Napatitig si Apple sa seryosong mukha ni Dylan habang hawak ang kamay niya. Tinitingnan niya kung seryoso ito sa pinagsasabi nito sa kanya. Bumibilis ang t***k ng puso niya. Bakit kaya? Minuto silang nagkatitigang dalawa saka siya tumawa at binawi ang kamay niya mula sa pagkakahawak nito. “Gago!” natatawa niyang sabi habang naiiling pa. Kinuha niya ang stick saka tinusok ito sa kwek-kwek at kinain ito. Naiiling pa din siya habang iniisip ang sinasabi nito. Kahit kailan talaga ay puro kalokohan ang binata. Palagi na lang siya nitong pinagtitripan. “Bakit?” Napatingin siya dito at napakunot-noo sa naging tanong nito. “Anong bakit?” “Bakit ayaw mong maniwala sa akin?” Tinapik-tapik niya ang balikat nito. “Kasi po womanizer ka. Galawan ‘yan ng mga katulad mo. Sasabihin na hindi ka sasak

