Hininto ni Aiden ang kotse nito sa parking lot ng airport kung saan susunduin nila ang ina nito. Naunang bumaba ang binata habang nasa loob pa rin si Apple. Mahigpit ang hawak niya sa sariling kamay. Malamig at nanginginig oyon. Napatingin siya sa gilid niya nang bumukas ang pinto at nakita ang binata. Inilahad nito ang kamay nito sa kanya. Tinanggap niya ‘yon saka lumabas ng kotse. Napatingin siya sa binata ng bigla nitong halikan ang likod ng palad niya. Nahigit niya ang hininga dahil sa gulat ng ginawa nito. Alam niyang ilang beses nang ginagawa ‘yon ni Aiden pero hanggang ngayon ay nagugulat pa rin siya. “Don’t be nervous, too, Baby Girl.” Huminga siya ng malalim. “Kahit anong sabihin mo, Aiden, ay hindi talaga ako mapapakali. Hindi mawawala ang kaba ko.” “I am telling you, kinakab

