Chapter 13 - Lies, Goodbye

1607 Words
"Kumain ka na ba?" tanong ni Alex kay Lindsay nang makapasok sila sa loob ng condo unit ng binata. "H-hindi pa." He sighed and gave her a disappointed look. "Baby girl, anong oras na? Bakit hindi ka pa kumakain?" Napatungo ang dalaga at napakagat-labi. "S-sorry. Nakalimutan ko kasi..." "Sa susunod kumain ka muna, okay? Paano kung himatayin ka na naman?" Napailing ito at tumalikod. "Forget it. Maupo ka na lang d'yan. I'll cook something for you." Nagtungo ang binata sa kusina at tiningnan ang supplies nito sa loob ng ref. Kumuha ito ng frozen na dressed chicken, sayote, at nappa cabbage. Dinala nito ang lahat ng mga iyon sa may lababo. "Magluluto ako ng tinolang manok. 'Di ba paborito mo 'yun?" tanong nito habang naggagayat. Napatango si Lindsay at tumayo. Lumapit siya sa may kitchen counter at pinapanood ang ginagawa ng binata. This side of him was so new to her. Hindi niya alam na marunong pala ito sa kusina. Sa tuwing pupunta siya rito sa condo unit ng binata ay tapos na siyang kumain o 'di kaya'y mago-order lang ito ng pagkain na gusto niya. Palagi kasi nitong sinasabi na wala na itong oras para sa pagluto. "Marunong ka ba talagang magluto?" nagdududang tanong niya. Gusto lang naman niya itong asarin. Napatawa naman nang bahagya si Alex at saglit na sinipat ang dalaga bago bumalik sa paggagayat. "Bakit? Hindi ba kapani-paniwala?" "Hindi naman. I just find it cool. Sa sobrang busy mo kasi, hindi ko alam na may oras ka para matutong magluto. Parang ang dami mong kayang gawin. Nakakainggit..." He smiled. "Gusto mo bang matuto?" "Tuturuan mo ba ako?" Napalingon si Alex at nakita nito ang nakapangalumbabang si Lindsay sa may kitchen counter. She was smiling from ear to ear. Tila tumigil ang mundo niya nang makita kung paano siya pagkatitigan ng binata. It was like she meant the world to him. Na parang siya lang ang babae sa mga mata nito. Gusto niyang maramdaman kung paano makulong sa mga bisig nito. She was dead curious about it. Ilang beses niyang ini-imagine ang sarili niya bilang nobya ng binata. Pero wala siyang alam na kahit na ano tungkol sa pakikipagrelasyon. Curious din siya kung ano ang nagpapasaya kay Alex. Gusto niya itong maging masaya. Simula nang maospital siya at malamang wala roon sa tabi niya ang binata, napag-isip-isip niya nang mabuti ang kanyang gagawin. She wanted to be his girl. Gusto niyang mahalin ang isang Alexander Jesson Lopez. Matagal silang nagkatitigan hanggang sa biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ng binata. Napakunot siya ng noo. "Sabihan mo si Alice na ipa-enroll ka sa cooking class..." bigla ay sabi nito at saka nag-iwas ng tingin. "Ha? Bakit pa ako magpapa-enroll? Pwede namang ikaw na ang magturo sa akin, 'di ba?" Tila isang kurot iyon sa kanyang puso. Bakit biglang ganoon ang sinasabi ni Alex? After all that they've been through... ayaw ba nito na makasama siya? "You know I can't teach you. Marami na kasing kailangang gawin ngayon sa office. Hindi na rin ako madalas dito sa condo ko kaya baka hindi tayo madalas magkita," kaswal nitong sagot. "Ibigay mo sa akin ang address ng opisina mo. Ako na lang ang bibisita sa'yo." "No!" Napatalon sa gulat si Lindsay. Hindi siya makapaniwala. Nasigawan siya ni Alex. Tila naging ibang tao ito sa kanyang harapan. "I-I mean... Say, you have to focus on your study. Isa pa... masyadong busy sa office. Hindi ko masisiguro na mae-entertain kita kapag bumisita ka," anito. "G-gano'n ba..." Napatango ito at ngumiti. "Umupo ka muna. Mabilis lang 'to..." Nagpatuloy si Alex sa pagluluto ng tinolang manok. Pagkatapos niyon ay naghanda na ito ng mga plato at kubyertos sa mesa. Tinawag nito si Lindsay para kumain. Sa buong hapunan ay naging tahimik lang sila. Wala ni isa ang kumikibo. "Why aren't you eating? Hindi mo ba nagustuhan?" bigla ay tanong ni Alex. "H-ha? Masarap naman," nauutal na sagot naman ng dalaga. "What's wrong? What's bothering you?" Napahugot ng hininga si Lindsay saka hinarap nang seryoso si Alex. "Iniiwasan mo ba ako?" Natigilan ito. Nakita niya ang paghigpit ng hawak nito sa kubyertos habang nakatanaw sa nahihirapang ekspresyon niya. "Lindsay, I—" "May sinabi ba si Alice sa'yo? Bakit simula noong maospital ako, hindi mo na ako pinapansin? May nagawa ba akong mali?" "Lindsay, that's not what you think..." "Then tell me! Why are you shutting me up?" Nanubig na ang mga mata niya. Hindi niya maintindihan ang binata. Malinaw sa kanya na gusto nila ang isa't isa. She was sure of it. The way Alex held on to her so many times made her realize everything. Gusto niya rin ito. Pero dahil sa kanyang kondisyon ay hindi niya alam kung paano sasabihin dito nang maayos ang lahat. Ito na ang tamang panahon para rito. Handa na siya. Pero bakit nagkakaganito si Alex? Bakit siya biglang nagbago? Napatungo si Alex at naging seryoso ang ekspresyon sa mukha. "Gusto mo ba talagang malaman?" Napaangat ng tingin si Lindsay habang hinihintay ang idudugtong nito. "Tama ka. Iniiwasan kita..." pag-amin nito. Napakurap siya. "A-ano?" "Pero walang kinalaman dito ang kaibigan mo. I just decided to avoid you." "P-pero bakit? 'Y-yung mga sinabi mo sa akin... Ang mga pinaramdam mo sa akin..." "I'm sorry. I didn't want to give you false hope, Lindsay. I was wrong. Siguro na-miss ko lang ang ex ko kaya ko 'yun nagawa. The kisses we shared..." He looked up to her eyes, "they were nothing to me..." Tila isang basong nabasag sa sahig ang kanyang puso sa pagkarinig sa sinabi nito. "W-what?" "Lindsay, iyon ang totoo. I really didn't mean anything when I kissed you. Besides, you're too young for me. Thirty years old na ako and I prefer matured women. I prefer women the same age as mine. You're still studying. Hindi maganda na nawawala ang focus mo sa pag-aaral mo. Ilang beses ko nang sinabi sa'yo 'yan," mahaba nitong litanya. Nag-unahan ang mga luha niya sa pagbagsak sa kanyang pisngi. "W-wait. Bakit mo sinabi sa akin 'yan ngayon, Alex? Nagbibiro ka lang, 'di ba? Nagtapat ka sa akin. Sinabi mo na gusto mo ako! If it's not what I think it is, then what is it? Bakit iba na ang sinasabi mo ngayon? Hindi kita maintindihan..." "I like women who already work for their future. A career-driven woman. Malinaw naman siguro iyon sa'yo, 'di ba? Hindi ikaw ang gusto ko, Lindsay." Napahikbi siya nang tahimik. Hindi niya inaalis ang tingin niya sa binata. "W-were you just lying to me all this time?" Napatango ito at nag-iwas ng tingin. "I need to make things clear between us. I understand that you like me, but you have to stop it. Hindi ikaw ang gusto ko. I'm sorry..." Napatungo siya. Napahigpit ang kanyang hawak sa kubyertos at pinigilan ang sarili na maluha pa nang tuluyan. Kailangan niyang tumigil. Kailangan na niyang gumising. Napatawa siya sa sarili. Ang tanga-tanga niya. All this time ay pinaglalaruan lang siya ni Alex. Pinaikot lang nito ang damdamin niya hanggang sa ma-fall siya rito. Nagpauto siya. Gusto niya itong sampalin. Gusto niyang iparamdam dito ang galit niya. How could he do this to her?! Sobrang tanga niya para maniwala na may nararamdaman ang binata para sa kanya. In the end, he was just confusing her. Pinunasan niya ang luha niya bago tumayo at kinuha ang bag niya. "Finish your meal first before going out," he sternly said to her. Sarkastiko siyang napangiti at hinarap ito. "Uuwi na ako. Wala na akong gana..." Akma na siyang maglalakad patungo sa pinto nang bigla na naman itong magsalita. "Hey, I said eat first. Paano kung may mangyari—" "You can stop caring about me, Mr. Lopez," pagputol niya sa dapat ay sasabihin nito. "What do you mean? Kuya mo ako, 'di ba? Of course I have to take care of you!" "In the end, lumabas din ang katotohanan, 'di ba? Bata pa rin ang tingin mo sa akin. Isang mahinang bata na kailangan mong alagaan at ipagtanggol." "L-Lindsay..." "Kapag ba naging matured na ako, magugustuhan mo na ba ako nang tunay?" Nanlaki ang mga mata nito sa kanyang sinabi. "Kapag ba naging isang career woman ako at kayang buhayin ang sarili ay magugustuhan mo na ako? Gano'n ba?" Pinahid niya ang mga umalpas na luha sa kanyang pisngi at napatawa. "Forget it. Bakit ka naman magkakagusto sa akin? Kahit pa maging matured ako o maging successful na tao sa hinaharap, hinding hindi mo pa rin ako magugustuhan. Alam mo kung bakit? Kasi walang taong seseryoso sa taong may peklat sa mukha at pagkatao. "'Wag kang mag-alala. Simula ngayon, hindi na ako malilito sa ipapakita mo sa akin. Hindi na kailangan no'n. Alexander Jesson Lopez, I hope this is the last time that we will see each other..." mahaba niyang pagdeklara. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at mabilis na tinungo ang pinto. Lumabas na siya at sumakay ng elevator. Doon ay ibinuhos niya ang lahat ng luha na kanina pa niya pinipigilan. Hikbi siya nang hikbi. Hindi siya makapaniwala. Ipinahiya niya ang sarili sa pag-aakalang gusto rin siya ni Alex. Puro lang pala kasinungalingan ang mga sinabi nito sa kanya. In the end, isa lang siyang bata kung ituring nito. Ang tanga niya para paniwalain ang sarili niya na magiging nobyo niya ang binata. Nangangarap lang pala siya nang gising. Umuwi siyang luhaan. Hindi niya mapigilan ang pagragasa ng kanyang luha. Sobra siyang nasasaktan. Kung alam lang niya na mahuhulog ang loob niya kay Alex ay sana matagal na niya itong nilayuan. Sana pala ay hindi na niya ito itinuring na kuya. "Makakalimutan din kita, Alex. Ipinapangako ko... makakalimutan din kita..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD