OBAG 21 Nostalgic "KC! Pinapatawag ka ni Mr. CEO..." sabi sa akin ni Melly. Kumunot ang noo ko. "Mr. CEO?" Tumango ito saka pinasadahan ng kamay ang buhok niya. "Oo. Nag away daw kase si Ms. Fleurette at ang Daddy niya." Ngumuso ako saka napailing. "Sige. Salamat, Mells." Mukhang matutulog ako mamaya sa condo unit ni Fleurette. Tumayo ako saka inayos ang sarili ko bago nag lakad patungo sa elevator. Pinindot ko ang top floor saka huminga nang malalim. Bakit naman kaya ako pinapatawag ng Daddy ni Fleurette? Tumingin sa akin ang sekretarya ng CEO nang makarating ako sa harap ng opisina nito. Ngumiti ako dito. "Ipinapatawag daw ako ni Mr. Diokno. I'm KC Mercado, the head of the marketing team." Kaagad na tumango ito at may kung anong pinindot sa kanyang computer bago bumaling sa akin

