"I've missed you, Mommy." masayang saad nito. Kinarga ko ito.
"I miss you too, my baby boy." I kissed him. Mas lumapad ang ngiti nito. I want to pinch his chubby cheeks, pero nakaalalay ang dalawa kong kamay sa kanya. Baka mahulog siya.
"Nandito ka na pala, Zhia." paglingon ko sila Kuya Bryan pababa ng hagdan kasama ang asawa niyang si Ate Yanna.
"Kaylan kayo dumating?" lumapit ako pero habang karga ang anak ko.
"Kanina lang, Zhia. At sinama na namin iyang makulit mong anak. He never stops asking Nanay if pwede siyang sumama dito." tumango ako rito. Alam kong hindi siya kayang matiis ni Nanay sa ang mga gusto nito.
"Hindi ba sabi ko sayo uuwi naman ako." pangaral ko rito. But he just pouted at me. Alam niyang hindi ko siya matitiis sa ganitong style niya.
"But mommy you were tagal po." mahinang saad nito. Napahinga na lang ako ng malalim dahil sa ginawa niya.
"Naku kang bata ka talaga." he cupped my face and gives me showered kisses. He is such a sweet and caring child.
"Hayaan mo na si, Zhia. Halos linggo din kayong hindi nagkita kaya noong nalaman niyang wala ka doon sa bahay. Ayun nagtantrums si bagets." kwento ni Ate Yanna.
"Hindi maganda iyang ginawa mo." baling kong saad kay Edriel. Pero humaba ang nguso nito.
"Sorry po, Mommy. I won't do that again. Promise I'll be good boy." mahinang saad nito.
Pinagtapat ko ang mga ilong namin. At pinangaralan ko siya sa mga bagay na dapat hindi niya ginagawa. He knows how to respect and talk with manners to older people. Pero hindi mawawala sa kanya na minsan magtantrums pag-hindi na nakuha ang gusto o pagwala ako.
Edriel became my light when I was at the darkest point of my life. Hindi man naging maganda ang pinagdaanan ko pero siya ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.
Kaya kahit minsan sukong suko na ko sa buhay. Naalala kong meron akong siya. Siya lang ang nag-iisang pag-asa ko.
"Salamat pala, Kuya." bungad ko rito. Nasa sala silang dalawa ngayon ni Ate. Pero natutulog si Ate habang nakahiga sa hita ni Kuya.
"Wala iyon no. I enjoyed of the accompany of your child." nakangiting saad nito sakin.
"May sinabi sakin si Edriel, Kuya. Iyong about sa girls." tumawa naman ito bigla.
"Para maaga palang matrain na siya, Bunso." proud niyang saad sakin. Kaya napatampal ako sa noo.
Sinampal ni Ate ang dibdib ni Kuya. "Hoy, Bryan. Siraulo ka talaga pati bata tinuturuan mo ng kagaguhan mo." galit na saan ni Ate kay Kuya. Pero hindi natinag si Kuya bagkus humagalpak lang ito.
"Hayaan mo pag-nagkaanak tayo tuturuan ko siya ng mabuti." pang-aasar ni Kuya kay Ate. Hinampas naman siya ni Ate ng unan.
"Tataguan na lang kita ng anak." galit na galit nitong saad.
Nagbago naman ang ekspresyon ni Kuya. "Joke lang, Mahal ko. Halika na at gagawa na muna tayo ng bata." Malambing na saad ni Kuya Bryan pero inirapan lang siya nito.
Mahina akong natawa sa pinaggagawa nila. Nakakatuwa talaga nag relationship na meron sila.
Naabutan ko si Ate Lean na nagkakape dining area. Umupo naman ako sa tapat niya.
"Kamusta?" tanong ni Ate.
"Ayoko na ulit pumunta doon. Nakakatakot siya." kwento ko rito.
Napatawa ito. "Nakakatakot nga talaga si Boss. At hindi ngumingiti iyon. Pero sabi ng mga matagal na nagtatrabaho doon. Noong buhay pa daw asawa niya ngumingiti naman daw iyong kahit pa-paano." napatango na lang ako sa kwento ni Ate.
Sabagay mahirap mawala lalo na iyong taong sobra mong minahal.
Pagpasok ko sa kwarto nakitang ko natutulog pa din si Edriel napagod siya kalalaro kanina. Kaya nilapitan ko siya. At binigyan ko ng isang halik sa noo.
Bigla itong gumalaw. Nanatiling nakapikit ito pero kinapa nito ang paligid niya. Every time he wakes up, he wanted too see me first. When he touches me, he slowly open his eyes. "M-mommy" with husky voice. I gave him sweet smiles.
"Yes, baby." I touches his soft cheeks. Napanguso lamang ito. Kinusot niya ang mga mata niya upang makita ako ng maayos.
"Mommy, I had a bad dream." mahina at malungkot na saad nito sakin.
Tumabi ako sa kanya sa paghiga at dahan dahan ko itong hinala upang sa mga braso ko siya humiga. He wrapped his arms in my waist and I hugged him back. I brushed his hairs using my hand.
"Baby, don't be sad. Its just a dream. Ano ba iyong bad dreams mo?" I heard his silence sobbing.
Kumalas ako at tinignan ito. May mga takas na luha sa mga pisngi nito. "S-someone t-take y-you away from me." I wiped his tears and hugged him again so tight. Hinamplos ko ang kanyang likod upang mas kumalma ito.
Gustong gusto niya kasing sa tabi ko lang. Pero minsan hinahayaan ko siyang sumama kay Kuya Bryan. Kahit madalas gusto niya akong sumama din. Natutuwa kasi sila kay Edriel lalo na at madaling pangaralan ang bata.
Noong nakaraan sinama nila si Edriel magbakasyon sa Cebu. I refused not let Edriel go with them, lalo na at bakasyon nilang mag-asawa iyon pero sila ang may gusto para daw may instant anak sila.
"Hindi iyon mangyayari. No one will take me away from you, Baby." I kissed his head. "Mommy, will fight monsters and bad people para lang hindi ako mawala sayo." Malambing kong saad sayo.
"R-really, Mommy. You won't leave me." garalgal na saad nito. Tumango ako rito.
Magkaharap na kami nito. I cupped his face and gave him temple kiss. "Yes, Baby. Why do I leave you? You were my baby boy and my only love." Pilit kong pinagagaan ang pakiramdam niya.
He nodded at me. "I love you, Mommy." Pinugpog niya ako ng halik sa mukha.
"I love you too, Baby." matapos niya akong akong halikan. I wiped his escape tears in his cheeks.
Kumalma na din siya. But I continuously comfort him.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal magkayapan sa kwarto. Pero hinayaan ko lang dahil ayokong mas mag-alala pa siya sa masama niyang panaginip.
Nakatulog din siya dahil sa pagod umiyak. Hinayaan ko na lamang mamayang dinner ko na lang siya gisingin.
Kinabukasan nagpaalam na din sila Kuya Bryan na uuwi na ng Tagaytay dahil titignan daw nila ang pinaayos nilang bahay roon.
I was on the kitchen, nagluluto ako ng breakfast namin. Pero nasa dinner table na si Ate nagkakape. Hanggang sa narinig kong binati nito si Edriel.
"Good morning, our baby boy." masayang bungad ni Ate.
"Good morning, Mama Lean." he replied. I heard the giggles of Ate. Kahit hindi nila kami kadugo, pero pamilya kung ituring nila kaming dalawa.
"Why are you so pogi?." masayang saad ni Ate.
"Kasi mana po ako kay Mommy. But pretty ka din po sobra." malambing na saad ni Edriel.
Mahina akong napatawa dahil sa sinabi niya.
"Bolero ka ding bata ka. Huwag ka lapit ng lapit sa Dada Bryan mo baka lalo kang mahawaan." biro ni Ate sa anak ko
Edriel chuckles. "Where's mommy, Tita Sexy."
"Andun siya sa kitchen nagluluto."
Naramdaman ko ang yapak nito patungo sakin. Nang makita ko siya lumuhod ako upang pumantay sa kanya.
"Hi, my little man. Good morning." sinalubong ako nito ng yakap at halik.
"Good morning, My Beautiful Mommy." kinikilig na saad nito. Kaya napatawa ako. Alam kong sobrang miss na ang ganito naming dalawa tuwing umaga.
I carry him and sat him at the sink. "Don't move you may get fall, Baby." I continued cooking.
He nodded happily. Nagkwento ito sakin habang nagluluto. Kaya nalibang din ako. After noon nagbreakfast na din kami.
"Don't worry about me, Girl. Magaling na ako." umalis ako saglit para asikasuhin muna si Edriel. Pero naabutan ko siyang naghuhugas na ng pinggan.
"Sigurado ka, Ate." tumango ito sakin.
"Oo naman, Girl. Go to your junakis at magbond na kayo doon. Alam kong miss na miss ka na nun." pagtataboy sakin ni Ate.
Hindi na ako umalma sa sinabi ni Ate Lean. Bagkus pinuntahan ko si Edriel na naglalaro sa sala.
Habang naglalaro kami ni Edriel nagtanong siya sakin. "Mommy, pwede na po ba akong maggirlfriend." napakunot ako sa sinabi ni Edriel.
"Baby, kanino mo natutunan iyang mga ganyan." tumingala ito at binigyan ako ng inosenteng tingin.
"Did you remember the guy I bumped in the place na pinuntahan namin ni Tito Bryan. May kasama siyang girl at napakaganda niya, My. And Tito told me I make her my girlfriend." jusko! Ito na nga ba sinasabi ko. Hindi dapat naiiwan si Edriel na magkaisa kay Kuya kung ano ano tinuturo sa kanya.
"Hindi ka pa pwedeng maggirlfriend baby ka pa. You were too young for that. At huwag kang makikinig sa Dada Bryan mo minsan." pangaral ko rito. He sat on my laps.
"But po Mommy. Kaylan pwede?" I kissed his cheeks.
"Baby, matagal pa iyon. Huwag ka munang magmadali." tumango ito bilang sagot. Hinay hinay sa paglaki anak.
Pagkatapos noon nagpatuloy akong makipaglaro kay Edriel. His laughter and giggles is such a music in my ears. I really enjoy this kind of moment.
Pero napabaling ang atensyon ko sa pagring ng cellphone. Pagtingin ko hindi pala cellphone ko kundi kay Ate. Kaya nagpaalam muna ako kay Edriel saglit. Pero pagtingin ko sa kusina wala na si Ate
Sinagot ko na ang tawag dahil baka importante. "Lean." Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa boses na iyon.
---------
HAPPY READING, BEAUTIFUL PEOPLE ❤️💐