"Anak, kamusta ka na?" nag-aalalang saad nito sakin. "Nay, maayos naman na po ako. Huwag na po kayong mag-alala." "Naku kang bata ka talaga. Bakit hindi niyo man nasabi sa'min agad na ganoon na pala nangyari." medyo may inis na ang boses ni Nanay. "Ayaw lang po namin kayong mag-alala. At okay na okay naman na po ako." pero narinig ko ang buntonghininga nito. "Kahit na, Anak. Hindi mawawala ang pag-alala namin ng Tatay mo sayo." bumalik sa malumanay ang boses nito. "Sa susunod magsasabi ka agad ng nararamdaman mo." "Opo, Nay. Huwag po kayong masyadong mag-alala sa'kin. Kaya ko naman ang sarili ko." pero hindi siya naging kumbinsido sa sinabi ko. Kaya hindi ko maiwasan mapangiti dahil ang sarap ng may mga taong nag-aalala sayo at nagmamahal. Tumagal din ang usapan namin ni Nanay dahil

