OBAG 3

2052 Words
OBAG 3 Family Paulit ulit akong huminga ng malalim at pilit na pinapakalma ang sarili ko. Mabilis kong naubos ng sunod sunod ang tatlong baso ng tubig ngunit parang hindi nawawala ang paginit ng aking mga pisngi. Get your s**t together, Kianna! Calm down. Huwag mong ipakitang apektado ka. Dahil kung sino ang apektado ay siya ang talo. Ignore it. Come on, breathe. "Ate? What happened to you? Sobrang pula ng mukha mo. Naarawan ka ba?" Tanong ni Tallulah. "Ah! Did you see kuya? He was earlier than what I expected." Nakatitig ito at pinagmamasdan ang mukha ko. Sasagot na sana ako ngunit nakita kong pumasok si Cage sa b****a ng pintuan ng kusina. Nakangisi itong dumiretso sa refrigerator at kumuha ng malamig na tubig. Namuo ang inis at pagkamuhi sa akin. He's mocking me! And I'm more annoyed with the fact that he's f*****g succeeding in whatever game he's playing. Annoying old man. You want to play, huh? Let's play your f*****g game then. I won't back down that easily. I'm Kianna Chantal Mercado, and I never ever lose. Ever. "Oh, kuya. Sa may garden nalang tayo kumain ng merienda. Ipinahanda ko na kay nana Ising..." Sabi niya. Magsasalita pa sana siya ng tumunog ang cellphone niya. Nag excuse siya sa amin at sinagot iyong tawag. Napatingin ako kay Cage ng maramdaman ang titig nito sa akin. Nakanguso ito at tila natutuwa sa kung ano mang bagay na hindi naman nakakatawa! Umiling ako at naglakad patungo sa garden. Hindi ko talaga makayanan na siya lamang ang kasama ko sa iisang kwarto. Masyadong nakaka intimidate ang ere niya kahit wala naman siyang ginagawa. I hate that even though he's a bit playful, he's still so f*****g intimidating at the same time. Naabutan ko si Tallulah na may kausap na mga kaedaran niya. Apat duon ay lalake at tatlong babae. Napatingin sa akin ang isang kasama niyang lalake kaya napalingon si Tallulah sa akin. Ngumiti to saka ako hinatak sa braso. "Si Ate Kianna nga pala, fiancee ni Kuya Cage. . ." Pagpapakilala nito sa akin. "Ate, mga kaibigan ko, si Ian, Zeke, Quen, Leanne, Rose, Jessie at Xian." Ngumiti lamang ako sa kanila. Gwapo at magaganda ang mga kaibigan ni Tallulah at makikita mong mga anak mayaman din ngunit kahit na nagsusumigaw ng karangyaan ang mga istura nila ay mababait naman ang mga awra nila. Napaiwas ako ng tingin ng mapatagal ang titig sa akin ng kaibigan niyang si Xian. Napalingon ako sa gilid ko ng maramdaman ang kamay ni Cage na dumausdos sa aking bewang. I know it's him. Siya lang naman ang gumagawa noon sa akin. Nakakunot ang noo nito at parang galit sa buong mundo. Masama ang tingin nito kay Xian. Napanguso ako at hinatak na lamang siya patungo sa mahabang lamesa kung saan nakahanda ang merienda namin. "Why are you so grumpy? At bakit ang sama ng tingin mo kay Xian?" Tanong ko sa kanya ng makaupo kame. Lalo lamang kumunot ang noo nito at nagsalubong ang kilay. Umigting ang kanyang panga at seryoso akong tinignan. "You even know his name, huh?" Inis nitong sabi. Kumunot ang noo ko. "Pinakilala siya sa akin ni Tallulah bilang kaibigan niya. Ano bang problema mo?" Hindi niya ako pinansin at naglakad na ito paalis. Parang kanina lamang ay inaasar niya ako, ngayon naman ay parang galit na galit ito sa mundo! I just can't understand this man at all! Nagsiupuan na din ang mga kaibigan ni Tallulah. Nakaupo sa tabi ko si Xian. "Where's Cage?" Tanong nito. My brows shot up. "Cage? Shouldn't it be kuya?" Tanong ko. Ngumiti siya at umiling. "I'm almost his age. How old are you anyway? You look way too young for him." Anito. "I'm twenty two. And almost his age? Bakit? Ilang taon ka na ba?" Sumandal ito sa upuan niya. "Twenty nine." Nanlaki ang aking mga mata. Kung ganoon, pano sila naging magkaibigan ni Tallulah? Mas bata pa sa akin ng dalawang taon si Tallulah. Masyadong malayo ang age gap nila. Tila nabasa nito ang nasa utak ko at sinagot ang tanong ko. Mabilis na naging magaan ang pakiramdam ko kay Xian. He's way too friendly and I understand why Tallulah's friends with him. May sense ang mga sinasabi nito at hindi lamang puro papogi at pagyayabang. "Ate, gusto mong sumama sa amin mamaya? Magsu-swimming kame sa dagat." Napatingin din sa akin ang mga kaibigan ni Tallulah at tila hinihintay ang sagot ko. Wala naman akong gagawin sa mansyon kaya pumayag ako. Dala ko ang dslr ko kaya kukuha na lamang ako ng mga litrato. Dumiretso muna ako sa kwarto ko upang magpalit. Nag suot ako ng itim na one piece at pinatungan ko ito ng high waist na maong shorts. Sinuot ko ang tsinelas ko at inabot ang camera ko. Napatingin ako sa salamin at nakitang lalo lamang lumutang ang napaka puti kong kutis. I sighed. Siguro magbababad na lamang ako sa araw at magbabaka sakaling, umitim ako. I envy the girls who have brown skin. Napaka ganda nila kaya hindi ko maintindihan kung bakit gumagastos sila ng malaki para sa mga produkto na nagpapa puti. Pumito si Quen ng makita ako. Napailing na lanang ako. Kanina habang kumakain kame ay napag tanto kong siya ang pinaka makulit at maloko sa kanilang magbabarkada. Nagpahanda rin si Tallulah ng pagkain sa tabi ng dagat para kapag nagutom kami ay hindi na kame aakyat sa mansyon. Tumakbo sila Tallulah, Leanne at Jessie at sinalubong ang paghampas ng alon. Tumili ang mga ito at nagtawanan. Sumunod din sila Ian, Zeke at Quen. Napangiti ako itinaas ang dslr ko. Sumilip ako dito at kinuhanan sila ng litrato habang nag tatawanan. "Kianna!" Napatalon ako sa gulat ng tawagin ako ni Xian. Ngumuso ako at pinaghahampas ito sa braso. "Ano ka ba naman, Xian! You scared the s**t out of me! Nakakainis ka!" Wika ko. Tawa lamang ito ng tawa habang hinahampas ko siya. "You should've seen you're face. f*****g priceless!" Aniya at mukhang mamamatay na sa kakatawa. Instead of hitting him on his arms, I grabbed my camera and focus it on him. Nakailang click ako ng shutter habang tumatawa siya. Atleast, kahit hindi ako ang masaya ay nakaka kita ako ng mga tao na totoong mga tawa at ngiti ang ipinapakita. And I would like to capture those moments. Maganda itong ilagay sa exhibit dahil sa tingin ko ay ang makita ang isang taong totoong masaya ay nakakahawa na din sa iba. He stopped laughing so I held my camera down. "Tara? Swimming na tayo?" Aya niya. Tipid akong ngumiti saka umiling. "Mauna ka na. I don't really want to swim right now, gusto ko lang kumuha ng litrato." Sabi ko. Ngumiti din siya at nauna na sa dagat. Naglakad lakad ako at kinuhanan ng litrato ang mga kabibe, paro-paro at mga bulaklak. Everything in here is so pure, natural, and real, ito ang mga bagay na hinding hindi mo makikita sa maynila at iba pang lungsod. And even though it's just photos and short lived. I would love to bring it with me once I go back to my reality. I think having this photos is a form of escape to my tiring and dull life. Nagpaalam ako kayla Tallulah at nauna ng umakyat sa mansyon. Nadaanan ko ang kuwadra at nakitang pinapaliguan ni Cage ang isa sa mga kabayo duon. Naka pantalon lamang ito at bota. Walang suot na pang itaas at medyo magulo ang buhok. Umaagos ang iilang tubig sa itaas niyang katawan, dinadaanan ang bawat biyak at hati nito. Naka kunot ang noo nito at magka salubong ang kilay. Naka igting ang panga at parang sa kabayo niya ibunubuntong ang galit niya sa mundo. Poor horse, having to deal with the rage of Cage Zechariah. Napatigil ito sa pagpapaligo sa kabayo at tumingin sa akin. Nagtaas siya ng kilay na tila naghahamon. Umirap ako at nag lakad na papasok ng mansyon. Dumiretso ako sa kwarto ko at humiga sa kama para makapag pahinga. Masyado ata akong napagod sa pag gala sa hacienda nila. Napa tingin ako sa cellphone ko at chineck ito kung mayroon ba akong mensahe galing kayla Mommy ngunit wala akong nakita. Ganoon ba nila ako ka gustong mawala sa buhay nila na kahit ang kamustahin man lang ako dito ay hindi nila magawa? I sighed and tightly closed my eyes when I remembered what happened when I was still a kid. Forget them, Kianna Chantal. Wala silang maidudulot na maganda sa iyo. Forgive and forget. That way you'll live peacefully with a light heart. Naalimpungatan ako sa paghaplos ng kamay sa aking pisngi. Unti unti akong napadilat at nakita si Cage sa gilid ng kama ko. Naramdaman ko ang hapdi sa aking mga mata at tuyong bahid ng luha sa aking mga pisngi. f**k. "Bakit?" Tanong ko at nag iwas ng tingin. He sighed. "Nakahanda na ang pagkain. Are you not feeling well? I can ask the maids to bring your food here. . ." He sincerely said. Umiling ako. "I'm fine. Susunod na ako. I'll just fix myself." Napatingin ako sa orasan at nakitang seven thirty na ng gabi. I slept in for almost three hours. Itinali ko ang buhok ko saka nag hilamos. I changed into a dark brown off shoulder dress from the clothes that Tita Maddisson prepared for me. Nagulat ako ng pag labas ko sa banyo at nakaupo pa rin si Cage sa kama ko. Bakit hindi pa siya bumaba? Napatingin ito sa akin gamit ang seryoso at madilim netong mga mata. Tila maingat nitong pinag aaralan nito ang bawat kilos ko at kinakabisado ako. "Baba na tayo?" Sabi ko ng di makayanan ang ere na pumapalibot sa aming dalawa. Nauna na akong lumabas sa kwarto. Pagbaba ko ay naabutan ko si Tita Maddisson at Tito Austin na naka upo sa salas. Naka akbay si Tito Austin kay Tita Maddisson habang naka sandal ito sa balikat niya. I smiled at their sight. Kahit na minsan ay hindi ko nakitang ganito sila mommy at daddy. Just like me, they only married for the convenience of business. Pagbaba ko at napatingin sila sa akin. Ngumiti si Tita Maddisson saka tumayo. Nagulat ako ng salubungin ako nito ng mainit na yakap. "Pasensya na at wala kami ng Tito Austin mo kanina pag dating mo. Feel at home, Kianna. Lahat ng meron dito ay sayo din. Kapag may kaylangan ka ay huwag kang magdalawang isip na lumapit sa amin. Huwag kang mahihiya, okay?" Sabi ni Tita habang nakayakap sa akin. Slowly I hugged her back. Tila may mainit na humaplos sa puso ko. I can feel the sincerity of what Tita Maddissom just said. Nararamdaman kong may pakealam at pagaalala talaga siya para sa akin. She literally an angel. Hindi lang sa itsura kung hindi pati sa ugali. Duniretso na kami sa dining are para kumain. Si Tito ang nasa gitna ng lamesa, si Tita Maddisson naman ang nasa kaliwa nito at katabi si Tallulah. Sa kanan naman ay si Cage tapos ako. Nakaka tuwang makita na kahit napaka busy na tao nila Tita ay hindi pa rin nilang nakakaligtaan na kumain ng sabay sabay sa hapag. "Kamusta naman ang naging byahe mo papunta dito, Kianna? Nakapag pahinga ka naman ba?" Tanong ni Tita. Napanguso si Tallulah at nag iwas ng tingin. Napangiti ako saka sumagot. "Maayos naman po, Tita. Ipinasyal din po ako ni Tallulah sa haceienda tsaka sa beach." Tila ngayon ko lang naramdaman ang pagod sa katawan ko. Simula kanina pagka dating ko ay nag libot na kame kaagad ni Tallulah at hindi na ako nakapag pahinga. Napatingin si Tita kay Tallulah. "Baka naman hindi mo pinagpahinga ang Ate Kianna mo?" Nag peace sign si Tallulah saka ngumiti. "Sorry, Ate. I was just too excited to bond with you." Ngumiti ako. "Okay lang po, Tita. Hindi naman po ako ganoong napagod sa byahe. And I had fun hanging out with Tallulah and her friends." "That's good to know, Kianna. Don't worry about anything else and just enjoy your stay here, okay?" Ani Tito Austin. Tumango ako. "Opo. Thank you po, Tito." Umiling si Tito. "No need to thank me, Kianna. Remember that you're a part of the family now..." Nanigas ako sa kinauupuan ko dahil sa sinabi ni Tito. Napatingin ako kay Cage at nakitang naka titig ito sa akin. Tila naninimbang. Kanina pa ba siya nakatingin? Bigla tuloy akong na conscious sa sarili ko. Shut them down, Kianna. Shut your emotions down. Kapag hindi mo ginawa iyon ay ikaw lamang din ang masasaktan sa huli! T o b e c o n t i n u e d . . . V o t e a n d c o m m e n t . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD