OBAG 4

1865 Words
OBAG 4 Kinabukasan ay nagising ako sa sinag ng araw mula sa bintana ng aking kwarto. Napanguso ako, it actually feels good to wake up without an alarm clock! Bumangon ako at dumiretso sa banyo upang maligo at ayusin ang sarili ko. Naupo ako sa kama pagkatapos maligo at sinuklay ang buhok ko. May kumatok sa kwarto kaya napatingin ako dito. Bumukas ito at sumungaw ang ulo ni Tallulah dito. Binaba ko ang suklay saka umupo ng maayos. "Ate, sama ka samin nila Quen mamaya? Mamamasyal kame sa bayan." Wika nito. Ngumuso ako saka tumango. "Sige, anong oras ba?" Ngumiti siya. "After lunch, ate. Baba na pala tayo. Pinapatawag ka na nila mommy, kakain na tayo ng breakfast." Tumayo ako at naglakad papunta sa kanya. Sabay kaming bumaba at naabutan sila Tita at Tito sa hapag kainan. Napatingin ako sa katabi kong upuan dahil walang nakaupo dito. Napansin iyon ni Tita Maddisson at napa-ngiti. "Maaga talagang umaalis lagi si Cage at dumidiretso sa planta, Kianna. Hayaan mo, sasabihin ko sa kanya na sa susunod ay isama ka niya duon at ipasyal." Wika niya. Ngumiti lamang ako. Kita mo nga naman, kahit na pala ganun ang ugali niya ay napaka responsable niya pag dating sa trabaho. "Oo nga pala, aalis kame ng Tito Austin mo, we'll be flying to LA this afternoon. Mag iistay kame duon ng dalawag linggo. Sabihin niyo lang kay nana Ising kung mayroon kayong gusto. Wag ka ding mahihiya, Kianna..." Tumango ako. "Opo, Tita." Pagkatapos kumain ay nagpaalam na sila Tita, bumalik naman ako sa kwarto ko. Napaupo ako sa kama at napatitig sa dingding. Nakakaurat pala kapag wala kang gagawin, kahit papaano ay namimiss ko ang trabaho ko sa maynila. Bumuntong hininga ako at kinuha ang sapatos ko. Maaga pa naman kaya mag ja-jogging na lamang ako. Nagpalit ako ng leggings at isinuot ang sports bra ko tsaka bumaba. "Ate san ka?" Tanong ni Tallulah ng maabutan ako sa veranda. "Mag ja-jogging lang ako. Babalik din ako agad." Sabi ko. I tied my hair in a high ponytail saka ako naglakad palabas ng mansyon. Wala masyadong bahay na katabi dito sa hacienda nila Tita Maddisson dahil napaka laki ng lupain nila. Isinuot ko ang headphones ko tsaka nag jogging pa kanluran. Matagal na rin akong hindi nakakapag jogging dahil sa hectic na schedule ko. Kasalasan ay nasa gym lamang ako para magpa pawis. Habang tumatagal ay mas binibilisan ko ang pag talon ng mga paa ko hanggang sa tumatakbo na ako. Kinuyom ko ang mga kamao ko at mas binilisan pa ang pag takbo. My heart raced crazily.  Nang makarating ako sa may dulo, sa kung saan may bangin ay tumigil ako. Nilagay ko sa magkabilang bewang ko saka tumingala. Huminga ako ng malalim at inayos ang buhok ko. Napatingin ako sa tanawin at namangha sa nakita. Hindi ko akalain na mayroong ganitong lugar dito. Sayang at hindi ko dala ang camera ko. Sa sususnod na pumunta ako dito ay sisiguraduhin kong makukuhanan ko ng litrato ang magandang tanawin na ito. Hindi pa ako nakakapasok ng mansyon ay narinig ko na ang tunog ng yapak ng kabayo. Cage gracefully maneuvered a shiny white horse. Ang buhok ng kabayo ay sumasayaw sa hangin dahil sa biglaang pag tigil. Cage's movement equaled the gracefulness of the horse he's riding. Igting ang braso at kamay, wala siyang kahirap-hirap na bumaba roon. Kunot ang noo nito at magkasalubong ang kilay. Marahan niyang ginulo ang buhok niya saka naglakad. Bigla akong kinabahan ng makitang nag lalakad ito papalapit sa akin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin napro-prosesa sa utak ko na ang lalaking ito ay ang mapapangasawa ko at makakasama ko habang buhay. Swerte na lang yata ako kung hindi ako mamamatay ng dahil sa sakit sa puso. Pinasadahan nito ang kabuuan ko mula ulo hanggang panga. Lalong kumunot ang noo nito. Umiwas ito ng tingin saka umigting ang panga. Huminga ito ng malalim saka tumingin sa akin. "Saan ka galing?" Tanong niya. Napatingin ako sa pisngi niya ng tumulon ang pawis dito. "I just went for a jog." Sabi ko at nagbaba ng tingin. "Sabi ni mommy ay gusto mong makita ang planta? I'll take you there later at one o'clock." Wika niya. Tumango ako. "Sige." Maglalakad na sana ako papasok ng mansyon ng hawakan ako nito sa kamay. Napatigil ako at napanguso. Kumunot ang noo ko at tinignan siya. "Bakit?" Nanlaki ang mata ko nang patakan niya ako ng isang halik sa labi. Napa awang ang labi ko at tila nanlambot ang mga tuhod ko ng dahil sa ginawa niya. Lalong kumunot ang noo nito habang seryosong nakatitig sa akin. Hinawakan nito ang gilid ng mukha ko at pinatakan muli ako ng halik sa labi. Aatras na sana ako ng hapitin ako nito sa bewang at idiniin niya sa akin ang katawan niya. Mas pinalalim nito ang halik. Mariin akong napahawak sa matipuno niyang braso. Kinagat niya ang ibabang labi ko dahilan para maipasok niya ang dila niya sa loob ng aking bibig. He flicked his tongue inside my mouth tasting and savouring every corner of it. Humiwalay lamang ito sa akin ng pareho na kaming maubusan ng hininga. Napayuko ako at pakiramdam ko ay pulang pula ang mukha ko ng dahil sa nangyare. Ni hindi ka manlang nag protesta, Kianna! f**k. Napatingin ako dito nakita kong taimtim itong naka tingin sa akin. Kunot noo ito at magkasalubong ang kilay ngunit lalo lamang siyang gumwapo. How is that even possible? "I'm your first. . ." Pag kasabi niya nuon ay nahimigan ko ang galit sa boses niya. Or was it really anger? Basta may himig sa boses niya na parang hindi siya natutuwa. Napatalon ako sa gulat ng haplusin nito ang ibabang labi ko. Pinatakan niya ng isang mabilis na halik ang labi ko at tinaas ang baba ko. "Eyes on me when I'm talking to you, little girl. . ." Seryoso nitong sabi. Kumunot ang noo ko. "Stop calling me little girl, old man! At bakit mo ako hinalikan? You have no right on-" Natahimik ako ng sakupin nito ang labi ko. He kissed my lips savagely and thoroughly. Nanlalaki ang mga mata ko at nakita kong nakakunot ang noo nito habang naka pikit na hinahalikan ako. Humiwalay ito sa akin at inayos ang kanyang sarili. Napuno ng iritasyon ang sarili ko ng bigla akong natameme at walang masabi. Nakita ko ang pag taas ng gilid ng sulok ng labi nito. "I'm your first and I plan to keep it that way, Kianna Chantal. . ." Napapikit ako ng mariin at paulit ulit na hinahampas ang mukha ko sa unan ko. Sumigaw ako dito. Naoabalikwas ako ng pagkakadapa ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. "Miss Kiana, ayos lang po ba kayo? Narinig po namin kayong sumisigaw." Sabi ni Lina. Isang katulong dito sa mansyon na halos kaedaran ko lamang. Umiling ako. "Wala iyon. Ayos lang ako, Lina. Pasensya na." Tumango ito at sinarado ang pintuan. Umupo ako saka huminga ng malalim, pilit na kinakalimutan ang pag halik na ginawa sa akin ni Cage kanina. Sinabunutan ko ang sarili ko saka tumayo at dumiretso sa banyo. Humarap ako sa salamin at nginuso ang labi ko. How did he know that he's my first kiss? Ganun ba ako ka stiff para mahalata niya iyon? Oh, sadyang masyado lang maraming babae ang nahalikan na niya kaya kabisadong kabisado na niya iyon? Thinking about how many girls he has kissed in the past or worst, bedded in the past makes me disgust him! God, Kianna! Why are you even thinking about that? Kinuha ko ang sipilyo ko at napag pasyahang mag toothbrush na lamang ulit sa pang sampung beses! My virgin lips for twenty two years is not so virgin anymore! I heaved a sigh. "Nakakainis ka, Cage Zechariah!" Iritado kong sabi sa salamin. Mas diininan ko pa ang pagsisipilyo sa aking labi at ngipin na pakiramdam ko at mapupudpod na ang labi ko sa sobrang gigil ko. Huminga ako ng malalim saka naligo. Pumikit ako habang ninanamnam ang malamig na tubig na tumatagaktak sa bawat parte ng aking katawan. Napangiti ako ng biglang mag replay sa utak ko ang nangyare sa akin noong 13th birthday ko. I remembered it vividly as if it was yesterday. It was a sunny sunday morning and I was so excited to get up. Napangiti ako at kaagad na bumangon sa kama ko. Nagmadali akong nag hilamos at inayos ang aking sarili. Napangiti ako at tumakbo pababa ng hagdan upang mag tungo sa aming hapag kainan. "Good morning mom! Good morning dad!" Sabi ko at hinalikan sila sa pisngi. Tumango lamang si daddy dahil may kinakausap ito sa telepeno tungkol sa negosyo. Sumenyas ito kay mommy saka tumayo at nag lakad palabas. Sinundan ko lamang ito ng tingin. "We have to go early today. May ka meeting pa ang daddy mo ngayong umaga. Kianna, baka gabihin na kame ng uwi ng daddy mo ngayon kaya huwag mo na kaning antayin." Napa awang ang labi ko. "Pero mommy-" "Sige na, Kianna. Mauuna na kame, gagabihin kame kase aattend pa kame ng birthday ng anak ni Atty. Legazpi. Be a good girl, okay?" Wala akong nagawa kung hindi ang tumango. Napa titig ako dito habang nag lalakad din ito palabas kung saan dumaan si daddy. Mapait akong napangiti at nawalan ng ganang kumain. Dumiretso ako sa kwarto ko at nag bihis. Kinuha ko ang bagpack ko at napag pasyahang mag lakad lakad na lamang sa loob ng subdivision namin. Huminto ako sa park at naupo sa isang swing. Naagaw ng atensyon ko ang isang ina at inang nag hahabulan at tila napakasaya. "Anak, tama na! Halika na kase. Inaantay na tayo ng daddy mo..." Ngumuso ang maliit na bata. "But mommy, I want to play more. Just one last round, please?" Sabu nito at nag beautiful eyes. Napangiti ako. She looked so cute. Bumuntong hininga ang mommy nito at pinunasan sa likod ang anak niyang babae. "Alright, Odette. One last round, okay? May pasalubong pa sayo ang daddy." Ngumiti ang maliit na bata at nag tata talon. "Yes! Yes! Let's go home na pala, mommy. I miss daddy na! I want to play cars with him." Natawa ang nanay nito at napailing. "Alright, Odette. Let's go home." Kinuha ko ang bagpack da gilid ko at nilabas ang cupcake dito. Nilabas ko din ang kandila at sinindihan ito. Naluluha ajong tinignan ito at tinaas ng konti. Mapait akong napangiti. "Happy birthday, Kianna Chantal. Make a wish. . ." Bulong ko sa aking sarili. Wala na akong ibang mahihiling pa kung hindi ang isang masaya at nagmamahalang pamilya, Panginoon. Gusto ko lamang maramdaman ang pag mamahal ng aking mga magulang at minsan ay makilag bonding sa kanila katulad ng ibang bata. I don't need the riches. I don't need it.  Pagka hipan ko ng kandila at dinilat ko ang mga mata ko. Huminga ako ng malalim at pinatay ang shower. Forget about that, Kianna Chantal. Pero sa dinarami rami ng kaarawan kong nakalimutan nila ay tila nasanay na akong hindi ipinagdiriwang ang kaarawan ko. Napatingin ako sa paa ko habang nanunubig ang mga mata ko. That's what you get for caring too much for someone. Kung mayroon man akong isang natutunan sa pamumuhay ko ng dalawampu't dalawang taon ay yun ay ang ingatan ang puso mo. Above all else, guard your heart, for everything you do flows from it. . . How many times have I wished that, just like the dirt in my body, my problems and emotions will be washed away once I shower. To be continued. . . 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD