Gulat na napatingin ang mga tao sa bahay sa pinto nang bumukas ito at sabay na pumasok si Aiden at Apple na magkahawak ang mga kamay. Napatingin si Yna sa kamay nilang magkahawak saka napangiti. Nasabi nito sa isip na sa wakas ay okay na din ang dalawa. Napatingin ito kay Apple dahilan para mahiya siya dahil noong isang gabi lang ay para siyang bata na walang tigil sa kakaiyak sa bisig ng mga ito dahil sa pag-aaway nila ng binata tapos ngayon… “Ayos na kayo?” gulat na tanong ni Gretchel na lumapit sa kanila. “Nagkabalikan na ulit kayo?” Tumango naman siya. Napalakpak ito sa sobrang saya saka napatingin kay Yna na papalapit pa lang sa kanila. “Narinig mo ‘yon, Yna? Okay na sila, nagkabalikan na sila.” Naiiling ito sa kaibigan dahil parang bata. “Anong narinig ang pinagsasabi mo? Hindi nam

