“Nababaliw ka na ba, Aiden?” Pinamewangan ni Apple si Aiden habang namimili. “O sadyang shopaholic ka lang talaga?” Napa-cross arm siya. “Hindi ko alam na may lalaki din pa lang shopaholic, akala ko kasi babae lang.” Dinala na naman kasi siya nito sa isang dress shop at namimili ang binata ng magagandang dress saka ipapasukat sa kanya. Ilang beses na siyang pinasukat ng damit nito at sa tingin niya ay hindi pa din nito nakikita ang perfect dress na hinahanap nito. Hindi naman kasi siya kagandahan at kaputian na babae na kahit anong ipasuot ay babagay sa kanya. Kaya sigurado siyang mahihirapan talaga si Aiden sa paghahanap ng damit na babagay sa kanya. “How about this?” Napasapo siya sa noo dahil parang hindi siya nito pinapansin. “Here. Try this one.” Ibinigay nito sa kanya ang isang dre

