Nagising ako sa dibdib ni Xavier habang yakap yakap niya ako, nasa kama kami ngayon at nandito pa in sa study, kita ko na rin ang liwanag sa labas na tila papasikat na ang araw. Hindi ko na rin matandaan kung paano ako nakatulog basta ang alam ko matapos ng ginawa namin sa couch ay nasundan pa yun at dito na sa kama.
Napatitig lang ako sa maamong mukha ni Xavier. Napakaamo ng mukha niya kapag tulog siya, na para bang hindi niya kayang pumatay ng tao… kaya naman napalunok ako ng marealize ang nangyari samin, na hinayaan kong may mangayari ulit samin…
Dahan dahan kong inangat ang kamay ko at akma sanang hahaplusin ang ilong niya gamit ang hintuturo ko pero nagulat ako ng bigla niyag hawakan ang kamay ko at mabilis na hinalinalikan.
“Good morning” nakangiti nitong sabi habang ako ay pilit kinukubli ang pag ngiti ko dahil sa sinabi at ginawa niya.
“G-good morning” nahihiya kong tugon na bahagya niyang ikinatawa ng mahina.
Hinalikan niya ako sa noo, tsaka siya agad na tumayo at binalot niya ko sa kumot habang siya ay kinuha ang robe na nasa gilid ng kama at sinuot ito.
“Saan mo gusto kumain? Sa dining o dito na lang?” tanong niya sakin
“D-dito na lang nakakahiyang lumabas…” saad ko kaya natawa nanaman ito, tsaka na ito naglakad palabas mula rito sa bedroom hanggang sa marinig ko ang pagbukas at sara ng pinto mula sa labas.
Tumayo ako habang balot pa rin ng kumot at naglakad papunta sa couch kung saan niya ako hinubaran. Kinuha ko ang damit ko at agad na bumalik sa kama at mabilis na nagbihis. Ilang saglit pa ay
Bumalik si Xavier at naupo sa couch tsaka inilapag ang dala niyang dalawang tasa ng kape sa mesa.
“Sip a coffee first while waiting sa breakfast” saad nito tsaka niya ako hinawakan sa kamay para alalayan paupo hindi sa couch kundi sa kandungan niya.
“Hindi ba masakit ang ulo mo?” tanong nito kaya umiling naman ako.
“E yung ano m—”
“Parang masarap tong kape no… hehehe” putol ko sa sasabihin niya tsaka kinuha ang isang tasa at humigop. Hindi ko inasahan na sobrang init no’n kaya kahit mainit ay nilunok ko na lang.
“Hindi ka ba napaso?” nagaalala nitong tanong.
“H-hindi naman hehe” tugon ko pero ang totoo, parang naluto ang dila at lalamunan ko.
“Sigurado ka?” paniniguro pa niya kaya naman tumango na lang ako at ngumiti
Ilang saglit pa ay pumasok si Joseft at Nanay Maribel kaya naman dali dali akong tumayo at naupo sa couch na ikinatawa nanaman ni Xavier.
“Good morning Boss, Miss. Morisette” bati ni samin ni Joseft at inilagay ang tray na dala nito kung saan nakalagay ang mga pagkain habang si Nanany maribel naman ay may hawak na pitchel na may lamang tubig.
Matapos nilang maiarrange ang pag kain ay nagpaalam na silang lumabas kita ko pa ang sikuhan ni Joseft at Nanany Maribel habang parehong nagngingiti.
Jusko, sigurado akong nagchichismisan na sila! T.T