CHAPTER 19

1228 Words
xx [Allyza POV] “Ehem.” Rinig kong boses ng isang lalaki. Agad naman akong napatayo at lumayo kay Ace. Nakaramdam ako ng hiya ng makita ko ang isang lalaki na na naka tayo sa harap ng pinto. Hindi ko ito kilala. “Did I bother you two?” May panuksong ngiti ito sa mga labi. “Tsk.” Tanging rinig ko mula kay Ace. Kunot noo lamang akong naka tingin sa kanilang dalawa. “Ohh I forgot, hi Ally. My name is Jake your husband friend from far far away.” He laugh after he introduce himself. Gwapo ito at mukang may lahi. Anlaki din ng katawan, mukang laging batak sa gym. “Hi.” Bati ko at pekeng ngumiti. Nahihiya parin ako. “So. . . . you both ready for tonight?” Napataas ang kilay ko. Ready for what? Siyaka tonight? Anong me-- wait! Mamaya na ba ang party? “Don't tell me you forgot about the party,” Ani Ace. Umiling ako at naiilang na tumawa. “A-ako? Haha hindi ah. Naka ready na nga lahat ng kakailanganin ko.” Pag sisinungaling ko. Madilim lamang ang muka ni Ace, mukang hindi siya kumbinsido. At tumango-tango naman si Jake. Napalunok ako at humakbang patungo sa pinto. “May tinawagan ako para may mag ayos sayo. Go get a shower.” saad ni Ace. Nagulat naman ako, talaga? May mag aayos sakin? Palihim akong ngumiti at tumango. “S-sige. T-thank you.” Bago pako umalis ay binigyan ko siya ng ngiti. Nang maka rating ako ng kwarto ay Napa hilata ako sa kama. Ano bang nangyayari? Bakit parang ang bait ni Ace ngayon? Bakit bigla siyang nagbago? Kinikilig na sinusuntok ko ang unan. Hindi kaya mahal niya na ako? Napa sigaw ako at masayang pumasok ng banyo. Kumakanta ako habang naliligo at hindi maiwasang mapangiti. "If you do that again, I swear Allyza, you will end it up on my bed, naked, moaning and begging." Parang bumabalik sa utak ko ang sinabi ni Ace kanina. Ano bang ibig sabihin ng sinabi niya? Bed? Naked? Moaning at Begging? Napalunok ako at ramdam kong umiinit ang muka ko. Ang bastos pakinggan pero bakit parang na eexcite ako? Sinampal sampal ko ang muka ko. Mali ang iniisip ko. Hindi magagawang sabihin ‘yon ni Ace. Pero sinabi niya na kanina. Hayssst! Naguguluhan ako. Si Ace ba talaga ang nag sabi non kanina? Tinapos ko na ang pagliligo at tinuyo ang buhok gamit ang blower. Tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang message ni Tita. (“See you at the party, Darling.” Kinabahan tuloy ako. ‘Paano kung hindi naman talaga ako ang kasama ni Ace mamaya?’ Sadyang assuming nanaman ako. Paano nga talaga kung hindi ako at si-- Naputol ang pag iisip ko nang may kumatok sa pinto. Agad naman akong lumabas ng banyo at binuksan ang pinto. “Good afternoon po ma'am, kami po ang mag aayos sa inyo.” naka ngiting bati ng isang babae, may kasama din itong dalawang beks. “Ah. . w-wait lang mag bibihis lang ako.” Nahihiyang sabi ko. Naka tapis lang kasi ako ng tuwalya. I closed the door at dali-daling nag hanap ang undergarments sa kabinet ko. May nakita akong pares ng black panty at black na tube. Medyo dairing pero okay nato. Wala namang makakakita. Siyaka bagay ang tube sa damit ko. Nang matapos na akong mag tapis ng robe ay binuksan ko na ulit ang pinto at pinapasok silang tatlo. May mga bitbit silang mga case at tig-iisa talaga sila, it's a make up kit I think. Hindi naman kasi ako masyadong mahilig sa make up. Slight lang. Natapos din ang pag mamake up sa akin ng ilang oras. Medyo napagod ako sa kaka upo. Inayos din kasi ang buhok ko. “Ang ganda niyo po ma'am, parang miss universe po ang ganda niyo, pak na pak!” Saad ni Princess. Napatawa naman kami sa sinabi niya. “Pang model talaga, parang pang Paris model.” saan naman ni Dalhia. “Nako binobola niyo naman ako.” “Ay hindi po ma'am, tama ang sinabi ng dalawang yan. Napaka ganda niyo po, siyaka ang yaman pa. Parang isang tunay na prinsesa, hindi gaya ng iba diyan, parang fake princess.” Saad ng isang beks na si Freya. “Hoi maganda din ako no, kapag gabi nga lang.” Napatawa nanaman ako. Ang kukulit nilang dalawa. Laging nag babangayan. Nakakatuwa silang kausap. Alas kwarto na nang hapon ng matapos kami kaya agad ko na silang pinakain ng meryenda sa kusina, si Mr. Tan na ang bahala sa kanila. Ayoko namang bumaba at sumabay sa kanila dahil kinakabahan ako. Naka tingin lamang ako sa salamin at tinitingnan ang repleksyon ko. Hindi ko makilala ang sarili ko. This is not me! This is Allyza Vien 2.0 Biglang may kumatok sa pinto kaya napatingin ako dito. Sumilip si Mr.Tan “Madam, aalis na po kayo ni Master.” Sabi nito. “Ahh. . sige po Mr. Tan, bababa narin po ako.” Isasara na nito ang pinto ng huminto ito. “You look stunning madam.” Sabi nito at isinara ang pinto. Ngumiti ako. Talaga bang ang ganda ko? Well I'm always pretty and gorgeous naman talaga. Huminga ako ng malalim at huling sinilip ang sarili sa salamin. This is it! Kinuha ko na ang maliit kong Gucci bag at lumabas na ng kwarto. Maingat akong bumaba ng hagdan dahil baka matapilok ako at malaglag. Ayoko pang mamatay! Pero kung ganito ka ganda ako mamamatay, siguro pwede na. Napatingin ako kay Ace na may kausap sa cellphone. Naka talikod ito sa akin at halatang na strestress sa kausap mula sa kabilang linya. “I know, I will okay?” “Ehem. . . let's go?” Mahinang sabi ko. Nilingon naman ako nito. Napahinto ito at di nakapag salita. Kita ko ang pag tingin nito sa akin. Wala akong natanggap na sagot o salita mula sa kaniya. Nahiya tuloy ako, hindi naman siguro ako ganun ka ganda kasi wala man lang akong natanggap na compliment mula sa kaniya. “L-lets go.” nauutal na sabi nito. Tumango ako at nauna nang lumabas. Ngumiti si Mr. Tan at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse. Tahimik kami buong byahe. Isang oras bago kami tuluyang naka rating. Parang nagugutom ako. Hindi pa pala ako naka pag umagahan at tanghalian. Ramdam ko ang pag kalam ng sikmura ko. “Hey, you okay?” Ace asked. Naiilang akong tumingin sa kaniya. Sobrang gwapo niya kasi sa suot niya. Parang isa siyang prinsipe. Tumango nalamang ako at hindi sumagot. May ibinigay na card si Ace sa lalaking nasa harap ng gate. Agad naman kaming pinapasok. The house is huge at para itong palasyo sa sobrang laki. “This way Sir, ma'am.” Saad ng isang lalaki at inalalayan kaming maka pasok sa main door. Andaming mga tao sa labas palang, paano pa kaya dito sa loob. Pag pasok ay agad namang napatingin sa amin ang mga tao. I tried my self to smile all the time. Kita ko ang pag ningning ng mga mata nilang naka tingin sa aming dalawa. Syempre ang gwapo ng kasama ko, lahat sila napapamangha sa aking kagwapohan ni Ace. Parang gusto ko nalang umuwi dahil hindi ko ka level ang kasama ko. Langit siya tapos ako, hindi ko siya maabot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD