“Thompson residence. Who is this?” tanong ni Apple nang sagutin niya ang tumutunog na telepono kanina. Napakunot-noo siya ng walang sumagot. “Hello? Sino ‘to? Sino pong hinahanap nila?” Ilang beses siyang naghe-hello pero wala pa ring sumasagot. Para na siyang tanga na kausap ang nasa kabilang linya na hindi naman sumasagot. Nagkibit-balikat na lang siya saka binaba ang tawag. Baka mamaya may nanti-trip lang. Tatawag tapos kapag naman sinagot mo ay hindi sasagot. Hays! Mga taong walang magawa sa buhay. Aalis na sana siya ng muling mag-ring ang telepono. “Thompson residence. Who is this?’ Napabuga siya ng hangin ng hindi na naman sumagot ang tumawag. “Mawalang galang na po sa inyo, ha? Kung nanti-trip po kayo ay huwag ako. Marami akong trabaho at wala akong oras para sa mga pranks niyo.

