bc

Aiden Thompson

book_age18+
6.1K
FOLLOW
55.0K
READ
second chance
boss
sweet
bold
female lead
male lead
realistic earth
like
intro-logo
Blurb

Aiden Thompson is one of the womanizer in town. Yun ang akala nila. But the truth is, he was the only good boy in the group.

Isang araw tinawagan siya ng Mommy niya na kapag hindi pa ito nakahanap ng babaeng papakasalan ay ipapakasal ito sa anak ng kaibigan ng Mommy niya sa gusto man niya o hindi.

When he saw his maid, he came up with an idea. Binihisan niya ang katulong niyang si Apple Rural para magpanggap na girlfriend niya.

Kagaya niya ay gano'n din pala ang sitwasyon nito. Gusto din ipakasal ang babae sa ibang lalaki kapag wala pang-boyfriend.

At dahil magkatulad sila ng sitwasyon ay nagkasundo sila na magtulongan at magpanggap na mahal nila ang isa't-isa.

But what if one day, ang pagpapanggap lang dapat ay maging totoo na?

Are they willing to take the risk? To love each other? Kahit na alam ni Apple na isa lang siyang hamak na katulong ng isang Aiden Thompson.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Mom, naman," pagmamaktol ni Aiden habang kausap ang mommy niya sa kabilang linya. Nasa Italy ito ngayon. Doon nakatira ang kanyang mga magulang at tanging siya lang ang nasa Pilipinas kasama ang mga kaibigan niya. Gusto sana ng mga ito na sumama siya sa paglipat pero hindi siya pumayag dahil dito na siya ipinanganak, lumaki, at nandito din ang kanyang mga kaibigan na itinuturing na niyang ikalawang pamilya niya. "Seriously, Mom?" Natawa siya. "Hindi na uso ang mga ganyang bagay. Hindi na uso ang mga arrange marriage na ‘yan. Hindi na tayo makaluma, Mom." "And so?” Kahit hindi niya nakikita ang mukha nito ngayon ay alam niyang nakataas ang kilay nito. “Wala akong pakialam sa mga makaluma o makabago na 'yan. I am telling you, young man, kapag hindi ka pa ikinasal this year, ipapakasal kita kay Danicca." Napaikot ang kanyang mga mata sa sinabi nito. "Paulit-ulit na lang tayo dito, Mom. I don't like her. Ilang beses ko nang sinabi 'yan sa 'yo." "I don't care. All I want is you to be a married man. Ano ba naman, Aiden? Ang tanda mo na at tumatanda na din kami. Gusto na namin ng apo mula sa 'yo. Buti pa si Zaver may anak na." "May anak nga hindi naman niya alam kung nasaan." Simula nang sabihin ni Sky kay Zaver na buntis ito at ang kaibigan niya ang ama ay hindi na ito nagpakita pa sa binata, para itong nawala na parang bula. Kaya hanggang ngayon ay para pa rin itong baliw na naghahanap kay Sky at sa anak nila. "At least may anak na siya, pwede pa niyang makita 'yon. Eh, ikaw?" Napahilot siya sa noo. She love his mom, pero minsan talaga sumasakit ang ulo niya dahil dito. "Basta tandaan mo ang sinabi ko, Aiden. Kapag talaga hindi ka pa ikinasala ngayong taon—” "Mom!" putol niya sa sinasabi nito. "Hayaan niyo na lang ako na hanapin ang babae na gutso kong pakasalan. Hindi iyong ipipilit mo ako sa babaeng hindi ko naman gusto." "Matutunan mo din siyang mahalin kapag nagsama na kayo. Danicca is a good girl kaya alam ko na aalagaan ka niya. Lahat naman ng bagay ay natutunan, Aiden." "But not in love, Mom." Napahiga siya sa kama saka ipinikit ang mga mata. Kahit siguro ano pang sabihin niya dito ay hindi ito makikinig. Ipipilit pa rin nito ang gusto nito. Ganyan ang mommy niya. "It's final. Uuwi ako diyan at isasama ko si Danicca para magkakilala kayo." Hindi na siya nakasagot pa dahil pinatay na nito ang tawag. Napabuga na lang siya ng hangin. Mukhang wala na talaga siyang kawala sa gusto ng mommy niya. Tumayo na lang siya saka nagpalit ng damit. Lumabas siya ng kwarto para bumaba at maghaponan. Nasa hallway pa lang siya ng second floor ay napahinto siya at napatingin sa isang babae na may hawak na vase. Napahinto ito sa paglalakad nang makita siya. "Magandang gabi, Sir Aiden," bati nito sa kanya saka bahagyang yumuko. "Good evening." Muli itong yumuko saka umalis sa harap niya. Kung hindi siya nagkakamali, iyon ay si Apple, isa sa mga katulong sa bahay niya. Kilala niya ang lahat ng katulong niya sa bahay dahil nakakausap naman niya ito. Hindi kasi siya katulad ng ibang amo na hindi man lang pinapansin ang mga katulong sa bahay. Palakaibigan siya sa lahat ng tao sa bahay niya. Lahat ay nakakausap niya maliban kay Apple. Para kasi itong umiiwas sa kanya at ilag sa mga tao. Yon ang napapansin niya sa dalaga. Maganda naman ito at masipag. Palagi niya itong nakikitang may ginagawa at alam niyang ito ang nag-aasikaso sa mga bulaklak sa harden ng bahay niya. Bigla siyang may naisip saka napangiti. Bumaba na siya saka tumungo sa hapagkainan at kumain. Nang matapos ay agad na hinanap niya si Apple pero napakunot-noo ng hindi niya ito mahanap. "Yna," tawag niya sa isa pang katulong. Lumapit naman ito sa kanya na may ngiti sa labi. "Yes, Sir?" "Where is Apple? Parang hindi ko ata siya nakikita," tanong niya dito habang nakatingin sa paligid, nagbabakasakali na makita niya ang dalaga. "Nasa labas po ata. Siya ata ang magtatapon ng basura ngayon." "I see. Sige, ipagpatuloy mo na ang ginagawa mo. Thank you." Yumuko ito saka umalis na. Lumabas naman siya ng bahay para hanapin si Apple. Hindi niya ito nakita sa bakuran at naisip na baka nakalabas na ito ng gate. Nang susundan na sana niya ito sa labas ay siya namang pagpasok ni Apple. Nakayuko ito dahilan para hindi siya nito makita. Hinarangan niya ang daraanan nito. Inaasahan niya na mabubunggo ito sa kanya gaya na lang ng mga babae sa eskwelahan noon, pero hindi. Bago pa siya mabangga nito ay huminto na ito. Napaangat ito ng tingin sa kanya. "Bakit po, Sir? May kailangan po ba kayo?" tanong nito sa kanya dahilan para mapatitig siya dito. Sa lahat ng katulong niya ay ito ang kakaiba. Hindi kasi ito gaya ng iba niyang katulong na nagpapa-cute agad sa kanya lalo na kapag kausap niya. "I need to talk to you," diretso niyang sabi. Ayaw na niyang magpaligoy-ligoy pa. "Tungkol po saan?" "Follow me to my study room," sabi niya saka nauna nang maglakad. NAGTATAKANG nakatingin si Apple sa likod ni Aiden habang papasok ito ng bahay. Nakakunot ang kanyang noo nang lumapit sa kanya si Yna. "Anong sabi ni sir?" Nagkibit-balikat siya. "Bakit hindi mo alam?" Tiningnan niya ito ng walang gana. "Malay ko. Hindi ko nga alam." "Baka may kasalanan ka? Mukhang kanina ka pa niya hinahanap, eh." "Paano naman ako magkakaroon ng kasalanan sa kanya? Eh, halos hindi nga kami nagkikita o nag-uusap tapos magkakasala pa ako sa kanya." Napailing na lang siya saka iniwan si Yna sa labas ng bahay para sundan ang kanyang amo. Baka mamaya, mainip pa 'yon at masisante pa siya. Kumatok muna siya bago tuluyang pumasok sa study room ng binata. Nakita niyang nakatayo ito sa malaking bintana ng silid at nakatingin sa labas. "Sir?" tawag niya dito para mapalingon ito sa kanya. "Apple, please sit down," sabi nito sabay turo sa visitors chair. Hindi niya inaakala na alam pala nito ang kanyang pangalan. Mabait naman na amo si Aiden sa kanilang lahat. Nakakausap nito ang mga tao sa bahay maliban sa kanya. Bihira lang kasi sila magkita ng binata dahil mas nagfo-focus siya sa trabaho niya kaya wala siyang oras para makipag-usap dito. "Bakit gusto niyo po ako makausap, Sir?" agad niyang tanong nang makaupo na siya. "I want to ask you a favor," diretso nitong sabi at seryoso pang nakatitig sa mga mata niya. "Ano ho 'yon?" "I want you to be my girlfriend." Bigla siyang nasamid sa sariling laway sa sinabi nito. Teka! Tama ba ang narinig niya o pinaglalaruan lang siya ng pandinig niya. "Ano ho 'yon, Sir? Mukhang hindi ko ata masyadong narinig. Pwede po pakiulit?" She laughed awkwardly habang nililinis ang tenga niya gamit ang sariling daliri. Wala siyang pakialam kung nasa harap niya ang binata, basta maging maayos lang ang pandinig niya. Sana nga lang talaga ay mali siya nang narinig dahil kung tama nga ay hindi niya alam kung anong gagawin o isasagot. "I said, I want you to be my girlfriend," dahan-dahan nitong sabi para marinig niya ng maayos at malinis. "Ho? Bakit ho? I mean, bakit ako?" Turo niya sa sarili niya habang may pagtatakang nakatingin sa binata. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari ngayon. Hindi niya inaakala na isang Aiden Thompson, mayaman, gwapo, kinababaliwan ng maraming babae, at babaero ay tatanungin siya kung pwede ba siya nito maging girlfriend. Maliban sa babae siya ay wala na siyang iba pang maipagmamalaki sa ibang babae na mayaman at mas maganda kaysa sa kanya. Hindi naman kasi siya maganda at sexy. Isang simpleng babae lang siya na may katawan. Si Aiden Thompson na may-ari ng Thompson Corporation ay gusto siyang maging girlfriend? No. That was so impossible. Suntok sa buwan ang pangarap na ‘yon para sa isang katulad niyang mahirap at katulong, na hindi din naman niya pinapangarap. Kilala si Aiden at ang mga kaibigan nito bilang mga womanizer. Kahit na minsan lang siya lumalabas at nakikihalobilo ay hindi naman siya bingi para hindi alam ang mga nangyayari sa paligid niya. Siya si Apple D. Rural, isang simpleng babae at galing pa sa probinsya nila. Lumuwas siya ng Maynila para masuportahan ang pamilya niya, lalo na ang pang-araw-araw na gamot ng kanyang ama. May maintenance kasi ito kaya kailangan niyang kumita ng pera. Hindi siya isang maganda, sexy, at mayaman na babae para magkagusto sa kanya ang isang Aiden Thompson. Isa lamang siyang hamak na katulong sa bahay nito at isang probinsyana. "Apple," tawag nito sa pangalan niya dahilan para mabalik siya sa reyalidad. "Po?" Napakurap-kurap siyang napatingin dito. Napabuntong-hininga ito. "It's not what you think. What I mean is, gusto kong magpanggap ka bilang girlfriend ko." Bigla siyang nakahinga ng maluwag sa sinabi nito. Akala niya talaga ay may gusto ito sa kanya. Although gwapong lalaki si Aiden. A 162 cm tall with his well build figured and his six packs abs na ikinahihimatay talaga ng mga babae kapag nakita. Aiden has his oval shape face. His dark, short hair. The hollow eyes of his, with his tall nose and red thin lips na pinapangarap ng mga kababaihan na mahalikan, but not her. Hindi naman kasi siya umaasa na magugustuhan siya nito dahil ang nababagay para dito ay ang katulad nito na mayaman at maganda. Napabuntong-hininga na naman ito. "My Mom will be home soon, well, I don't know when. Pero kailangan na may maipakilala ako sa kanya na babae. She wants me to marry this year at kapag hindi pa ako kinasal ngayong taon ay ipapakasal niya ako sa babaeng gusto niya para sa akin na hindi ko naman gusto. That's why—" "Wait lang, Sir Aiden." Itinaas niya ang kamay niya para tumigil ito sa pagsasalita. "Kanina gusto mo lang na magpanggap akong nobya mo, pero bakit ngayon umaabot ka na sa kasal. Ang ibig kong sabihin, kung papayag ako sa pagpapanggap ay sasabihin mo sa mommy mo na ako ang babaeng papakasalan mo?" "Yeah." "Papakasalan mo ako?" "Yes. No. What?" Napakunot-noo siya sa sagot nito. Bigla tuloy siyang nalito. "Ha? Ano ba talaga?" Napakamot na lang siya sa kanyang ulo. "What I mean is, yes, magpapanggap ka bilang girlfriend ko at sasabihin nating ikaw ang papakasalan ko, but hindi tayo aabot sa kasal. Magpapanggap tayo na ikakasal, pero kapag napaniwala natin siya at hindi na niya ako kukulitin about getting married ay matatapos na tayo sa pagpapanggap natin. You don't have to worry a thing, hindi naman ako gagawa ng mga bagay na ikakabastos mo." "Bakit ako?" "Ha?" Ito naman ata ang hindi nakarinig ng maayos. "Ang tanong ko kung bakit ako?" pag-uulit niya. "Madami naman diyang iba, ah. Yong maganda, sexy at mayaman. Yong nababagay sa 'yo. I’m sure maraming babae na willing magpanggap bilang nobya mo." "I don't want any commitment with my employee. What I mean is, ayoko na mahulog sa akin ang babaeng magpapanggap. Mahirap 'yon. Paano na lang kung magkagusto siya sa akin at hindi ko naman siya gusto? Masasaktan lang siya," paliwanag nito. Lihim siyang napaikot sa mga mata niya. "Bakit niyo pa inaalala kung anong mararamdaman nila, eh, womanizer naman kayo. Hilig niyong paglaruan ang mga babae." "What did you say?" Nanlaki ang mga mata niya at napagtanto na medyo napalakas pala ang pagkakasabi niya no'n. "Ha? Ahh... Yong tanong ko nga po, bakit ako?" Tumawa siya ng mahina saka napakamot sa noo. "Ilang taon ka na bang nagtatrabaho dito?" Napabusangot siya ng tanong ang sinagot nito sa tanong niya. "Dalawang taon na din po." "Sa dalawang taon na nagtatrabaho ka dito. Ilang beses na tayong nag-usap?" Napaisip naman siya. Hindi niya alam kung ilang beses silang nag-usap sa loob ng dalawang taon na nagtrabaho siya sa bahay nito. Hindi naman kasi sila nagkikita palagi, hindi gaya ng ibang katulong dito na palagi na lang nagpapansin sa kanya. "Minsan lang ata." "May gusto ka ba sa akin?" "Ha? Ay naku, Sir! Gwapo ka nga, pero kahit kailan hindi ako nagkagusto sa inyo. Alam ko kung saan ako lulugar." "That's my point." Napakunot-noo siya. "Kaya ikaw ang napili ko ay dahil kahit na dalawang taon ka ng nagtatrabaho dito ay ni minsan ay hindi mo ako nagustohan kasi alam mo ang posisyon mo. I want a professional pretender." Napakamot siya sa batok niya. Gano'n ba 'yon? "Eh, Sir, paano niyo naman nasasabi na hindi ko nga kayo magugustohan?" "Because I trust you that you won't." Napatitig siya sa gwapong mukha ng binata. Kahit gwapo ito ay wala talaga siyang ibang narararmdaman dito. Napailing na lang siya. "Ayoko, Sir," pagtanggi niya. Nagulat naman ito sa naging sagot niya. "What? Why? Kung ang sahod mo ang pinoproblema mo, don't worry tataasan ko naman. Iba ang sahod mo sa pagiging katulong at iba naman ang sahod mo bilang fake girlfriend ko." "Hindi 'yon, Sir, eh." Umiling-iling siya. "Eh, ano?" "Ayokong manloko ng tao, lalo na ang mommy niyo. Bakit hindi mo na lang sabihin sa kanya ang totoo?" "Wala ding mangyayari. She won't let me. Gagawa at gagawa ng paraan ang mommy ko para matuloy ang gusto niya. I don't want to marry some woman that I don't love." Tinitigan niya ito ng mabuti. Kahit siya naman siguro ang nasa sitwasyon nito ay ayaw din niyang magpakasal sa taong hindi naman niya mahal. Kahit na naawa siya at naiintindihan ang sitwasyon nito ay ayaw pa rin niyang pumayag. Tinuruan siya ng mga magulang niya na huwag manloko ng kapwa. Napabuntong-hininga siya. "Pasensya na talaga, Sir, pero hindi po ako pumapayag." "Why?" "Tinuruan po kasi ako ng mga magulang ko na huwag manloko ng kapwa. Masama iyon. Alam ko na ayaw niyo sa gusto ng mommy niyo, hindi ko kayo ija-judge. Maghanap na lang po kayo ng babaeng papayag sa gusto niyo. Pasensya na po talaga." Yumuko siya saka agad na umalis sa silid.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.9K
bc

His Obsession

read
73.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
95.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook