Two days after what happened, hindi ko na siya muling kinausap. Sabi ko na lang kay Kuya nagulat ako kaya ganoon ang reaskyon ko. Mabuti na lang hindi na siya nag-usisa at kung hindi dumating si Kuya hindi titigil ang bangaw na iyon na bwisitin ang araw ko. "Uuwi na din kayo sa isang araw bukas?" umiling naman ito. We're on the countertop having heart-to-heart talk. Ang sarap pala ng pakiramdam ng may Kuya kang nagpapayo at nagtatanggol sayo. Sumisip naman ako ng kapi. Napaaga naman kasi ang gising ko at sakto pagpunta ko sa kitchen para magkape nadatnan ko na siya doon. Nagkakape na din siya at si Ate naman tulog pa. "Hindi na-extend pa at ayaw pa ni Nica na umuwi muna kami. Tutal naman daw wala sa bahay ang mga bata." tumango naman ako sa kanya. "Sabagay, tagal din bago kayo ulit mak

