Naglakad-lakad sina Apple at Noah papalayo sa bahay nila. Walang nagsasalita sa kanila habang naglalakad. Napabuntong-hininga siya. Hindi talaga siya sanay na ganito silang dalawa. Noon kasi kapag magkasama sila ay walang oras na hindi sila nagkukwentohan. Kahit saan-saan nga umaabot ang usapan nila, eh. Kahit walang kwentang bagay ay napag-uusapan nila basta may mapag-usapan lang sila. Muli siyang napabuga ng hangin. Kung pwede lang na ibalik niya ang mga panahon na ‘yon ay gagawin niya. Pero alam niyang kahit anong gawin niya ay hinding-hindi mangyayari ‘yon. “Babalik ka na pala sa Maynila bukas?” tanong nito dahilan para mapahinto siya sa paglalakad. Tumingin siya dito at kahit gustohin man niyang ngumiti ay hindi niya magawa. “Oo, eh.” Yon lang ang nasagot niya dahil hindi niya ala

