OBAG 20 Happy Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang itaas ni Rocco ang kamay niya at binati niya ang lalakeng nakakapag pabagabag sa isipan ko. "Cage!" Bati nito. I can't blame Rocco though, he doesn't know anything. Kasama ni Cage ang mga kaibigan nito na matamang naka-titig sa akin, sa amin. Iginiya ako ni Rocco papunta sa kanila habang hawak hawak pa rin ako sa bewang. I tried so hard to calm my nerves down because God knows how much I'm shaking in the inside right now. Kinuyom ko ang mga kamao ko para pigilan ang panginginig nito. Lalong kumalabog ang puso ko nang makalapit kame sa kanila. Kaagad kong naamoy ang pamilyar na pabango nito. Tumango ito at nakipag kamayan kay Rocco. Rocco smiled widely. "This is Kace, the special woman that I have in my life." Napaawang ang labi ko sa

