Nagising si Apple nang makaramdam siya ng uhaw. Napatingin siya sa anak na mahimbing na natutulog. Inayos niya muna ang kumot nito bago dahan-dahan na bumangon para hindi magising ang anak. Napatigil siya nang bahagya itong gumalaw at nagpatuloy lang siya sa pagtayo nang bumalik na ito sa pagtulog. Nakahinga siya nang maluwag dahil hindi ito nagising. Lumabas na siya ng kwarto saka bumaba patungo sa kusina. May mineral naman sa kwarto nila para hindi na nila kailangan lumabas kapag nakakaramdam sila nang uhaw, pero hindi niya kasi napansin na ubos na pala ‘yong tubig nila. Nakalimutan niyang uminom pala ang anak niya kanina bago natulog at dahil sa pagod ay nakalimutan niyang lagyan ulit ito at nakatulog. Nang makarating sa kusina ay uminom na siya ng malamig na tubig saka binalik sa ref

