CHAPTER 20

1157 Words
xx Maraming nakipag kamay kay Ace at nakipag beso sa 'kin. Ang iba sa kanila ay pamilyar, may mga kakilala rin ako at meron rin'g hindi ko talaga kilala. Nakita ko si Tita sa stage at kinuha ang mic sa MC. "Good evening ladies and gentlemen. Welcome to Madrigals party. I hope you enjoyed the drinks." then she chuckled. Ang iba dito ay nakitawa narin. "I want y'all to know that my beloved husband is not here tonight, because he didn't make it." Pabiro ulit ni Tita. Ni minsan ay hindi ko pa talaga nakita ang Daddy ni Ace. Magkamuka kaya sila? "As always." rinig kong sambit ni Ace. Mukang naiirita at naiinis ito. "Let me introduce the heiress of Madrigals, my son. The one and only, Hanzo Ace Madrigal." Biglang napunta ang spotlight kay Ace. Nagpalakpakan naman ang mga tao. Hindi ko alam kung kukunin ko ba ang kamay ko sa braso niya. "With his beloved wife, Allyza Vien Guevarra." Saad muli ni Tita. Pati ako? I feel so akward, I don't have a choice kundi ngumiti habang patungo kami sa stage. Bumeso sa akin si Tita. "You look magnificent." Saad nito. "T-thank you, Tita." mahina at nahihiyang sabi ko. "Drop the Tita, hija. Call me mom." nakangiting saad niya. Parang maiiyak tuloy ako. Napaka bait talaga ni Tita, I mean ni mom. Ibinigay niya ang mic kay Ace at binigyan ito ng madilim na tingin. What's that? Bakit parang binabalaan niya si Ace? Naiwan ako kasama ni Tita, habang si Ace naman ay naglakad patungo sa gitna ng stage. "Good evening." Pormal na bati nito. Tahimik lamang ang mga tao, mukang nakikinig ng mariin sa kaniya. "Like my mother said earlier, I hope you enjoyed the party. And Sorry for disturbing your precious time for this event. I would like to have a tose. . . " may ibinigay na baso ng champagne kay Ace ng isang babae. "for the success of our partnerships." itinaas nito ang baso at ininom niya ito, ganun din ang mga taong nandito. They really respect Ace, I see that. "Enjoy." Huling sabi nito bago tuluyang umalis sa gitna at ibinigay kay Tita ang hawak nitong champagne at mic. "I want to rest." Saad niya at hinila ako patungo sa second floor ng bahay. Halos madapa ako kanina sa hagdan. Hindi niya ba naisip na naka heels ako? Ang hirap kaya mag lakad ng mabilis. Pag dating namin sa isang kwarto ay binitawan niya na ako. Umupo nalang ako sa kama. Habang siya ay parang problemado. Ano bang problema niya? Hindi kaya dahil kay Sofia? "Stay here, I'll be right back." Nagmadali itong lumabas. Naiwan akong naka tulala sa pinto. Bakit niya ba ako dinala dito? At ano naman ang gagawin ko dito, uupo buong gabi? Tumayo ako at tinungo ang pintuan, wala akong tiwala na babalik siya. Siguro pupuntahan niya si Sofia. Kaya siya nag kakaganun dahil kay Sofia. Nanlumo ako sa naiisip. Binuksan ko ang pinto at lumabas, dinala ako ng mga paa ko sa pinaka dulo na kung saan may maliit na terrace, kitang-kita mula rito ang madilim na baybayin. Nakakamiss maligo sa dagat. 'Hanggang kailan ba ako aasa na mamahalin din ako ng asawa ko?' Tanong ng isip ko. Ilang taon nakong umaasa, mula ng makilala ko siya umaasa na ako na sana balang araw magising nalang siya na mahal nya'ko. Na sana ako lang ang nakikita niyang babae sa mundo, na sana maging masaya kaming dalawa. Na sana bumuo kami ng pamilya. Naramdaman ko nalang ang luha kong lumalandas sa pisngi ko. Sobrang umaasa ako. Ilang beses na ba akong nasaktan. Desperada na nga siguro ako. Kapag ba pinakawalan ko siya, magiging okay kaya ako? "Hindi bagay sayo ang umiiyak." Nagulat ako ng may magsalita. Pamilyar ang boses nito. "Drey?" Hindi ko kasi makita ang muka niya. Masyadong madilim sa kinatatayuan niya. "Yeah, it's me." Rinig ko pa ang pagtawa nito. Pinahiran ko ang mga luha. Nakakahiya na makita niya akong ganito. "Ang saya-saya nila sa baba tapos ikaw para kang binagsakan ng langit at lupa." saad pa nito. "May iniisip lang ako." Tumabi ito sa akin at pareho kaming naka tingin sa madilim na kalangitan. "Do you still remember that I owe you a house." Kumunot ang noo ko. "You don't remember because you're drunk that time." he said. Tumango ako, may sinabi ba akong ganun? Hindi ko talaga matandaan. "It's under construction now, after a week it's fully done. Here's the key." May inilahad itong susi. Wala sa sariling kinuha ko iyon. "Bakit parang ang bilis naman?" nagtatakang tanong ko. Sa loob lang ng isang linggo tapos na agad? "I have my ways, besides I think you really need it. Wala nakong utang sayo, and if you need anything. . . I'm one call away Ally." Huling sabi nito at iniwan din ako. Nalilito akong tumingin sa susing hawak ko. Totoo ba to? Paano kung malaman to ni Ace? Hindi niya naman siguro malalaman kung hindi ko sasabihin. At ano naman ang pakialam niya? Mas uunahin niya pang isipin si Sofia kaysa sa bahay na ibinigay ni Drey. Sa tingin ko magagamit ko rin balang araw ang bahay na ibinigay ni Drey. Isang oras din bago ako bumalik sa kwarto na kung saan ako iniwan ni Ace. Kanina iniwan din ako ni Drey mag-isa. Siguro ganun talaga ang mga lalaki, laging nang iiwan. Pag pasok ko ay agad kong nakita si Ace sa maliit na sofa, may mga bote ng alak sa sahig. Kanina pa pala siya naka balik. Akala ko hindi na siya babalik. "Saan ka galing?" Kalmadong tono ng boses nito. Napalunok ako, mukang hindi maganda ang pagiging kalmado niya. "Nag pa h-hangin lang ako." Kinakabahan ako. Mukang naka ilang bote na rin siya. Lasing ba siya? Binuksan ko ang ilaw at kita kong matalim ang pag titig nito. Muli akong napalunok. Mali yatang binuksan ko pa ang ilaw. Wala itong suot na pang itaas. Nasaan na ang kaninang suot niya? Hinanap ng mata ko ang damit niya at nakita ko itong naka handusay na sa sahig. Hindi naba siya babalik sa party? Paano kung hanapin sya dun? I'm scared. I think he's drunk. "Really?" he chuckled sarcasticly. Tumayo ito at humakbang patungo sakin. Bawat hakbang nito ay siyang pag kalabog ng dibdib ko. "Diba sabi ko babalik ako? Isang oras kitang hinintay." matigas nitong pag kakasabi, mukang galit nga siya. At bakit hinihintay niya 'ko? "S-sorry." tanging nasabi ko. Kumakarera ang dibdib ko ng tuluyan na itong makalapit, amoy na amoy ko ang body wash at alak. "Your sorry is not enough." Hinawakan nito ang dalawang kamay ko at itinaas gamit ang iisang kamay. Isinandal niya ito sa pinto. I can't move. "A-ace." tawag ko sa kaniya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ako maka galaw. Mas lalo akong kinabahan. "You need a punishment." "Ano--" bago paman ako maka pag salita ay agad niya na akong siniil ng halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD