Kanina pa ako hindi mapakali, simula nung makita ko si Xavier sa bungad ng cafeteria at masama ang tingin sakin. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya kanina, pero sa tingin niya paniguradong galit siya. “Sabay sana ako sayo pauwi kaso magkaiba tayo ng ruta ng sasakyan” ani Irene habanag nag aayos ako ng gamit sa bag ko. “Oo nga e…” tugon ko naman, pero ang totoo mabuti na lang at hindi kami pareho ng jeep na sasakyan dahil kakatext lang ni Xavier at pinapapunta ako sa office niya. “Sabay na lang tayo sa paglabas” aniya pa kaya napalunok ako dahil di ko talaga alam paano siya tatakasan. “S-sige” tugon ko na lang at tsaka na kami lumabas ng department. Habang nakasakay kami sa elevator ay nanatili lang akong tahimik, habang si Irene ay kwento ng kwento, ni hindi ko na nga m

