
Nang natapos na ay unti unting bumaba na si Shun dito sa lupa at saka balik sa normal ang lahat.
"Salamat."ngiting sabi niya tinanguan kolang Ito.
"Hunter."tawag ko. Lumapit naman siya sakin na may ngiti pero agad ding napalis na makita akong seryoso.
"Bakit?"pilit pinapaseryoso ang mukha at boses.
"Ano paba ang kaya mong gawin,bukod sa sinabi mo sakin?"tanong ko tungkol sa kapangyarihan niya.
Pero bakit...parang may iba pang meaning yon. Letse!
"Ahhm...."hindi masagot ang tanong ko.
"Okay. Ganto nalang... Kaya mobang lagyan nang bitwin at buwan ang kalangitan?"tanong ko.
"Oo. Dati kopa ginagawa yon."Sabi niya,ngumite ako sa kanya at saka tumango. Saglit siyang natigilan at saka tumango din sakin.
Tinignan ko siya na tignan nya ang langit. Ang langit kasi ay may konting liwanag pero nananaig parin ang Dilim. Tinignan ko ang mata ni Hunter at nakita ko na naging black na black ang mga mata nito.
Tinignan ko ang kalangitan at napa ngiti ako na unti unting nag sisilabasan ang mga nag-kikislapang bitwin. Nakita ko na din ang bilog na bilog na buwan. Nakakamangha.
Tinignan ko si Hunter at nagulat ako na nang hihina na siya.
Akala koba dati mopa ito ginagawa? No choice kundi yung ginawa ko kay Shun ay ginawa kodin kay Hunter. Pag katapos non ay nag pasalamat siya kaya ginantihan konalang siya nang ngiti.
Lumapit ako sa Reyna nang Buwan.
"Saan mag sisimula ang digmaan?"tanong ko.
"Sa Karagatan nang Do Fou."Sabi niya kaya napa tango ako.
Ang Karagatan nang Do Fou ay siyang Karagatan na natatanaw ko tuwing pupunta ako sa veranda nang aking kwarto.
"Mauuna na kami doon."Sabi ko.
"Nandon na ang mga kawal nang Apat na Elemento Kaharian."sabi nya,nag-aalala.
"Bahala na."Sabi ko kaya naman ay natigilan sya.
Binigyan ko nalang siya nang makahulugang tingin na may kasamang ngiti. Kaya naman ay kahit kabado at may pag aalala ay tumango siya at ngumite sakin.
Bumalik na ako sa mga kasamahan ko. Bago ko tignan sila isa-isa ay tiningala ko muna ang langit na may konting liwanag. Hindi lang nang gagaling sa bitwin at buwan.
"Kunin niyo na ang mga kabayo na gagamitin niyo sa digmaan."maawtoridad na Saad ko.
Agad naman silang nag sikilusan. Kulay abo kay Hunter,itim kay Quelladin,berde kila Seyu at Nanami,dilaw kay Shun at asul kay Yeoj.
"Ano ang gagamitin mo?"Sabi ni Yeoj.
Hindi ko siya sinagot bagkus ay nginitian kolang ito ng makahulugan.
Tumalikod ako sa kanila at saka tinaas ang mag-kabilang kamay na animo'y sinasalubong ang malakas na papalakas na hangin. Nanatiling naka mulat ako kahit naka pakalakas na nang Hangin nang aking ginagawa. Maya-maya ay may nakita na akong anino nang kabayo mula sa gate nang Kaharian. Mas lalo kopang pinalakas ang hangin hanggang sa unting-unti na lumalapit sakin ang kabayo ni Ina. Natatandaan kopa na binigay sakin niya ito bago siya mamatay. Para makalapit ng maayos ang kabayo sa akin nag bibigay daan ang mga kawal at saka tutungo,tanda ng pag-galang.
Nang makalapit na ito sa sakin ay nag-neigh ito at saka humarap sakin. Unti unti ko naman binalik sa dati ang hangin at naging normal na ulit ang lahat.
Isang puting kabayo. Ang buntot nya ay berde na may pag ka-pula. Ang mga mata naman nya ay orihinal na itim. Agad kong hinaplos haplos ang kanyang ulo na siyang ikinatuwa nito.
"Arisagama fora puntaro."Sabi ko sa salita namin dito sa mundong to na ang ibig sabihin ay 'salamat sa pag punta.'
"Wagarasami,Mahal na Prinsesa."salita nang kabayo.
Siya lang ang bukod tanging nag sasalitang kabayo. Ang ibig sabihin niya ay 'walang anuman.'
Agad na akong sumakay sa kabayo ko ganun din sila. Humarap muna ako sa mga kasama ko.
"Oro Puntaro?"tanong ko na ang ibig sabihin ay 'handa na ba kayong pumunta?'
"Oye."sabay na pag sang ayon nila.
Tumalikod na ako sa kanila,humugot ako nang malalim na hininga,tinignan isa-isa ang mga kawal,Reyna at Hari bago ko patakbuhin ang kabayo.
"Tara na."Sabi ko sa kabayo at saka sa kasamahan ko at saka tinuon ang paningin sa direksyon.
Agad na nag-neigh ang kabayo ko at saka tumakbo Ito. Lahat nang kawal ay nag aalala para samin,ganun din Ang mga tao na nakikita namin sa daan. Lahat sila ay nag aalala. Ngumite nalang ako sa kanila at saka mas binilisan pa Ang pag papatakbo.
"Sa Karagatan nang Do Fou. Yeeves!!!"sigaw ko sa kabayo ko. Yeeves ang pangalan nang kabayo ni ina--na ngayon ay kabayo ko.
"Ngunit,nandon ang libong-libong kawal nang Apat na Elemento Kaharian."alala niyang Sabi.
"Mag tiwala ka sakin."nasabi konalang at saka mas pinabilis pa ang pag papatakbo sa kanya.
Ilang oras bago kami maka punta sa Karagatan nang Do Fou. Katulad nang sinabi nang Reyna at ni Yeeves,nandon ang kawal nang Apat na Elemento Kaharian.
Unti unti naming pinabaggal ang pag papatakbo sa aming kabayo. Hindi kami bumaba bagkus ay pinalakad lang namin ang kabayo namin papalapit sa pinuno nang mga kawal.
"Yowesa womo?"tanong nang pinuno,may hawak siyang banderang may apat na kulay,pula,itim,berde at asul ang kulay na syang nasa bandera. Naka suot siya nang pang digmaan. May espada siya na hawak sa kabila niyang kamay.
[Translation:Sino ka?]
"Hindi mona kailangan malaman ang pangalan ko."Sabi ko,bahagya siyang nainis.
Itinagilid ko ang kabayo ko para makita ko nang maayos ang mukha niya. Para din makita nya nang maayos ang mukha ko.
"Stukedo pueso!!"singhal niya na ang ibig sabihin ay 'stupid women'.
"Nandito ako para,ipag higanti ang nawalang kaharian at magulang...ko."sabi ko na may diin.
Agad na nawala ang inis sa mukha nang pinuno at napalitan ito nang takot at gulat.
"I-ikaw ba ang nawawalang...Prinsesa?"
Tanong niya. Tinignan ko siya sa mata sa mata.
"Oo."direktang saad ko na siyang ikinalaki na ng kanyang mata.
"Ma-mahal na Prinsesa."gulat na sabi niya at saka tumungo bilang galang.
"Nandito ako para makiusap sa inyo na wag nang ipag patuloy ang digmaan sa pagitan niyo at pagitan nang lahat nang Kaharian."maawtoridad na saad ko.
Dahan dahan niyang inaangat ang kahalati niyang katawan na naka tungo sakin. Tinignan nya ako sa mata ganun din ako pero ang unang nag iwas.
"Huwado alo kayiyapen,Mahal na Prinsesa."may takot na may galang na saad Niya. 'huwag ako ang kausapin niyo Mahal na Prinsesa.'yan ang ibig sabihin niya.
Napa-buntong hininga nalang ako sa at saka humarap sa mga kasamahan ko.
"Walang choice kundi...ubusin sila bago dumating ang Hari at iba pang kawal."Sabi ko sa kanila sa salitang Chinese na alam kong hindi maiintindihan nang mga kawal ganun din ang pinuno.
"Preke?"tanong ni Quelladin sa isa pang salita namin dito. Itong salitang to ay hindi madaling intindihin at sauluhin,kailangan mong mag gugol nang ilang taon para masanay o masaulo mo Ito. 'paano?'ang ibig niyang sabihin.
"Dotento kalasansa at kapalangya."sagot ko sa salitang ganun parin na ang ibig sabihin ay 'gagamit tayo nang salamangka at kapangyarihan.'
"Hmm."naisagot nalang nila at saka lumayo nang tingin.
"Kayo na ang bahala kung anong gusto niyong salamangka ang gagamitin o kapangyarihan na gagamitin."Sabi ko.
"Tara na at mag simula. Mayroon nalang tayong dalawa't kalahating oras para mapaslang ang mga libo-libong kawal."sabi ni Yeeves.
Humugot ako nang malalim na hininga at saka humarap sa pinuno.