HMTR #3

1762 Words
Tinapik ko ang gawing balikat niya upang bumalik ang wisyo niya. At doon siya parang natauhan. Sobrang gulat na gulat ang naging reaction niya sakin dahil nanlalaki pa ang mga mata nito. If there's something wrong? "Hey, Sir. Are you okay? Para po kayong nakakita ng multo." malumanay kong saad. "A-anezhia" saad nito. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. Kilala niya ko? Paanong kilala niya ko? Parang may kung anong pag-asang nabuhay sa loob. "K-kilala mo ko?" doon unti-unting namuo ang kaba ko sa dibdib. I heard his sighed. "P-pero patay ka na." nanlalaki ang mga mata sa gulat dahil sa sinabi niya. At doon gumuho ang pag-asang meron ako ngayon. "Patay? Nahihibang na po ba kayo. Paanong patay ako?" naguguluhan ako. I almost die before, pero hindi ako patay. "Yeah, you died already." napakunot ang noo ko dahil sa sinabi sito "Sir, calm down. I didn't die." kalmadong saad ko rito. Bakit pinatay na niya ko? Mukhang ibang Anezhia ang nakikita niya sakin "No, it can't be" napahilamos ito sa mukha. "Jusko! minumulto mo ba ko?" para siyang natataranta dahil hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. I shouldn't not let myself assume in the things I don't have any basis. Hindi ako ang tinutukoy niya, I am still kicking and alive. I don't want to die yet. "Sir, baka nagkakamali po kayo ng tinutukoy. Yes, my name is Anezhia. Pero hindi po ako multo or what. Buhay po ako. Buhay na buhay. If you don't have anything to say. May I excuse myself to go." his expression still not changed. Pero hindi kona pinansin bagkus nilagpasan ko nalang siya. Hindi maganda ang naging araw ko ngayon lalo na ang nangyari kanina. It is not good to accuse someone you see once, na siya ang hinahanap kilala mong namatay. Ano 'yon? Bumangon ako sa libingan ko. Nakakaasar gusto ko lang mag-grocery nang matiwasay pero napangkamalan pang patay. Sana hindi ko na makita ng lalaking iyong dito dahil sigurado masisira na naman ang araw ko. Kaya pagkatapos kong mabili ang dapat kong bilhin umuwi na agad ako. Dahil ayoko na siyang makasalubong pa. Pagkauwi ko saktong pababa ng hagdan si Ate. Ilagay ko muna sa dining table lahat ng pinamili ko para mamaya i-arrange ko. "Kamusta ang pag-gro-grocery mo, Girl?" bungad na tanong nito. Gusto kong ikwento ang nangyari kanina pero huwag na lang. "Okay naman, Ate. Gumamit ako ng waze para madaling makarating don." saad ko rito. "Mabuti naman kung ganoon." hindi masyadong namumutla si Ate. After our short conversation, I decided to arrange the groceries I brought. Halos lunch time na din pala akong nakauwi. Pagkatapos kong mag-ayos pinuntahan ko si Ate sa sala na nanonood ng TV. "Anong gusto mong ulam, Ate?" tanong ko rito. "Ikaw na bahala, Girl." She doesn't give me any glances because she attentively focuses on the Tv. Nagpaalam na ako sa kanya para makapagluto na dahil need niya ding kumain na para makainom ng gamot. Nagluto lang ako nilagang baboy. Madali lang kasing lutuin iyong kaya iyon na lang. After nun tinawag ko din siya para kumain. Kinabukasan, I decided to jog, tutal malawak ang village at may park naman dito. Ilang araw na din ako dito kay Ate pero nasa loob lang ako ng bahay. Nagpaalam na ako sa kanya kagabi na mag-jogging ako. Bilin niya lang huwag akong masyadong lumayo. Bago ako umuwi nagpunta muna akong park para doon magpahinga kahit kunti. Pero may nakita akong batang pinupulot ang mga candy niyang nagkalat sa lupa. Lumapit naman ako rito upang tulungan siya. Lumuhod ako rito upang pumantay sa kanya. Nung una hindi niya ako napapansin. Hanggang sa mapalingon ito sa pwesto mo. "Hala! Thank you po." masayang saad nito. Inabot ko ang mga candy niya sa kanya. "Wala ka bang lalagyanan, Baby Girl." Umiling ito. "Ganoon ba." kinuha ko ang panyo ko at doon pinalagay mga candy niya. Pagkatapos inabot ko sa kanya. "You are so thoughtful po. Thank you po." ngumiti ito. Halos wala na itong mata pag-ganito ang ngiti niya. She's so cute and she's wearing pink dress. At may inosenteng mukha ito. I felt something strange sa batang ito. "Wala iyon no." nginitian ko ito pabalik. Lumapit ito sakin at binigyan ako ng halik sa pisngi. "Ang ganda niyo po." kinikilig nitong reaksyon. I cup her face and slowly touches it. "Ikaw din. You look so beautiful." Biglang may tumawag sa bata babae dahil napalingon ito ng may tumawag sa pangalan niya. "Zhia." Tumayo na at doon ko nakita ang yaya niyang papalapit saming dalawa. "Kanina pa kita hinahanap andito ka lang pala." nag-aalalang saad ng yaya niya. She scanned me head to toe. Pero binalik niya ang tingin dito. "Nahulog po kasi mga candies ko. And this beautiful woman helped me out." turo sakin ng batang babae. Nilingon naman ako ng Yaya niya. "Salamat po, Ma'am" "Wala po iyon." magalang kong saad rito. Inaya niya na si Zia na umalis na pero bago ito umalis humarap ito sakin. "Who are you po?" curious niyang saad. "Anezhia, Baby girl" malambing na pagpapakilala ko rito. Napalitan ng gulat ang expression nito . "Our names were almost the same po. My name si Alenizhia" I gave her sweet smiles. yeah! she's right. Matapos noon nagpaalam na din siya. "See you around po" masayang saad nito. Kumaway naman ito sakin at ganoon din ako sa kanya. Pinanood ko siya naglakad papalayo sakin. Pagkatapos nun umuwi na din ako dahil magluluto pa ako ng pagkain namin ni Ate. Pero pag-uwi ko nadatnan kong nasa sala siya nanonood ng TV. "Nandyan ka na pala, Girl." napalingon ito sa gawi, siguro naramdaman niya yapak ko. "Kamusta na pakiramdam mo, Ate" nagtungo ako sa kabilang sofa. "Magaling naman na." sagot nito sakin pero nanatili nakatuon ang mga mata nito sa TV. "May gusto ka bang ulam na gusto ngayon?" umiling ito sakin. "Ikaw na bahala sa kakainin natin, Girl" tumango naman ako bilang sagot. Kaya nagtungo na din ako ng kitchen para makapagluto muna ng kanin para mamaya pagkatapos kong maligo ulam naman. Hindi na din ako nagtagal sa na pagaligo. I cooked a hotdog and eggs. Para madaling ma-prepare. Tinawag ko na si Ate para kumain. "Girl, tumawag pala si Nanay nangangamusta. Syempre hindi ko sinabi na nagjogging ka. Alam mo naman si Nanay may pagka-oa at pranning yun kung mag-alala." saad ni Ate habang kumakain kami. Napatawa naman ako ng mahina sa reaction ni Ate. "Hindi ka pa nasanay, Ate." sagot ko rito. Sabay kaming napatawa dahil sobrang protective ni Nanay pagdating samin. Na kahit simpleng sakit lang gusto niya ipa-confine na kami. Sa veranda ako ng kwarto ko tumambay doon. Kasi nakita ang ng libro dito sa kwarto kaya binasa ko muna. Pero nalibang ako dahil magla-lunch kaya bumaba na din. Habang pababa ako naririnig ko ang boses ni Ate. "Ma'am, I'm sorry for the inconvenience. " paghingi nito ng depensa. Nilapitan ko naman siya. "Yes, Ma'am. Need na po ba talaga ngayon? Gagawa po ako ng paraan para po maipadala. Sorry talaga, Ma'am." narinig ko na lang mapabuga ng hangin si Ate. She looks so stress. Nang mapansin niya ako tinignan niya ako. "Anong problema, Ate?" "Ate, anong problema?" curious tanong rito. Napakibit balikat lamang ito. At hinilot ang kanyang sintido. "Paano ba naman iyong annual report sakin na-aasign. Akala ko na naman naiwan ko sa desk ko kasi tapos naman na iyon. Ang problema kasi naiuwi ko pala." nanlulumo saad nito. "Ihahatid ko ngayon, Ate. Para hindi ka mapagalitan." Gumuhit ang pagkagulat nito sa mukha."Sure ka ba, Girl? Nakakahiya na sayo." tanggi nito. "Sige na, Ate ako na. Baka mabinat ka pa if ikaw ang pupunta, ma-extend pa 'yang leave mo." sagot ko dito. "Sige.. pero basta mag-iingat ka... Siya nga pala Adrian Dela Vega Fabvier and pangalan ng boss ko." paalala ni Ate. Pero parang narinig ko na iyong pangalan na iyon. Hindi ko lang matandaan kung saan. Napailing naman ako dahil baka guni-guni ko lang iyon. Wala na din siyang nagawa kundi pumayag na ako ang magdala dahil baka daw bugahan sila lalo ng dragon niyang Boss. Nag-paorder na lang si Ate ng food para daw makagayak ako. Plain shirt at pants lang ang sinout ko. At hinayaan kong nakalugay ang hindi ganoong kahabang buhok ko. Nagkotse na din ako papunta sa company nila Ate. Ilagay niya sa waze ang location ng pupuntahan ko. Kaya bago ako umalis chineck ko muna iyong papers na ibinigay niya. Pagkarating ko doon tinanong ng guard kung anong pakay ko at sinabi ko iyong pinapadala ni Ate Lean. Tinuro naman niya ang receptionist na mag-a-assist sakin. "Good morning po." bungad kong saad rito. Nilingon ako ng mga ito. Ang mga ngiti nila ay napalitan nang gulat. Kaya napakunot ako. "Pwede po bang malaman kung saan po pwede itong iwanan. Ipadala po kasi ni Ate Lean" pero hindi sila nagsasalita. "Okay lang ba kayo" nag-aalalang saad nito. "Minumulto ba tayo?" saad noong isang receptionist. "Huh?" they acted so weird. "Sorry po, may kamuka po kasi kayong kilala namin." saad nila sakin. Napakunot naman ako ng noo. Dahil mahina silang nagbulungan. Pero hindi na ako naglakas ng loob pangbatiin sila if ako ang pinag-uusapan nila. Dahil hindi iyon ang pakay ko. "Sabi po pala ni Ma'am Ruth paki-direct na lang kay Sir Fabvier iyong mga papers. Last Floor po." nagpasalamat na ako rito at pero sinamahan ako ng isa sa kanila. She assists me until we reached the last floor. While we are walking, lahat ng tao madadaanan namin napapalingon at nagugulat sa nagiging reaksyon. Ngayon lang na sila nakita ng ganito kaganda kaya nagugulat sila. Charr. Masyado kasi akong nabo-bother sa tingin nila. Pero winaksi ko na lang dahil hindi iyon ang dahil kung bakit andito ako. Lumapit ako muna sa office noong Secretary. "Good morning. Ikaw ba iyong pinadala ni Lean" tumango ako rito. "Pasok ka na lang, Miss. At kanina pa hinahanap yan" "Thank you po." Hindi ko alam paano ang dapat kong gawin basta ang mahalaga maibigay ko ito. Pagpasok ko isang lalaki ang nakatalikod at nakaharap siya sa mga building sa baba. Dahil glass ang pader ng office niya. "G-good morning po, Sir. Ako po iyong pinadala ni Ate Lean." bunga ko rito. "You're here finally." baritonong saad nito. Kinalabutan ako sa boses niya. His voice was so manly. At kahit nakatalikod ito kita ang magandang hubog ng katawan niya. Fuck! ano ba itong iniisip ko! Dahan dahan itong humarap sakin. At ng magtama ang mga mata namin gumuhit ang pagkagulat rito. ------------------------- HAPPY READING, BEAUTIFUL FOLKS❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD