OBAG 22 Help Mabilis na kumalabog ang puso habang naka titig sa mga mata nito. Bukod sa pagiging malamig at madilim ng mga mata niya ay nakikita ko ang kuryoso dito at pagka lito kung bakit ba ako nandirito. Literal kong naramdaman ang bawat pagtambol ng puso ko sa dibdib ko. Hindi ako maka hinga ng maayos. Hinawakan ko ang dibdib ko at pinakiramdaman ang puso ko. Calm down, heart. Pilit akong ngumiti habang nag ku kwento si Nay Siling sa hapag kainan. Masaya itong nag ku kwento sa amin tungkol sa mga istorya noong dalaga at binata pa lamang sila ni Tay Tonyo. Yumuko ako sa kinakain ko at pinilit na huwag na lamang ulit tumingin sa kanya. Kanina noong ipinakilala kame sa isa't isa ay hindi ko alam ang gagawin ko kaya nag panggap na lamang akong hindi ko siya kilala! "Anong trabaho pal

