Wala ang tsyahin na si Sheila kaya ang nagbabantay sa paninda ay sila lamang ng pinsang si Glaiza. Pero wala namang problema sa kaniya.
Darating kasi ang anak ng tsyahin na si Lester galing Israel kaya kailangan nitong salubongin.
“Sa wakas! Mabilis naubos ang talong.” Anang Glaiza bago umupo.
Napalingon si Maribeth dito.“Thank you.” Umupo katabi nito.
“Insan, may pasalubong kaya si Kuya Lester sa atin?” Tanong nito.
“Ewan ko insan, ang sa akin lang makita ko ang personal niyang mukha. Sa picture ko lang kasi siya nakita.”Sagot niya.
Tumango ito“So, uwi na tayo?” Anyaya nito sabay tayu.
Tumayo rin siya.“ Tara.”
~~~
“Kumusta Hijo? Aminin mo may asawa na ba?” Tanong ni Rodulfo sa balikbayang si Lester. Anak ito ng kaniyang Ate.
Pino namang napatawa ang binata.“Just wait tsyong, ipakikilala ko agad sa inyo pag meron na.”
Lester Ramos, ang nag-iisang anak ni Sheila Ramos na nakakatandang kapatid ni Rodulfo Ramos. Walang ama. Sa edad na dise nuwebe, naisipan nitong mangibang bansa.
“Welcome home, kuya Lester!” Sabay na sigaw ni Maribeth at Glaiza pagpasok sa bahay.
Lumingon naman ng sabay ang mga ito sa kanila.
“Ohh, naalala mo ba anh mga pinsan mo?” Tanong ni Rodulfo sa pamangking lalaki.
“Syempre.” Tumayo ito at lumapit sa dalawang dalaga.“ Ito si Glaiza Ramos, anak ni Tsyong Simon.” Wika nito sabay yakap kay Glaiza.
“At ito si Maribeth Ramos, anak ni Tsyong Rodulfo.” Wika ulit nito tsaka niyakap si Maribeth.
~~~
Pilit ipikit muli ni Luke ang mga mata upang muling matulog. Naiinis siya kung sino man ang sumisigaw kanina ng ‘Welcome Home!’. Naisturbo tuloy ang kaniyang tulog.
Kinuha niya ang unan at itinakap iyon sa kaniyang tainga.
~~~
“Sus! Ganoon po ba? Sayang naman.” Si Glaiza, nagtanong kasi ito kay Lester kung nasaan na ang ikinukwento nitong nobya.
Napangiti naman ang binata.“ Glay, wag kang mag-alala, marami pa namang--”
“ Mga babae na nakatadhana? Kuya, luma na yan, mermoryado ko na script mo.” Putol ni Maribeth sa sasabihin nito.
Naka-upo silang lahat, nag-uusap, nagtatanong at sumagot sa buhay na meron sila.
“May ganoon talaga.” Nakangiti nitong wika,“Anyway, maari nyo ba akong ilibot sa lugar na ito. Medyo nakalimutan ko na kasi ang kabuuan nito.” Inilibot nito ang paningin sa paligid.
Sabay namang tumayo ang dalawang dalaga.
“Pero bago muna ang paglilibot, tanghalian muna.” Anang Sheila na papalapit sa kanila na may dalang pagkain. Kuma-kain pa kasi ang mga boarders kaya idineretso ng tsyahin ang pagkain sa sala.
“Tama baka sa paglilibot ninyo, makaramdam kayo ng gutom.” Wika naman ni Betty kasunod nito ni Sheila.
Panay tango naman sila bago nagsimulang mananghalian. Pagkatapos nagsitungo muna ang dalawa sa silid upang magbihis. Naka-upo namang naghihintay si Lester sa dalawang pinsan. Umalis din ang ina, tsyahin, tsyohin ng binata dahil may asikasuhin pa raw ang mga ito.