NANG maihatid ako ni Ethan ay agad na akong bumaba sa kotse niya. Hindi na rin siya nag pumilit pa na ihatid ako sa pinaka loob dahil sinabi ko sa kanya na magagalit ang boyfriend ko kapag nakitang may ibang lalaki akong kasama. Nang makapasok ako ng village ay nagulat pa si Kuya guard sakin dahil ang alam niya ay kanina pa daw ako nakauwi. Ipinaliwanag ko naman sakaniya kung anong nangyari, pero hindi yung totoong nangyari. NANG makarating ako sa unit ko ay agad kong binagsak ang sarili sa sofa, ramdam ko pa rin ang hapdi sa sugat sa tagiliran ko. Sana lang talaga hindi na muna ako puntahan ni Xavier, dahil pag nakita niya ang sugat ko paniguradong kukulitin niya ako kung saan ko galing ito. Kinuha ko ang phone ko sa bag ko, andaming missed calls ni Xavier sakin kaya tinawagan ko ito.

