“Wala pong kasal ang magaganap, Don Alberto.” Napatiim-bagang siya para pigilan ang panginginig ng kamay niya. Lihim siyang huminga ng malalim. Ang kaninang nakangiti na mukha ni Don Alberto, ngayon ay nakasimangot na. Kinuha nito ang baso na may juice at tiningnan. Napalunok siya. Hindi pa niya nakikitang magalit ito, pero alam niyang hindi ito basta-basta kung magalit. Hindi niya alam kung paano ito magalit dahil ni minsan ay hindi pa niya iyon nakikita. “So, totoo pala ang mga bali-balita dito sa bayan natin? Na may dala kang boyfriend pag-uwi dito.” Mahigpit siyang napahawak sa suot niyang pantalon. “Bakit, Apple? Kaya ba ng boyfriend mo na bayaran ang utang niyo sa akin?” “Hindi ko po alam pero hindi ako hihingi sa kanya ng pera para lang may maipambayad sa inyo. Dahil ako po mismo

