Chapter 3

960 Words
Nanatili lang kaming tahimik matapos niyang magsalita. Hindi na siya nagsalita ulit at hindi siya umalis. Nakatayo lang siya sa harap ko, parang hinihintay kung ano ang susunod kong gagawin o sasabihin. “Anong nangyari sakin? at paano ako napunta sayo? ano bang sinasabi mo?!” sunod sunod kong tanong pero nanatili lang siyang tahimik habang nakatitig sakin. “Bakit ayaw mong sumagot? aalis na lang ako” Diretso kong sabi at tumayo mula sa kama. “Aalis ka?” biglang sabi nito at kita ko ang talim ng tingin niya sakin. Tumango ako, kahit pakiramdam ko ay unti-unting nauubos ang lakas ko sa paraan ng pagtitig niya sakin. “Oo. Hindi ko alam kung bakit ako nandito, kailangan kong umuwi.” “Saan?” tanong niya. Hindi ko alam kung bakit parang may kakaibang tono sa paraan ng pagkakasabi niya noon. Parang… hindi siya naniniwala. “S-sa bahay namin” taka kong sagot “Sa bahay ng tita mong nananakit sayo?” Napakunot ang noo ko at napakuyom ng marinig ang sinabi niya, paano niya nalaman na nakikitira lang ako sa tita ko? at paano niya nalaman na sinasaktan ako nito? “P-paano mo—” “Or sa pinsan mong iniwan ka kagabi?” putol pa niya sakin kaya napalunok ako at parang may kung anong malamig na bumalot sakin. “Anong sinasabi mo…?” mahina kong tanong at bahagyang napaatras dahil sa takot. Hindi siya agad sumagot, bagkus ay lumapit siya ng dahan dahan sakin. Bawat hakbang niya ay siya namang atras ko hanggang sa wala na akong maatrasan dahil nakasandal na ako sa pader. “Hindi ka pa pwedeng umalis.” mahinahon niyang sabi na masikinakunot ng noo ko. “W-wala kang karapatan ikulong ako dit—” “Wala?” putol niya, sabay tawa ng mahina. Sa isang iglap, naramdaman ko na lang ang kamay niya sa baba ko, pinipilit akong tumingin sa kanya. “Sigurado ka?” Napahawak ako sa pulso niya, pilit na tinatanggal ang kamay niya sa baba ko pero mas lalo lang humigpit ang hawak niya. “Bitawan mo ko—” “Wala ka pa ring maalala?.” bulong niya sabay sakal sakin kaya napatigil ako. Hindi lang dahil sa takot, parang may mali, parang pamilyar itong posisyon namin ngayon… Ano ba talagang nangyari sakin kagabi? samin? “Hindi mo ako pwedeng ikulong dito, hindi mo ako pag aari, hindi nga kita kilala e… kung naghahanap ka ng mapaglalaruan, pwes wag ako, dahil hindi ako laruan!” mariin kong sabi, kahit hirap akong kontrolin ang paghinga ko, pero kinilabutan ako ng ngumisi lang siya. “Hindi ka laruan?” bahagya niyang inilapit ang mukha niya sakin at halos magdikit na ang ilong namin, kaya maslalo akong kinabahan. “Then stop reacting like one.” dagdag pa niya na ipinagtaka ko. “Anong ibig mong sabihin?” tanong ko pa “Oh god, Morisette. The way you act right now lalo akong naaaliw sayo…” mahinang tawa nito at naradaman ko na ang pag iinit ng mata ko, dahil ultimo pangalan ko alam niya. “Sino ka ba! bakit kilala mo ko?! Lumayo ka sakin!” sigaw ko at pwersahang itinulak siya, dahilan para mapaatras ito at mabitiwan ako. “Ganyan nga.” saad niya habang pagak na natawa. “Ano?” “Mas gusto ko ‘yan, yung palaban.” ngisi nito, at nakakatakot ang ngisi niyang iyon kaya napakuyom ako habang pinipigilan ang pamumuo ng luha ko. “Ano bang problema mo? a-ano bang gusto mo?” nanginginig kong tanong, pero hindi siya sumagot. Sa halip, bigla siyang tumalikod at naglakad papunta sa maliit na mesa sa gilid ng kwarto. Kinuha niya ang isang baso ng tubig at inabot sakin. “Drink this.” saad niya pero hindi ako gumalaw at hindi ko tinanggap ang baso mula sakaniya. “Akala ko ba gusto mong umalis?” tanong nito “E ano namang connect ng tubig sa pag alis ko?” sarkastika kong tanong na ikinangisi niya. “You should drink water after what we did last night… Nakatulog ka kasi agad” natatawa nitong sabi kaya napalunok ako. Kita ko pa ang paglandas ng mata niya sa kabuuha ko at napatingin sa kama kaya sinundan ko ang tingin niya at nagulat ako ng makita ko ang marka ng dugo sa kama. “A-anong ginawa mo sakin?! pinagsamantalahan mo ang kalasingan ko—” “Hindi kita sinamantala, you are the one who wants what happened to us last night.” putol nito sakin na ikinapilig ko ng ulo ko, dahil ayokong maniwala na ako ang may gusto. “Hindi ako naniniwala sayo!” sigaw ko sakaniya pero lalo lang lumawak ang ngisi niya. “Oh dear, tsaka ka na mag salita ng ganyan kapag naaalala mo na ang nangyari sayo” saad nito at tumalikod sakin. “Ipapakulong kita! kakasuhan kita!” sigaw ko para mapatigil siya sa paglalakad. “At ano ang ikakaso mo sakin? na pinagbigyan lang kita sa gusto mo? try me woman, or you will see what your looking for.” saad nito na ikinakaba ko at halos mapaupo ako sa edge ng kama. Nginisian lang niya ako tsaka na sita tumalikod at naglakad palayo sakin, pero bago siya lumabas ng pinto ay nilingon niya pa ako. “If you're trying to escape, dumungaw ka muna sa bintana to check if makakatakas ka” saad nito at isinara na ang pinto ng makalabas siya. Napakuyom na lang ako at napahikbi, agad naman akong tumayo para tumingin sa bintana at lalo lang akong humagulhol ng makitang may bantay mismo sa baba at talagang dito pa sa bintana nakaharap… Ano ba talagang nangyari sakin? sino ang kasama ko ngayon? at bakit ako nandito sa lugar na to…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD