"You make me so worried about you, Love." malambing na saad nito. At dahan dahan niyang hinaplos ang pisngi ko. "I'm sorry." mahina kong saad rito. Nahimatay kasi ako kanina dahil sa pagod. He kissed my hand. "Wala ka naman dapat ipag-sorry, Mahal ko. Ang gusto ko lang huwag mong masyadong pagudin ang sarili mo." nag-aalala nitong saad. Marahan naman akong tumango rito. Halos buong araw akong nag-asikaso sa business ko. At hindi ko na namalayan na hindi ako nakakain ngayon araw. Kung hindi niya ako pinuntahan sa shop ko na may dalang pagkain. Hindi ko pa maalala. Pero ng susubukan ko siyang lapitan doon ako nakaramdam na ng hilo. Naramdaman ko na lang na babagsak ako. At kung hindi lang siya mabilis baka tumama ma ang ulo ko sa gilid ng lamesa. After doon everything went black. Pagka

