CHAPTER 18

1191 Words
xx [Allyza POV] Masakit ang ulo ko nang magising ako. Kinusot kusot ko ang mga mata at napagtanto ‘kong nasa kwarto ko pala ako. Panaghinip lang ba yung mga nangyari? Nag unat ako ng katawan at naka ngiting tiningnan ang sarili sa salamin. “I look mess today.” Sabi ko sa salamin. Naligo ako at nag bihis ng pang bahay. Wala naman akong pupuntahan, mag mumukmok nalang ako buong araw dito sa bahay. Parang ayaw ko nalang lumabas ng kwarto at makita si Ace. Ngunit wala akong choice, nasa iisang bahay lang kami. Bigla akong naka ramdam ng gutom. Nang nasa kusina ako ay nakita ko si Mr. Tan na kinakausap ang isang katulong. Siguro ay magkaibigan sila? O baka naman may inuutos si Mr. Tan sa kaniya. “Tama ba yung narinig ko na si master Ace ang nag uwi kay ma'am?” rinig kong tanong nito kay Mr. Tan Kumunot naman ang noo ko. ‘Ano bang pinag-uusapan nila?’ Gusto ko tuloy maki chismis. “Nakita ko nalang na buhat niya-” Napahinto si Mr. Tan nang makita ako sa pinto ng kusina. “K-ayo po p-ala madam.” nauutal na sabi nito. Ngumiti nalamang ako at lumapit sa kanila. Amo'y na amoy ko ang mabango’ng niluluto nila. Biglang tumunog ang tiyan ko, nagugutom na talaga ako. “Ano pong meron? Siyaka ano po yung pinag uusapan niyo Mr. Tan?” Tanong ko. Nakita kong sopas ang niluluto nila. My favorite!! Parang nag ningning ang mga mata ko. Hindi sila umimik kaya kumuha nalang ako ng mangkok at isang kutsara. “Luto napo ba yan manang? Nagugutom napo kasi ako.” sabay paawa ko sa kaniya. Napatingin ito kay Mr. Tan “Para po talaga sa inyo ‘yan madam.” Saad nito. “Talaga? Thank you po, ahmm luto na nga po ba yan?” sabay himas ko ng tiyan. Parang lalabas na ang alaga ko sa tiyan. “Opo ma'am,” kinuha ni manang ang mangkok ko at sinalinan ako. “Hinay-hinay lang po ma'am, mainit pa ho iyan.” Paalala niya. Tumango naman ako at inihipan ko muna ang nasa kutsara at siyaka ko kinain. Ansarap!! “Ipinaluto po ‘yan ni Master Ace para sa inyo madam.” biglang singit ni Mr. Tan Napahinto naman ako sa pag kain at gulat na tumingin sa kaniya. ‘Pinaluto niya para sakin?’ Impossible. Anang utak ko. Nananaghinip bako? “Nako Mr. Tan, wag naman ho kayo mag biro ng ganiyan.” natatawang sabi ko. Pero mukang hindi nga siya nag bibiro. “Totoo?” gulat kong sigaw? Napatakip ako ng bibig at di maka paniwalang tumingin sa sopas. Pinaluto niya talaga to para sakin? Nagmadali akong inubos ang nasa mangkok at humingi‘ng muli. Maluha-luha ako habang kumakain, iniinda ko kahit medyo mainit pa. Ayokong may matitira sa ipinaluto ni Ace para sakin. Once in a blue moon lang to. “Dahan-dahan po ma'am, baka pumutok po ang tiyan niyo, halos tatlong mangkok napo ang inubos niyo.” nag aalalang sabi niya. Ngumiti ako sa kaniya at patuloy parin sa pag kain. Nakaka touch naman, nag pa luto talaga siya para lang sakin. Eh bakit sopas? Bakit di breakfast? “Bakit ho ba kayo nag lasing kagabi madam.” Napahinto ako sa pag kain at takang tumingin kay Mr. Tan “Lasing?” Takang tanong ko. Wait! Yung panaghinip ko, hindi kaya. . . . hindi kaya nangyari talaga yun? Napa hilamos ako ng muka. Lasing bako kagabi? Pero ang naaalala ko nasa bar ako habang umiinom kami ni Dos tapos nasa park ako tapos kausap ko si Drey tapos. . . . tapos. . . . hindi ko na matandaan ang nangyari. “Si Drey po ba ang naghatid sakin kagabi? Hindi ko na po kasi maalala.” napakagat labi ako. Bakit pa kasi ako nag paka lasing. “Si Master po ang naghatid sa inyo.” Nakahinga naman ako ng maluwag. Buti nalang at si Dos ang naghatid sakin, nako kung si Drey ang naghatid sakin baka kung ano pa ginawa sakin ng lalaking ‘yon. Wala talaga akong tiwala kay Drey, medyo may pagka siraulo pa naman siya. “Umalis din po ba si Dos pag kahatid niya sakin?” Tanong kong muli. “Really, huh?” Boses ng lalaking naka sandal ngayon sa pinto ng kusina, madilim itong naka tingin sa‘kin. Napalunok ako ng ilang beses, he's so hot today, I mean everyday pero now parang mas naging masculine yata siya? o ngayon ko lang napansin dahil ngayon ko lang siya nakitang naka sando. Agad namang umalis si Mr. Tan at manang, mukang natakot sa aura ni Ace. Nag lakad ito patungo sa ref at may kinuhang energy drink. Habang ako tahimik lamang na nakatingin sa kaniya. Sinusundan ang bawat galaw at ginagawa niya. He's so freaking hot. Napalunok akong muli at binaling ang attention ko sa sopas na nasa mangkok. Busog na ako, para nakong maduduwal, hindi na yata kaya ng tiyan ko. “Say it again.” Mahinang boses nito at ininom ang hawak niyang energy drink. Anong sabi niya? Hindi ko masyadong narinig. “H-huh?” Nanginginig na tanong ko. Tinaasan niya ako ng kilay. “I thought you're not deaf.” “Ano nga kasi yung tanong mo?” I need to be strong to have a conversation with him. Ayokong mahina kapag nag uusap kami, lagi kasing nanginginig ang boses ko. Para kasing halimaw ang kausap ko ngayon, isang maling galaw ko ay parang sasakmalin niya agad ako. “Sino ang nag hatid sayo?" Yun ba ang tinatanong niya kanina? Sino pa nga ba ang maghahatid sakin, si Dos lang naman ang kasama kong uminom kagabi at si Drey ang kasama- Impossible namang si Drey, kakasabi lang ni Mr. Tan kanina na si Master daw ang nag hatid sakin. Si Dos nga ang nag hatid sakin pauwi kasi napaka impossible talagang si- “Cat got your tongue? Tsk.” He rolled his eyes on me at akmang aalis. “Si Dos?” tanong na sagot ko. “Your unbelievable.” Di maka paniwalang sabi nito. May galit sa tono ng boses niya. ‘Eh totoo naman e, si Dos naman talaga. Alangan namang siya? Pumuti na siguro ang uwak bago niya gawin yun. Lumapit ito sa kinaroroonan ko at padabog na hinawakan ang mag kabilang gilid ng silya kong saan ako naka upo. Ilang dangkal nalamang ang layo ng mga muka naming dalawa, amo'y na amoy ko ang energy drink nito. Parang kumakarera ang t***k ng puso ko. “Kung hindi mo kayang uminom, wag kanang uminom! Sakit ka sa ulo.” Sabi nito. Para akong nalulunod dahil sa bango ng energy drink nito na nanggaling sa hininga niya. Hindi ako maka galaw at makapag salita. “H-hindi naman a-ako lasing kagabi.” Wala sa sariling sabi ko. Di maka paniwalang umiling ito. Mas inilapit nito ang muka niya. Ngayon isang maling galaw ay tuluyan na kaming maghahalikan. Halos hindi ako humihinga. “If you do that again, I swear Allyza, you will end it up on my bed, naked, moaning and begging."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD