Tinulungan ni Apple si Robert na ibaba ang mga pinamili nila kanina sa grocery. Medyo natagalan sila dahil naglibot-libot din sila dahilan para kahit papaano ay mawala sa isip niya ang nasaksihan kanina. Bigla na namang sumama ang mukha niya ng maalala ang nakitang paghaharutan kanina ng dalawa. Talagang sa harapan pa niya, ha? Hindi man lang hinintay na umalis siya bago nagharutan. Ngayon ay parang hindi na siya naniniwala sa binata at sa tingin niya ay isa talaga ito sa mga womanizer. Na kagaya ito ng mga kaibigan nito na maraming babae. Ayaw lang nitong malaman niya. Naalala niya ang sinabi ng babae kanina kay Aiden. Hindi kaya, nagkita ang dalawa nang mga gabi na hindi umuwi ang binata dahil kuno sa trabaho? Tss! Nakikipaglandian pala sa iba ang binata. Nag-alala pa siya na baka magk

