Chapter 4

923 Words
Hindi ako mapakali. Palakad lakad lang ako sa loob ng kuwarto at paulit ulit na sumisilip sa bintana upang tignan ang mga bantay kung wala na ba pero parang hindi sila nangangalay sa pag tayo mabantayan lang ako. Napaupo ako sa kama at napakuyom, kusa na ring tumulo ang luha ko at napahikbi dahil hindi ko akalain na sa isang gabi lang ay magbabago ang takbo ng buhay ko. Hindi ako makapaniwala na nandito ako ngayon sa lugar kung saan hindi ko alam kung makakaalis pa ba ako o kung ligtas ba ako. Mas lalo pa akong natatakot habang tumatagal ako sa lugar na to, hindi ako pwedeng manatili rito, baka hinahanap na ako nila Roxie at tita Rowena, isa pa baka matanggal ako sa trabaho ko.. Tumayo ako at muling inilibot ang mata ko sa paligid ng kuwarto, puro mga mamahaling paintings ang narito, chandelier, furnature at iba pa. Napahinto ako nang mapatingin sa isang maliit na mesa sa gilid. May mga nakapatong doon na bagay—isang relo, susi, at… Isang phone. Napalunok ako at napakuyom, dahan-dahan kong kinuha iyon, habang nakatingin sa pinto dahil baka may biglang pumasok. Pagkuha ko sa phone ay binuksan ko agad ito at laking pagtataka ko dahil pag swipe ko ng phone ay walang password ito. Sinubukan ko pa itong kalikutin pero walang kahit na ano sa phone hanggang sa bigla itong mag ring at muntik ko na itong mabitiwan dahil sa gulat. Binitawan ko ito at nakatingin lang sa screen habang nag riring hanggang sa tumigil ito pero ilang segundo lang ay muli nanaman itong nag ring kaya dali dli kong kinuha ang phone at dahan dahan kong inilagay sa tenga ko ang phone matapos kong sagutin ang tawag. “Save my number, and when i call answer immediately!” galit na sabi nito sa kabilang linya kaya napakunot ang noo ko. “You like my gift for you? That’s a one-to-one connection phone, thats means, you are mine and i am yours.” saad pa nito at dinig ko pa ang pagak na pagtawa niya sa kabilang linya “Anong ibig mong sabihin? Baliw ka na ba?” inis kong tugon pero tumawa lang ulit to kaya pinatay ko ang tawag. Ibinalik ko iyon sa pwesto at akma na sana akong lalayo ng biglang magbukas ang phone at nagulat ako na may nakaplay rito na parang footage. At nanayo ang balahibo ko ng makita ang nasa footage. Ako iyon, nakatayo sa tabi ng mesa habang nakatingin sa phone kaya parang kusang nanambot ang tuhod ko kaya tuluyan na akong bumagsak sa sahig at napasalampak. Inilibot ko ang paningin ko sa bawat sulok ng kuwarto pero wala akong makitang cctv, it means, may hidden camera rito, pero nasan? At sinong tao ang may mga bantay sa bahay? Biglang magkukulong ng babaeng hindi naman kakilala, phone na nakaconnect lang sa phone niya at… ngayong may hidden camera Sino ba talaga siya? Paano ako nangyari na magkasama na kami? Ano ba talaga ang nangyari?! “Kayo na bahala dyan, basta bayad na kami ni mama” Napahawak ako sa ulo ko ng muli kong marinig ang salitang yun, ang boses na yun.. Hindi ako pwedeng magkamali… kay Roxie ang boses na yun.. Muli akong napahawak sa ulo ko ng may bigla nanaman pumasok sa isip ko… parang red room, at muli ko nanamang nakita ang matanda hanggang sa bigla na lang napunta sa tumatakbo na ako. “Ahh ang sakit!” daing ko dahil sa sakit ng ulo ko bigla napahiga na ako sa sahig dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. “Morisette!” dinig kong sigaw mula sa pinto na kabubukas lang at nakita ko pang papalapit sakin ang lalaking kausap ko lang kanina sa phone. Isa pa ito sa iniisip ko… kung bakit alam niya ang pangalan ko. Naramdaman ako ang biglang pagbuhat niya sakin at inilapag ako sa kama. Hinubad niya rin ang suot niyang sando kung saan naghihimutok ang kakisigan ng katawan niya. Pag hubad niya ng damit ay bigla na lang niya itong pinunas sa mukha ko, at hindi ako pwedeng magkamali sa nakikita ko sa mata niya… hindi lang yun basta pag aalala kundi takot. “Damn it! Joseft! Joseft!” paulit ulit nitong sigaw habang ang kamay niya na may hawak na damit ay nasa mukha ko pa rin. Hanggang sa dumating ang isang lalaki na naka black shirt at hingal itong lumapit sa lalaking may hawak sakin “Call the Doctor Minares, Now!” sigaw nito at agad naman sumunod si Joseft. “M-may masakit ba sayo? The f**k! Bakit bigla ka nalang natumba sa sahig?! Hawak mo ang ulo mo kanina, masakit ba ang ulo mo? Damn it!” taranta nitong sabi na imbis ikatakot ko ay ikinagulat ko dahil ngayon lang may nag alala sakin ng ganito… Bago pa ako makapag react ay bigla na lang bumukas ang pinto at ibang lalaki ang pumasok ngayon. “Sir.” tawag ng lalaking kapapasok lang habang humahangos. “Sir, hindi pa rin tumitigil ang mga tao ni Velasco. Hinahanap pa rin nila siya.” wika nito na ikinalunok ko. Ako ba ang tinutukoy niya? “Let them search.” malamig namang sagot ng lalaking nasa tabi ko. “At kung makita nila siya?” tanong ng lalaking nakatayo. Hindi agad sumagot ang lalaking na sa tabi ko at nanatili lang itong nakatitig sakin habang marahang humihigpit ang hawak niya sa kamay ko. “Then they’ll have to deal with me.” ngisi niya na tila nagpakilabot sakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD