“Kalabasa, nagpapalinaw ng mga mata at sa pagtingin upang hindi umasa, kaya kalabasa, mura lang!” Pagsisigaw ni Maribeth upang mapansin ng mga mamimili ang kaniyang tinda.
“Ibahin mo ang isinisigaw mo diyan Ineng, upang mapansin. Alam naman nating sa lahat ng taga-rito, ikaw lang sa pag-ibig hindi sigurado. ” Anang pinsan niyang si Glaiza na dati ring nabigo pero nagmahal ulit.
Nilingon niya ito.“ Kalabasa! Kalabasa! Magiging tukmol ang hindi bibili ng kalabasa!” Natawa pa ito sa isinigaw niya.
“ Ang isigaw mo, ‘Kalabasa para sa malinaw na tadhana’. ” Sabad rin ng tsyahin. Nilingon niya rin ito.
“ Tama si tsyang, ganun dapat.” Pagpapanig ni Glaiza.
Sumimangot siya kung bakit siya pa ang napiling taga-sigaw ng kanilang mga paninda.
Inirapan niya ang dalawa at akmang sisigaw ulit.
“ Oppsss..... Ngumiti ka muna.” Pahabol na tugon ng tsyahin.
“ Kalabasa! May ginto sa kalabasa! ” Napangiti siya dahil naisip niya ang isang paraan. Magsinungaling!
“ Iniksamen ng mga eksperto, tig bayente otse ngunit kung makita ang ginto, magiging milyon sa bangko!”Pagpapatuloy niya.
“ Hoy! Anong isinisigaw mo riyan?” Kunot-noong tanong ni Sheila- tsyahin sa kaniya.
“ Tama iyan insan. Kung maniniwala sila na may ginto sa kalabasa edi doble kita.” Pagpapanig ng pinsan. “ Kaso problema ang reklamo.....Naku! Ineng mahirap na. ”
Tinatakot ba siya ni Glaiza? Napalunok ng dalwang beses si Maribeth sa sinabi ng pinsan.
“It's a prank! Prank! ” Talagang naipadaan niya sa biro nang mapansin niyang nagsilapit ang mga mamimili sa kanilang puwesto.
Nagsilapit din ang mga tindera upang susihin kung totoo ba talagang may ginto.
Lalo siyang kinabahan kaya sumigaw ulit siya.
“Uy mga guys, prank lang iyon kayo naman 'di mabiro!” Aniya.
Pero tila ba ito'y mga bingi't hindi siya pinansin ng mga ito palibhasa'y nakatingin ito sa mga naka-display na mga kalabasa.
“ Ale, magkano ho? ” Tanong ng isang babae.
Ngumiti naman ang kaniyang tsyahin at sumagot, “ 28 pesos lang, hija.”
“ Tatlo ho sa'kin.” Wika ng babae sabay kapa sa bitbit na shoulder bag.
Lalong nakaramdam ng kaba si Maribeth.
“ Ate, tatlo ho?” Tanong pa niya sa babae.
“ Bakit? May problema ba? ” Kunot-noong balik-tanong ng babae.
“ Naku hija, 'wag mong pansinin itong pamangkin ko. Magugulatin talaga siya pagnabenta boses niya. ” Inabot nito ang malaking ecobag sa babae tsaka siya kinindatan.
Pagkatapos ng bayad at pag-alis ng babae, nilapitan siya ng tsyahin.
“ Hindi sila naniwala 'neng. Himinga ka diyan.” Bilin nito bago pagtuunan muli ng pansin ang mga mamimili.
Nakaahinga siya ng maluwang. Buti na lang at hindi naniwala ang mga ito. At kung maniwala man, naku! Lagot siya sa kaniyang Itang.
Nagkadating-dating ang mga mamimili, pa-ubos na rin ang kanilang paninda. Effective pala ang sinigaw niya pero nakakakaba.
Umupo si Maribeth dahil hindi na rin kailangang ipaglandakan pa ang kalabasa. Nagsisi-uwian na rin naman ang ibang mga tindera. Kaya wala nang maraming kakompetensya.
“ Hindi ka ba uuwi 'neng? ” Tanong ng kaniyang tsyahin.