Naging tahimik ang buong biyahe nina Alex at Lindsay papunta sa bahay ng dalaga. Wala ni isa sa kanila ang kumikibo.
Pagkatapos ng maalab na halik na iyon ay tila umurong ang dila ng dalaga. Ilang beses niyang kinukurot ang kanyang kamao sa sobrang kaba na nadarama.
Ipinagpapasalamat na lang niya na nanatili lang din si Alex na tahimik hanggang sa nakarating na sila sa bahay.
"Mag-text ka kung matutulog ka na, ha?" tagubilin ng binata.
Napakunot ang kanyang noo. "Uuwi ka na ba?" bigla niyang tanong.
"Well... I have to... or else I'd do something you will not get comfortable with." Halata sa mukha nito na nagpipigil at panghihinayang. He was being considerate of her.
Hindi naman siya tanga para hindi malaman kung ano ang iniinda nito. Ngunit heto siya at kinakabahan. Mayroon sa puso niya na nagsasabi na hayaan na itong umuwi at mayroong namang isang bahagi niya na nagsasabi na pigilan ito.
"S-sige. Kung talagang uuwi ka na..." naibulong niya.
Napasandal si Alex sa upuan at swabeng nilingon si Lindsay. He crept up a cunning smile at her. "I won't stay unless you say so."
Paulit-ulit ang ginawang pagkurot ni Lindsay sa kanyang kamao. Hirap na hirap ang kanyang kalooban. Ngayon lang siya nakaramdam ng matinding paghihirap sa pagpapasya.
Ano ba ang sasabihin niya?
"Okay. I won't force you to say something. Alam kong mahirap. How about this? Kapag nagbilang ako hanggang sampu at hindi ka pa bumababa sa sasakyan, it means you want me to stay here. But if you come out before the count of 10, it means, you want me to go. How's that?" suhestiyon nito habang nakangiti.
Napatungo na lang siya at hinintay na magsalitang muli ang binata.
"Okay. 10... 9... 8... 7... 6..." pagsisimula nito sa pagbibilang. Tumatapik pa ito sa manibela at ang tanaw ay nasa labas.
Kailangan niya nang umibis. Iyon ang dapat niyang gawin, ngunit tila tumigil ang oras lalo na noong pinagmasdan niya ang gwapong mukha ni Alex. Nakalimutan na niyang huminga at nanatili lamang sa pagmasid sa mukha nito.
This man beside him is hers? Parang hindi niya mapaniwalaan nang husto. Pakiramdam niya ay nasa panaginip pa rin siya.
"5... 4... 3... 2... 2 and a half..." Napatigil saglit si Alex at nilingon si Lindsay.
Kapwa sila natigilan at namungay sa pagtingin sa isa't isa.
"O-one..." pagtatapos nito sa pagbibilang saka humugot ng malalim na hininga. "Baby girl... why didn't you come out?" he asked in a husky voice.
"W-wala si Alice ngayon. Ipagtitimpla kita ng kape." Mabilis na umibis si Lindsay mula sa sasakyan at iniwang natitilihan ang binata.
Napapikit siya at ilang beses minura ang sarili. "Ano bang ginagawa mo, Lindsay? Hindi 'to tama..." sermon niya sa kanyang sarili.
Pagkapasok sa loob ay pinatuloy niya ang binata. Naupo lang ito sa may sofa sa salas habang siya ay abala sa pagpapakulo ng tubig.
Nakita niya ang pagsipat ni Alex sa mga picture frame na nakadikit sa dingding. Mostly, pictures iyon nila Lindsay, Alice, at Rex.
Pagkatapos magpakulo ng tubig ay ibinuhos na niya ito sa 3-in-1 mix na nasa loob ng mug. Pagkatapos kanawin ay dinala na niya ito sa mesa sa salas.
"Gaano na kayo katagal na magkaibigan ni Alice?" bigla ay tanong nito.
"Hmm... since High School. Transferee ako sa school nila at doon kami nagkakilala. Isa pa, magkapit-bahay lang kami dati," sagot naman niya.
Bumalik na sa upuan ang binata at sumimsim ng kape. "Salamat dito..."
"Pasensya ka na. Wala kasing ibang kape rito sa bahay. Puro lang 3-in-1 ang nandito..."
"Okay lang 'yun, baby girl. Mas madalas akong umiinom ng 3-in-1 na kape. Mas madali kasi."
Katahimikan.
"Alam kong may mga tanong ka. Bakit nananahimik ka lang? Kung may mga tanong ka sa akin, feel free to ask me right now habang nandito pa ako..." pagsisimulang muli ni Alex.
"Umm..." Napatungo siya at muling kinurot-kurot ang kanyang kamao. "I'd be honest with you... wala akong kaalam-alam sa isang relationship. Obviously, ikaw pa lang ang una kong naging... b-boyfriend..." sa wakas ay naisambit din niya ang kanina pa niya gustong sabihin magmula sa biyahe. "I've never been in a relationship with anyone before. Para sa akin, isa itong mahirap na estado. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit mas pinili mong makipagrelasyon sa akin. Alam mo na... hindi ako kagaya ng ibang babae na maraming experience pagdating sa dating. Bakit ako?" tanong niya.
Napalawak ang ngiti ng binata at pinagmasdan siyang mabuti.
"Bakit nakangiti ka lang? Hindi mo ba sasagutin ang tanong ko?"
"I just wanna stare at you all day long, baby girl."
"B-bakit?"
"I liked it when you said that I'm your boyfriend," anito habang nakangiti.
Maya-maya ay biglang nag-init ang kanyang pisngi. Mabilis siyang napaiwas ng tingin. Napapaypay siya sa sarili nang wala sa oras.
Ang init!
Biglang tumayo si Alex at lumapit sa kinauupuan ni Lindsay. This time, he was leaning toward her. Awtomatikong napaiwas siya out of instinct. Sa pag-urong niya ay hindi niya namalayan na nakasandal na siya sa headrest ng mahabang sofa. Palapit ito nang palapit sa kanya hanggang sa gahibla na lang ang agwat ng kanilang mga mukha.
"A-Alex... anong ginagawa mo?"
"Baby girl, I don't care if you don't have any experience about dating. As long as I am dating you and I like you, I will make sure to make you happy. At saka, hindi ko kailangan ng experience. You know, mas may thrill pa minsan ang walang experience kaysa mayroon. I mean, I like it like this... us..."
"P-pero... nakikita mo naman ang hitsura ko, 'di ba? Isa akong plain na babae. Baduy ako manamit. Walang kagusto-gusto sa hitsura ko. Pero bakit ako?"
"Don't say that to yourself, baby girl! You're beautiful. Hindi mo kailangang magsuot ng kahit na anong uso. To me, you're the epitome of beauty."
Napatawa naman siya dahil doon. "Ang exag mo, ha? Ako? Maganda? 'Wag mo nang bilugin ang isip ko, Alexander Jesson Lopez! Masyadong mabulaklak ang mga salita mo."
"Bakit ba ayaw mong maniwala? Paano ko ba mapapatunayan na totoo ang sinasabi ko? Na maganda ka?"
"Hmm..." Napailing siya at tumawa. "Nevemind..."
He suddenly cupped her chin and met her gaze. "Kung pwede lang kitang papakin ngayon, Lindsay, gagawin ko. You're being cute right now."
"H-ha?!"
Napahalakhak si Alex at ninakawan siya ng halik sa labi.
Saglit lamang iyon ngunit ilang milyong boltahe na ang nanalaytay sa buong katawan ng dalaga.
"I like this feeling..." he suddenly said.
"A-ang alin?"
"Being able to like you and still feel mushy kahit panakaw na halik lang ang gawin ko. I feel like a highschooler right now!" pag-amin nito.
Napasimangot naman siya at napatingin muli sa kanyang mga kamay. "Pasensya ka na. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin. Aaminin ko na natatakot pa rin ako. Naiisip mo siguro na weird akong babae. Mostly ang mga babae na kaedaran ko ay marami nang experience sa relationships. Mostly sa kanila ay bihasa na sa dating. Pero ako... pakiramdam ko ay ngayon lang ako naging tao..." Napatawa siya. "Ang weird ko, 'di ba?"
"Well, it's okay. Hindi ako marunong manligaw. Hindi ka marunong sa relationships. It's just a tie, baby girl!" Kinindatan pa siya ng binata.
Nagtawanan silang dalawa. Pagkatapos niyon ay napatigil sila at nagkatinginan sa isa't isa.
"Okay lang naman sa'yo, right?"
"Ang alin?" tanong niya.
"That we do this? Just kissing..."
Napakagat-labi siya. Pinipigilan niyang mapangiti sa harap ng binata. Baka isipin nito na gusto niya ang mas higit pa roon. Hindi pa siya handa. Hindi niya alam kung makakaya niya lalo na at panay ang pag-atake ng anxiety niya.
"Do you know that you're already teasing me?"
Nanlaki ang mga mata ni Lindsay sa tinuran ni Alex. "Ha? H-hindi kaya!"
"Yes, you are."
"No, I'm not teasing you!"
"You are. You're biting your lip. You're inviting me already. Don't do that, unless you mean it..."
Napalunok siya. Natutukso na naman siya sa mannerism niyang iyon ngunit minabuti na lang niya na mapapikit.
"I'm okay with everything, baby girl. Ayoko na pati itong relationship natin ay magbigay rin sa'yo ng trauma. I want you to remember us in a happiest way. So, if you want me to take it slow, I will," he said assuringly.
Napangiti siya dahil doon. "Thank you, Alex."
Napatingin ang binata sa relo nito at ibinalik ang tingin sa kanya. "It's already late. Matulog ka na. Maaga ka pa bukas." Akma na itong tatayo at sumunod naman si Lindsay.
"Aalis ka na?"
"Yes. It's not safe around me, baby girl."
Napasimangot siya at pabagsak ang dalawang balikat dahil sa narinig. "S-sige. Mag-iingat ka."
Nasa tapat na sila ng pinto nang pumihit muli si Alex paharap sa kanya.
"Can I kiss you?" biglang tanong nito.
"Umm... yeah?"
"Pwede bang... matagal?"
"H-ha? Ahh..." Heto na naman ang nauutal niyang tinig. Dinadaga na naman ang kanyang dibdib. Hindi niya mawari kung ano ang dapat na gawin.
"Just take my hand if you want to. On the count of three. One... two... thre—" Hindi na natapos ni Alex ang sasabihin dahil si Lindsay na ang kumabig at sumiil ng halik dito.
Mahahalata sa galaw niya ang kaba at panginginig niya. She can vividly remembered how Alex kissed her many times, pero tila hindi niya iyon ma-apply sa binata. Para siyang bata na naghihintay ng saklolo sa mga oras na iyon.
Naramdamanan niya ang pagguhit ng ngiti sa labi ng binata bago nito iginalaw ang mga iyon upang marubdob at lumalim pa ang halik na iyon.
Sa simula ay tila isa siyang kandila na unti-unting nauupos sa paraan ng paghalik sa kanya ng binata. May pag-iingat ito ngunit puno-puno ng kasabikan. She knew how much he was fighting the urge.
Naglakbay na rin ang mga kamay nito sa kanyang likuran. Ngunit hindi na bumaba pa ang kamay nito sa kanyang baywang. Tila napapaso ito kung lalampas pa doon ang mahahawakan.
Siya naman ay napakapit sa leeg ng binata. Palalim nang palalim ang mga halik nila sa isa't isa. Hindi niya namalayan na napaungol na siya. Nakipagsagupaan pa ang kanyang dila nang ipasok ng binata ang eksperto nitong dila. Ginalugad nito ang kanyang loob na halos magpawala sa kanyang katinuan.
Wala sa loob na napapisil siya sa balikat nito. Ang binata naman ay mas lalo siyang kinabig palapit sa katawan nito. Damang-dama tuloy niya ang kung anong umbok na matigas sa loob ng pantalon nito.
"Damn..." napamura ito at mabilis siyang naitulak. Marahan lamang iyon. Sapat na para magkaroon sila ng distansya sa isa't isa.
Kapwa sila naghabol ng hininga habang nakatingin sa isa't isa.
"I really have to go, baby girl. Baka saan pa 'to mapunta. The more I stay here, the more I will lose my self-control," he said in his pleading voice.
Napatango siya at ngumiti rito. "Okay. Be careful..."
"I'll call you once I get home, okay?"
Tango lang ang kanyang naisagot.
Nang makasakay na at tuluyang umalis si Alex ay saka pa lamang siya nakahinga nang maluwag.
She couldn't believe herself. When she felt his hard bulge between her thighs, she didn't even flinch. Somehow... it felt good. At ang nakakapagtaka sa lahat, tila mas nanaig ang curiosity niya.
She started imagining Alex in his birthday suit. She was imagining him naked on top of her.
Bigla siyang napasinghap. Tinakpan niya ang kanyang bibig. "Oh, gosh! What are you thinking, Lindsay?!"