Nagising ako sa hindi pamilyar na lamig ng paligid.
Mabigat ang ulo ko, para bang may kung anong pumipitik sa loob nito sa bawat galaw ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, ngunit agad ko rin iyong ipinikit dahil sa liwanag na tumama sa paningin ko.
“…ugh…”
Napahawak ako sa sentido ko habang pilit na inaayos ang paghinga ko. Ang tuyong lalamunan ko ay tila ba ilang araw nang hindi nakakainom ng tubig.
Sandali.
Nasaan ako?
Muli kong iminulat ang mga mata ko, mas dahan-dahan na ngayon. Unti-unting luminaw ang paligid—isang malawak at… magarang kwarto.
Maputi ang kisame, may nakasabit na chandelier na hindi ko pa kailanman nakita sa buong buhay ko. Malambot ang kama na kinahihigaan ko, sobrang lambot, na para bang lulubog ang katawan ko sa bawat galaw ko.
Hindi ito… sa bahay nila Tita.
Hindi rin ito sa club.
Bigla akong napabangon, ngunit agad akong napaigtad nang kumirot ang ulo ko.
“s**t! wala akong maalala!”
Napahawak ako sa kumot at doon ko lang napansin—iba na ang suot ko.
Nanlaki ang mga mata ko.
Hindi ito ang damit ko kagabi.
Mabilis kong hinawakan ang sarili ko, sinuri kung maayos pa ba ang suot ko, kung may… kung may nangyari.
Wala akong maalala.
Wala.
Pero bakit ganito ang pakiramdam ko?
Parang may mali.
Parang may nangyari na hindi ko lang matandaan.
Napahinga ako nang mabigat habang pinipilit kong alalahanin ang nangyari kagabi.
Walang pumapasok sa utak ko kundi iyong oras lang na dumating kami ni Roxie sa club at umiinom, pagtapos ay wala na.
Hindi pwede… hindi pwedeng wala akong maalala!
May kung anong gumugulo sa isip ko. Mga pira-pirasong imahe na pilit lumilitaw pero agad ding nawawala.
Napapikit ako at napahawak sa ulo ko dahil sa mga imaheng lumilitaw sa isip ko, may pulang ilaw… haplos… matanda..
“Matanda?” bulalas ko bigla
“Ah—” daing ko dahil lalo lang sumakit ang ulo ko.
Napabuntong hininga ako at ibinaba ang mga kamay ko, ngunit napatingin ako sa braso ko nang may mapansin ako.
Bakit may mga marka ako ng kamay? parang hinawakan ako ng sobrang higpit ng matagal?
Dahan-dahan kong hinawakan iyon, ngunit parang may kung anong lamig ang gumapang sa likod ko.
Gusto kong maalala kung paano ako nag karoon ng ganito at bakit na sa ganito akong lugar.
Ramdam ko rin ang pangingirot ng kaselanan ko kaya parang bigla akong nanlambot..
May nangyari sakin? sinong… sinong gumalaw sakin? jusko!
Habang pilit kong iniisip kung ano ba talaga ang nangyari sakin ay napaigtad ako ng marinig ko ang biglang pag click ng pinto.
Para akong napako sa kamang kinauupuan ko at bahagyang napaatras nang dahan-dahang bumukas ang pinto, hanggang sa pumasok ang isang lalaki.
Matangkad. Maayos ang tindig. Nakasuot ng simpleng polo pero halatang mamahalin. Ang aura niya… hindi ko maipaliwanag pero sa itshura at tindig ng katawan niya… parang tito ko na siya…
Agad na napako ang tingin niya sakin, kaya napalunok ako dahil agad na nagtama ang mata naming dalawa.
“N-nasaan ako…?” mahina kong tanong, pilit na ikinukubli ang takot na lumulukob sa akin ngayon.
“Let’s just say… you’re in a good hands, safe and sound” sagot niya habang nakangisi.
Hindi ko alam kung bakit, pero imbis na gumaan ang pakiramdam ko… mas lalo akong kinabahan.
“Safe?” ulit ko at bahagyang npatingin sa paligid.
“S-si Roxie? nandito din ba siya? oh! ikaw ba ang boyfriend niya?” saad ko umaasang tama ako ng hinala.
Sa pagkakataong iyon, napansin ko ang bahagyang pagbabago sa ekspresyon niya.
Para bang may nasabi akong hindi maganda… s**t!
“She’s not here, she left you at the club” Sagot nito at parang may kung anong bumagsak sa dibdib ko.
“Ano?”
“She left you.” dagdag pa niya, kaya napakunot ang noo ko.
“Hindi… hindi pwede. Hindi niya ako iiwan—”
“Are you sure?” putol niya sakin kaya natahimik ako.
Alam kong hindi maayos ang trato nila sakin ni Tita Wena, masakit siya magsalita, oo. Pero hindi naman siguro niya ako magagawang iwan lalo na’t alam niyang lasing ako.
Bigla akong napahawak sa ulo ko nang parang may pamilyar na boses akong narinig bigla
“Kayo na bahala dyan… bayad na kami”
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, kung anong magiging reaksyon ko…
“Ano ‘yon…?” bulong ko sa sarili at muli kong ipinilig ang ulo ko.
“Do you remember something?” tanong niya, ngayon ay mas lalong tumalim ang tingin niya sakin kaya napatingin rin ako sakaniya
“H-hindi ko alam… parang—may nangyari kagabi… pero hindi ko maalala…” saad ko, pero nanatili lang siyang tahimik habang nakatitig sakin kaya bahagya akong napalunok
“M-may ginawa ka ba sakin? anong ginawa mo sakin?” tanong ko sakaniya at niyakap ang sarili ko dahil sa takot, at mas lalo pa akong natakot ng bigla na lamang siyang ngumisi.
“Wrong question.” saad nito kaya napalunok ako kahit tuyong tuyo ang lalamunan ko.
“Dapat ang tanong mo…” lumapit siya ng dahan-dahan, bawat hakbang ay parang lalong nagpapabigat sa hangin sa paligid. “…anong nangyari sayo bago ka napunta sakin.” saad nito kaya napaatras ako bigla at mapasandal sa headboard ng kama.
Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko… mas delikado siya kaysa sa kahit anong bagay na hindi ko maalala.
At mas lalong hindi ko alam kung bakit parang mas natatakot ako sa mga sagot na malalaman ko sa lahat ng katanungan ko.