CHAPTER 3:AKSIDENTE

521 Words
Labis na sinunod ni Luke ang pagturo ng matanda. Ngunit si naman niya maiwasang maiba ang daan. Ngayon, paatras niyang minamaneho ang kotse. Eean ba niya, naiwala niya sa isipan ang sinabi ng matanda. “Lolo, 'wag mo naman akong paglaruan.” Wika niya sa hangin. Now, he's getting crazy. Kinakausap ang wala. “ Lolo, I said please-.” Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil may kung anong bagay o hayop ang humamoas sa likurang bahagi ng sasakyan. Medyo makulimlim na rin ang paligid kung kaya't wala siyang ideya sinong naglakas-loob na gambalain siya. Napasapo siya sa kaniyang noo. Talagang sinusubok siya ng Lolo... Walang alinlangang bumaba si Luke sa kotse at laking gulat na lang niya ng binato siyang isang babae ng maliliit na mga bato na nasa kinatatayuan nito. “ Ouch! Stop that!” Pag-aawat niya. “ Ingles-ingles... Nasa pinas ka oi!” Galit na wika nito at patuloy pa rin sa pambabato. Ginamit ng binata ang kaniyang braso bilang panangga. “ Ano bang nasa isip mong babae ka!?” Tanong niya. Napatigil ito't muling hinampas ang kotse. “ Ano bang nasa isip ko? Ano nga ba? Hoy Bruho! Muntik mo lang naman akong mapatay! Nagtatanong ka pa.” Pagsisisisgaw nito. Lumapit si Luke. “ Pwede bang tigil-tigilan mo ang panghahampas mo sa kotse baka magasgas iyan.” Bilin niyang nakatapat ang kilay. Hindi naman napigilan mapahalakhak ni Maribeth. “ Weh, gusto mo sa mukha mo na lang ako manghampas?” Hindi naman napigilan ni Luke na mainis muli. “ Babayaran kita, sabihin mo magkano. ” Kinuha niya ang wallet at nagbilang ng pera. “ Hoy!” Sigaw ni Maribeth na nagpatigil sa pagbibilang ng binata. “ Hindi ako mababayaran! Mas mahal pa sa mga lupain ang katawan ko, hijo! Kung ito'y magasgas, naku! Babalatan talaga kita ng buhay!” Pagbabanta niya at tinuro ito. Ngumisi si Luke, “ Eh hindi ka pala nagkaroon ng sugat. Sus, OA mo lang.” Ibinalik niyang isinuksok ang wallet sa bulsa.“ Kung ako sa iyo, Miss, mananahimik na lang ako.” Tumalikod si Luke at akmang papasok muli ng kotse. “Ano? Ganon-ganon lang? At excuse me! Hindi ako O-A! ” Humarap ang binata. “ Yes, ganon lang kadali iyon. At ano bang itatawag ko sa iyo? Sungit! ” “ Alam mo, madali naman akong kausap pag nag-sorry ka eh. ” “ Kung lulubod ka saka ako magso-sorry.” Pagmamatigas ng binata't pumasok na sa sasakyan. “ Yabangers!!!” Muling sigaw ng dalaga. Napa-iling naman ng ulo si Luke bago pina-andar ang kotse. “ Ang tapang! Parang aksiyon star, Ang lupit!” Aniya sa isipan. ~~~ “ Arrghh!” Gigil na sambit ni Maribeth matapos inaalala ang naka-inisan. Napansin naman siya ng kaniyang Itang na si Rodulfo. “ Ohh? Ba't gigil ka diyan, anak?” Naka-upo ito sa mesa kung saan binibilang ang kita kanina sa Palengke. “ May problema ba anak?” Tanong naman ng kaniyang Inang na si Betty. Naka-upo ito katapat ng asawa Umiling siya't tumayo.“ Huwag niyo akong intindihin 'nang, 'tang. Magtutuos rin kami n'on.” Timalikod siya sa mga ito at pumasok sa kaniyang silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD