Chapter 11

1295 Words
Matapos naming mag agahan ni Xavier ay nagpunta na ako sa kuwarto at doon ay naligo at nag ayos. Naligo na rin si Xavier at nagbihis dahil ngayon niya ako ihahatid sa condo at pagtapos ay deretsyo kami sa kumpanya para i-hire ako bilang Junior Staff sa Marketing Department ng company niya since, 20 pa lang ako at tanging pag w-waitress lang ang experience ko sa trabaho. Nang makapag ayos na ako ay simpleng black slacks pants at bottun down shirt ang sinuot ko, para pagtapos namin mailipat ang gamit ko sa condo ay di ko na kailangang magpalit pa ng susuotin papunta sa kumapanya ni Xavier. “Wow, you look like a fine elegant woman” ani Xavier sakin kaya napakunot ako ng noo. Sa totoo lang di ako sanay mag suot ng mga pang opisina na damit, pero di ko rin akalain na bagay ko naman pala at mas prisentableng tignan. “Let’s go?” pag aaya ni Xavier sakin tsaka na kami lumabas at sumakay sa kotse nniya kung saan siya ang magmamaneho, at sa likuran namin ay iyong SUV kung saan ilalagay ang mga gamit ko. Ilang saglit pa ay dumungaw si Joseft sa bintana ng kotse tsaka ito sumenyas gamit ang kamay niya na okay na kaya naman inistart na ni Xavier ang engine ng kotse tsaka na ito pinaandar. “What if, ipahatid ko na lang kay Joseft ang mga gamit mo sa condo at sia na mag ayos, para maaga tayo makarating sa kumpanya” biglang sabi ni Xavier. May punto naman siya kesa sa mag sayang pa kami ng oras doon. “Sige mas okay nga yun” sagot ko at agad naman nyang dinial ang contact ay Joseft “Kayo na bahala maghatid ng mga gamit ni Morisette sa condo, kayo na rin ang mag arrange.” utos ni Xavier ng sagutin ni Joseft ang tawag matapos namang sabihin iyon ni Xavier ay ibinaba na agad niya ang tawag kahit hindi pa sumasagot si Joseft. Naging mabilis ang takbo ng pagmamaneho ni Xavier hanggang sa marating na nga namin ang kumpanya niya na halos hindi na makita ang taas kahit anong tingala mo. “Ito ang kumpanya mo?” mangha kong tanong “Yes” tipid niyang sagot kaya napalunok ako. Nang maipark niya ang kotse niya sa parang garahe na para lang sakaniya ay bumaba na kami tsaka kami pumasok sa elevator kung saan iisa lamang ang bottun. “Deretsyo na ito sa office mo tama?” tanong ko “Oo bakit?” sagot naman niya “W-wala lang… totoo pala na may nakalaan na elevator para lang sa may ari ng kumpanya… ang galing” tuwang tuwa kong wika na tila ikinatuwa rin ni Xavier. “Masaya ka ba?” tanong nito kaya agad akong tumango at nagulat pa ako ng bigla niya akong yakapin at halikan sa noo “I’m glad na happy ka.” saad niya kaya naman ilang akong napangiti at dinantay ang ulo ko sa dibdib niya. Nagtagal kami sa ganoong posisyon hanggang sa maitulak ko siya dahil napansin kong bukas na ang pinto ng elevator at may isang lalaki na nakasuit ang nakatingin saming dalawa. “Ahm… g-good morning Sir…” ilang na bati nito. Inayos naman ni Xavier ang suit niya at bahagyang tumikhim tsaka ako inalalayan sa paglabas. “Ahmm.. he’s Jeron, my executive assistant.” ani Xavier sakin kaya nagbow ako kay Jeron at ngumiti “Jeron, she’s Morisette, my—” “Friend! Oo i’m his friend! Hehehe” putol ko kay Xavier at sabay naman silang natawa ni Jeron kaya nangunot ang noo ko. “That’s not what i saw earlier… so she’s your what sir?” tanong ni kay Xavier kaya napairap na langa ko. “Friend daw, so friend na lang” tawa ni Xavier na ikinatawa rin ni Jeron. “So, iiwan ko na muna ba kayo?” tanong ni Jeron kay Xavier “No. bring her to Marketing, tell them that she’s a new Junior staff. And remind them that be kind to her” utos ni Xavier at agad naman na nagbow si Jeron kay Xavier at naglakad na tsaka ako sinenyasan na sumunod sakaniya. “Wait, mauna ka na sa labas Jeron, just give us 3 minutes” ani Xavier kaya tinaasan ko ito ng kilay at ng tignan ko si Jeron ay may makahulugang ngiti na ito at tingin. Nang makalabas si Jeron ay lumapit sakin si Xavier tsaka nito hinawakan ang kamay ko. “Be a good girl, kapag may nangmaliit sayo, just tell me okay? And… i don’t want any man near to you.” saad nito na ikinakunot ng noo ko, na para bang sinasabi niyang siya lang ang may karapatan na lumapit sakin. “E pa’no si Jeron?” saad ko “I know, Jeron. And he knows me too.” sagot niya kaya tumango na lang ako at napasinghal. “Sige na, mamayang lunch ipapasundo kita kay Jeron” bilin pa nito at nagulat ako ng halikan niya ako sa noo. “S-sige na, baka naiinip na si Jeron” saad ko pa kaya dali dali na akong lumabas ng pinto at napatigil ako ng bumungad si Jeron na prenteng naghihintay lang dito sa labas at nakangiti na ito sakin. “P-pasensya ka na sa nakita mo kanina” bigla kong sabi.. Ewan ko ba kung ba’t bigla na lang ako humihingi ng pasensya. “Don’t worry, i’m good at keeping a secret.. But you know what, this is the first time i saw Sir Xavier with a girl” may kung anong kilig na sabi nito kaya napangiwi ako. “So yang pangiti ngiti mo, kinikilig ka ganon?” tanong ko naman “O baka naman isipin mo bakla ako ha? Normal lang naman din saming mga lalaki ang kiligin” saad nito kaya natawa ako habang papasok kami ng elevator. “Wala naman akong sinasabi… pero totoo? Never mo sya nakitang may kasamang babae?” tanong ko “Yep, at ayaw niya sa mga babae,. Kumbaga woman hater siya.” saad nito kaya nagpatango tango naman ako. “Nga pala, medyo chaos ang dadatnan mo sa marketing ha? Ewan ko ba bakit doon ka pa naisipang ilagay ni Sir.” ani Jeron kaya tumango na lang ako. Hindi ko na inalam kung anong chaos ang tinutukoy niya, pero kung sa pagsusungit? Nako! Batak na ako sa mga yan! Namg mag bukas ang elevator ay may mga pumasok na mga babae at agad akong tinignan from head shoulder knees and toes, charing! So ayun sa mga tinginan pa lang nila alam mo na purong panghuhusga ang meroon doon. “Good morning Jeron. Nandyan na ba si Mr. Xavier?” tanong ng babeng naka ponytail ang buhok, naka fake eyelashes, napakakapal ng eyeliner at naghihimutok sa pula ang labi. Sure bang dito to nagwowork? Parang galing bar lang ah? “Yes Ms. Denielle” sagot naman ni Jeron habang ako ay tahimik lang. “Oh may new hire?” tanong pa nito “Ah yes, actually sa department nyo siya” sagot ni Jeron, so sa marketing pala ang mga ito, jusko! Ginoo! “Ohh, ang bata pa niya…” saad pa nitong Denielle at tinignan ako mula ulo hanggang paa. “Ah yes, bali junior staff siya sa department nyo, and be good to her.” ani Jeron kaya nagtango tango lang si Denielle pati na ang mga kasama nito. “Okay, welcome to our team!” nakangiti nitong sabi at inilahad ang kamay niya kaya agad akong nakipagshake hands at pagtapos non ay nakita kong bahagya niyang pinunas sa skirt niya ang kamay niyang pinangshake hands niya sakin kaya nag angat ng kusa ang kilay ko. Arte mukha namang clown!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD