CHAPTER 5:LIER

688 Words
Tok. Tok. Tok. Bumangon si Luke upang pagbuksan ang kumatok at tsaka kailangan niyang maging magalang sa mga tao sa bahay dahil ayaw niyang ma-out of space roon. “Bumaba ka kung gutom ka, pwede na ‘ring magpalipas gutom ka.” Agad na wika ni Maribeth pagbukas ng pinto. Hinagod muna ni Luke ang tingin ng dalaga bago magsalita. “Sege.” Sagot niya at akmang isara ang pinto ngunit agad naman iyong pinigilan ng dalaga. “Hoy! Mr. Yabangers. May dapat ka munang malaman.” Hinawakan ng dalaga ang doorknob kaya napigilan ang pagsara. “May dapat kang rules na susundin. Una, dapat maging magalang ka sa lahat, bawal bastos. Pangalawa, magbayad ka ng upa per month. Pangatlo, bawal sapatos rito, tsenilas pwede. Pang-apat, 'yung labad mo, problema mo. Panglima, bawal magsuot ng seksi at hot tingnan, marami ditong torpe at gaga. Pang-anim, maglagay ka ng excuse sa pinto upang hindi kami basta-bastang papasok sa unit mo. At pang-pito, bawal mayabang!” Inirapan ni Maribeth ang binata bago tumalikod. Napa-isip si Luke sa rule no.7 “Bawal mayabang” “Bawal mayabang? Eh kung tutuusin pananalita mo pa lang, kayabangan na ang dala. ” Aniya sa isipan bago isara ang pinto. Bumalik siya sa ayos kanina. Dumapa siya sa kama na nakatulala. Nang makaramdam siya ng sakit sa dibdib, bumangon siya at lumabas ng silid. Paglabas, naabutan niya ang dalaga na may dala-dalang kulay asul na kurtina. Cute nitong tingnan pero naiinis siya sa kayabangan nito. “Ohh ito kurtina.” Inabot nito sa kanya ang dala. “ Just put it in my room. I know how to usa that.” Aniya at nagpatuloy sa paglalakad. Niliitan muna ni Maribeth ang papalayong binata sa ina-asal nito. Umiling-iling muna siya bago pumasok sa silid at dali-dali ring lumabas. ~~~~ “No! I need my son!” Nanlulumong sigaw ni Carol sa mga maids. Labis na pag-alala ang kaniyang nadarama nang hindi makita ng mga utusan ang kaniyang anak. Hindi niya rin ito ma-contact. “Señora, relax lang po kayo.” Pagpapakalma sa kaniya ng baklang katiwala na si Roxx. Tumabi ito sa kanya sa pag-upo sa bangkong gawa sa kahoy. “Roxx, papaano ako mag-re-relax kung hindi ko na alam nasaan ang anak ko? ” Aniya. “Señora, isipin niyo na lang ho na need ng anak niya ng space.” “Space? Bakit? Nag-away ba kami? Bakit niya kailangan ng space? Sabagay baka dahil sa paglipat-lipat ko kaya siya umalis ng palihim... Pero labis na akong nag-aalala sa kaniya. Roxx, makasarili ba akong ina? ” Tanong niya sa katabi na mabilis nitong sinagutan ng pag-iling. “ So, bakit umalis siya ng hindi ko alam? ” “Siguro, Señora may tamang dahilan iyang tanong mo pero sa ngayon kailangan mo ring alagaan ang kalusugan mo.” Tumayo si Roxx upang puntahan ang mga kasambahay. Naiwan namang naka-upo si Carol upang ukayin ang tamang dahilan. ~~~ “Ang gwapo niya... Ahmpp... So hot! ” Tili na naririnig ni Maribeth sa mga babae na nakatuon lamang ang tingin at pansin sa binata. “I-imbitahan ko siya mamaya sa kwarto ko, I'm sure magaling siyang magpaligaya. ” Wika ng isa na naka-green v-shirt. Nanliit naman ang mata ng naka-blue.“Ano? Sa aking siya mamaya because I know pandederihan lang kayo dahil sa malatuko niyong mukha.” Tumaas ang isang kilay ng naka-white, “Excuse me? Dinadamay mo ba ako? ” “ Hindi” Sagot agad ng naka-blue. “ So bakit may ‘kayo’ sa sinasabi mo? ” Mula sa isang sulok, umiling-iling si Maribeth bago puntahan at lapitan ang mga ito. “ Hi, may problema ba? ” Tanong niya. “ Siya kasi Miss, dinamay ako. Sinabihan ba namang malatuko ang mukha namin.” Sagot ng naka-white sabay turo sa naka-blue. “ Edi, Sorry, tao lang nagkakamali.” wika nito. " Ahmm, mawalamg-galang na. Ganito kasi yon. May bata kasing pinapatulog ang isa nating kasama dito sa bahay. Baka maka-istorbo lang tayo pag-pa-awayan pa ito ano? ” Paliwanag niya kahit ang totoo naman, nagbakasyon pa ang sinasabi niyang kasama nila. Nagsisipagtango ang tatlong dalaga bago bumalik sa kani-kaniyang pwesto kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD