Chapter 39

1604 Words

Nagising si Apple dahil nakaramdam siya ng uhaw. Kaya naman bumangon siya saka sinuot ang tsinelas at lumabas sa kwarto. Dumiretso siya sa kusina saka kumuha ng baso at sinalinan ito ng malamig na tubig na nanggaling pa sa ref. “Ahhh…” Nakahinga siya ng maluwag ng mawala na ang uhaw na nararamdaman niya. Napapikit na lang siya dahil sa sarap. Nagsalin siya ulit ng malamig na tubig saka ininom ito. “Sarap talaga ng malamig na tubig kapag uhaw na uhaw ka.” Nilagyan niya ng tubig ang pitsel saka binalik ito sa ref. Hinugasan naman niya ang basong ginamit saka binalik sa lalagyan. Habang nagpupunas siya ng kamay ay may narinig siyang ugol ng sasakyan. Napakunot-noo siya. Hindi pa pala umuuwi ang binata? Sinilip niya ang parking lot para makomperma kung ang sasakyan ito ng binata at ito nga.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD