“Did they hurt you?” tanong nito habang nakatitig sakin. Hindi ako makasagot, nanatili lang akong nakatitig sa kanya—hindi makapaniwala na nasa harapan ko siya at tauhan niya ang mga lalaking may balak na masama sakin. “E-ethan…” halos pabulong kong banggit sa pangalan niya “Tell me, did they hurt you?” tanong ulit nito at kita ko sa mga mata niya ang pag aalala. Gusto kong mag salita, gusto kong itanong kung talaga bang tauhan niya ang dalawang lalaki, kung bakit niya pinapahanap si Xavier… at higit sa lahat… Yung mga sinabi ng mga lalaki kanina na kapag may mga babae silang nakukuha ay dinideretsyo nila sa boss nila… at si Ethan ang boss nila. “Kilala mo ba siya boss?” tanong ng isa sa lalaking may balak na masama sakin, pero hindi sila sinagot ni Ethan at nasa akin pa rin ang ting

