Nakatulugan na lang ni Apple ang paghihintay kay Aiden. Hindi niya alam kung anong oras na siya nakatulog basta ang alam niya ay nakatulog na lang siya ay hindi pa din nakakauwi ang binata. Nagising siya at kinapa ang kama at napabangon ng wala siyang makapa doon. Napatingin siya sa pwesto ni Aiden at mukhang wala siyang nakatabi sa pagtulog. Bumangon na lang siya saka pumasok sa banyo para maligo at magbihis. Nang matapos ay kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang binata. Hindi niya ito matawagan dahil naka-off ang phone nito na ikinapagtataka niya. Ni text man lang kasi ay wala siyang natanggap galing dito na mas lalong ikinapagtaka niya. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang kaba na nararamdaman niya ngayon pero pakiramdam niya ay may kakaiba sa binata. Wala na din namang nan

